Kabanata 3
March 1 2016 9:49 pm
Nang sumapit ang alas tres y media ay nagmadali akong pumasok patungo sa eskwelahan pinapasukan ko. Naabutan ko pa na magpaaaudition si Sir Noah para sa bagong bokalista ng Zeus na syang banda nya. Peri isang boses lang ang nang ibabaw sa stage ang lalaking may hawak na native chicken. Malakas ang hiyawan ng mga kababaihan ng natapos ang kanta nya
Nagmadali na akong tumungo sa kwartong papasukan ko. Mahirap na mahuli dahil isa sa pinaka terros na professor ko si Sir Dimaano.
Sa pinaka gilid ako ng bintana nakaupo, ladama ko sa iisang kwarto ang mag best friend na si Miss Reina at Miss Coreen yung huling kadadating lang na may hawak na manok sa stage kanina. Umupo sya sa bandang likuran ni Miss Reina. Tahimik ko lang sila pinagmasdan.
Naging smooth naman lahat ng subject na punasukam ko, kung pwede ko lang gugulin ang buong oras ko sa labas ng bahay namin ay ginawa ko na. Pero hindi pwede. Kelangan ko harapin ang araw araw na bangungot sa pamamahay ng tiyahin ko. Kelangan ko din magpahinga kahit na maingay sa bahay ni Tita.
Pumasok ako sa squaters area kung saan ako nakikitira sa bahay ng tiyahin ko.
"HOY Aril wala ka bang ibibigay na pangtoma sa amin? Mukhang may pera ka pa jan ah?" sigaw ng pinsan kong si Andres ng maabutan ko syang lumalaklak ng lambanog sa harapan ng tindahan ni Aling Juanita kasama ang mga tropa nyang tomador. Ito din ang isa sa kinaiinisan ko apat na letra lang ang pangalan ko hindi pa nya mabigkas ng tama!
Arli! Hindi Arli kundi Aril! Gusto kong isigaw sa pagmumukha nya."Wala akong pera Kuya Andres, pambili ko nga ng bago kong sapatos wala ako ehh. Alak nyo pa kaya?"
"Aba't sumasagot ka na?" ambang sasampalin ako ni Kuya Andres pero maagap na sinalag ng mga kainuman nyang nagbabato din. Napairap na lang ako sa kawalan.Isa din ito sa dahilan kung bakit nag-aaral akong mabuti para makaahon man lang sa kahirapan.
Hinubad ko ang sapatos kong halos dalawang taon ko ng ginagamit kaya tadtad ng shoe glue, para hindi ako iwan sa ere malayo pa ang sahod ko kaya kelangan nya munang magpakatatag. Pinunasan ko muna ang bahagyang naputikan na bahagi bago ko nilagay sa likuran ng pinto at maayos.
Sa oras na makaahon ako sa kahirapan na kung anong meron ako ay sisisguraduhin kong hindi na ko babalik. Oo siguro lilingunin ko parin kung saan ako nag umpusa para mas maging pursigido ako sa buhay.
"Aril may dalawang daan ka ba jan pakiramdam ko kasi mananalo ako sa majong. Nangangati talag yung mga palad ko. Sya nga pala nakahanda na ang pagkain at uniporme mo bukas. Ano may pera ka ba jan?"
"Wala po ehh."
"Ano ba naman Aril halos mapasma na ako kakalaba at kakaplantsa aa uniporme. Parang dalawang libo lang di mo ko mapagbigyan?"
"Wala ho talaga. Eto po singkwenta pesos pamasahe ko po sana bukas yan pagpasok." padagil na kinuha bi Tiya Hilda ang lukot na singkwentang kinuha ko sa pantalon kong kupas.Binungkal ko ang sinasabing pagkain ni Tiya Hilda. Pero ang tumambad sa akin ay ang isang tasang instant noodles na malamig pa sa tubig sa pitsel namin isang pirasong daing na bangus at ang kanin lamig na sinaing siguro kaninang tanghali. Hindi naman ako nagrereklamo dahil ok na to kaysa sa kahapon na naabutan ko.
Umupo ako at kumain. Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos na kahit alam kong pabigat ako sa tiyahin ko ay tinanggap nya pa din ako.~Im All Yours Kharrian~

BINABASA MO ANG
A Night with Rozen Elizalde
RomanceRozen Elizalde is one of the well known brothers of Elizalde Clan. Gwapo, mayaman at higit sa lahat gago kung magmahal, at ang maswerteng babaeng yon ay walang iba kung hindi si Coreen Samantha Aquino. Sinong hindi mababaliw sa isang Elizalde lalo n...