KABANATA 5

3.1K 31 8
                                    

Kabanata 5

March 1 2016 10:47 pm

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng makasigurado akong wala na si Tito Ruben. itinali ko pa sa kamay ko ang kadena para ipang sapak sa kung sino man mangwawalanghiya sa akin.

Halos manlamig ako ng may tumakip sa mga bibig ko.
"Tita Hilda?" bumalik lang sa normal ang pulso ko ng mapagtanto ko na si Tita Hilda ang humila sa akin papasok ulit sa kwarto ko.

"Huwag kang maingay Aril. Eto ang perang inipon ko para sayo. Magpakalayo layo ka na. Bilisan mo habang tulog ang pinsan at tiyuhin mo. Alam ko ang mga kababuyan nila sayo. Sana patawarin mo ako Aril alam kong hindi ako naging mabuting Tiyahin sayo kaya ngayon ako babawi. Ayoking mas nasira ang buhay mo sa lugar na to. Patawarin mo ko Aril.. Wala akong lakas ng loob para protektahan kita. Kasama jan sa papel na yan ang Address at numero ng Mama mo sa Japan kontakin mo sya. Umalis ka na at huwag ka ng babalik." hilam na ng luha ang mukha ni Tita Hilda. Ang pabaong nyang mahigpit na yakap at ang pera sa kamay ko.

Isang lingom muli ang ginawa ko isang kaway ang ibinigay ni Tita Hilda.

Lumandas ang mga luha ko habang tinatahak ko ang madilim na eskinita at ang malamig na simoy ng hangin ng madaling araw. Handa na ba talaga aki sa paglayo at mabuhay ng mag isa? Pero paano kung mas malaa ang kahantungan ko?

Laking pasalamat ko na hindi ko kailanman isinalansan ang mga gamit ki sa drawer na nasa kwarto lagi kong nilagay sa bag para sa ganitong panahon na handa na akong mag isa.

Nagtungo ako sa kumpanya na pinapasukan ko. Mamaya na lang siguro ako maghahanap ng pansamantalang tutuluyan. Buti na lang at kilala ko ang guard kaya hinayaan nya akong makisilong sa upuan kung saan sya naka pwesto.

Pumutok ang umaga at hanggang ngayon ay dilat pa rin ako. Nakiusap ako sa guard na kung pwedeng makiligo sa CR para makapagpalit ako ng uniporme.

Pagpasok ko ay ganun pa din ang routine ko. Nauna akong nakapasok kaya nadala ko pa ang gamit sa opisina. Siguro aabsent na lang ako mamaya sa klase para makahanap ng pansamantala mauupahan.

Mahigit limang libo ang pera sa akin. Kasya na to basta makahanap lang ako ng tutulugan ko mamaya.

Masyadong okupa ang utak ko ng may pumitik sa harap ko.

"Excuse me Miss nanjan ba ang Kuya ko?" ang magandang mukha na nasilayan ko sa tanan buhay ko ay nasa harapan ko na. "Miss are you spacing out? Kanina pa ako sa harap mo?"

"Ayy naku! Mister ayy Sir Rozen Elizalde pasensya na po. Ahh opo nasa loob pa po yata sya." tumayo ako sa pagkabigla na feeling ko nagkabuhol ang mga dila.

"Ahh thanks." ngumisi lang sya bago dumiretso sa opisina ni Kuya Dashiel. Nakita kong nag irapan ang ilan babae dahil sa eksenang nakita nila. Ang table ko ang malapit sa opisina ni Kuya Dashiel kaya siguro ako ang napagtanungan nya. Hindi ko naman literal na nilandi si Sir Rozen akala naman nila! Pero mas katakot takot na irap ang natamo ko sa sekretarya ni Kuya Dashiel.

Oo nga! Sya naman yung lumapit sa akin. Hindi naman ako. Kaya nakakapagtaka na bakit ako ang tinanungan nya.

Napataklob na lang ako ng mukha sa hiya na naramdaman ko. Halos isa-isahin ko ang perpekto nyang mukha. Ang makinang nyang hikaw na nakadagdag sa mejo badboy nya itsura. Ang sinadyang gulo na istilo ng buhok nya. Yung matangos nyang ilong na tatak Elizalde talaga! Yung maputi at makinis nyang balat, nakakainggit dahil mas makinis pa yung mukha nya kaysa sa akin. Samantalang ako tinutubuan ng pa-isa isang tagyiwat lalo na kapg dadatnan ako ng mens ko. Siguro ganun talaga kapag mayayamanan iniiwasan talaga ng tagyiwat, black head at oily face.

"Ms. Ides!" sigaw ni Miss Flores yung seksing sekretarya ni Sir Dashiel.
"Bakit po?" lumapit akong bahagya sa wooden table nya ibang iba sa Plastic rectangle table na punong puno ng papel parang kahapon lang naayos ko na to ngayon gabundok na naman at upuan kong monobloc. Sa tabi ng water Dispenser malapit ang lamesa ko malapit din sa  kwarto kung saan pwede kumain ang mga empleyado, dito din ako madalas utusan magtimpla ng kape ng lahat ng nandito pati na si Kuya Dashiel. Isang taon na ako dito pero ayos naman bast huwag lang akong magrereklamo. Naiintindihan ko naman kung bakit sa akin pinapagawa yung mg simpleng pagtimpla ng kape, pagpapaxerox at kumg ano ano pa. Iniisip ko nalang na mas matindi ang trabaho nila na araw araw iisipin kung paano gumawa ng monthly report ang araw araw na mag update sa exchange rate at kung ano ano pa. Alam kong mahina ako sa Math kaya Filipino Major ang kinuha ko.

"Pinapatawag ka sa loob ni Sir Elizalde.." binalik nya ulit ang atensyon nya sa computer.

Elizalde?! Baka nalaman na ni Kuya Dashiel na nag overnight ako sa labas ng opisina nya!

~Im all Yours Kharrian~

A Night with Rozen ElizaldeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon