CHAPTER 5: Awkward Moment 

1.9K 50 6
                                    

Paula’s POV’S

“Mga classmate, pwede bang makishare sa table nyo?..”Sila George at Michael.

Tiningnan ko lang sila. Galit pa rin ako kay George. Pero kumpara kay Emrei walang laban ang galit ko sa nararamdaman kong galit para kay Emrei. Hanggang ngayon, gusto pa din pumutok ng butsi ko dahil sa lalaking ito. Nakakabadtrip. Ang lakas ng loob na magpakita pa sakin. Hays.

Lumingon ako kay Rozen. Halata naman na hinihintay nito ang pag-sang ayon ko kung pauupuin ba namin sila George at Michael. Tumango lang ako bilang sagot ko. Ayoko naman maging katulad ni Emrei na hindi marunong rumespeto. Tsk.

“Sige mga pre..” Si Rozen.

“Ako din, pwede bang makiupo...” si Emrei.

Kahit nakayuko ako, makikilala ko pa rin ang boses nito. Lalo lang ako nainis. Ang lakas ng loob nitong makishare sa table nila. How dare him!

“Pau, ayos lang ba?..” Si Rozen halatang nag-aalangan ito.

Nakasimangot ako ng harapin ko sila.

“Ayos lang. Wala akong paki kung umupo man sya dyan. Marunong naman akong makiramdam. Kailangan niya ng mauupuan. Di naman ako kasing sama ng iba dyan para ipagdamot yang upuan na yan. ” Badtrip talaga!

Umupo nga si Emrei sa bakanteng upuan. Ayos! Hindi ba nya nararamdaman na hindi ako komportable na kasama sya. I hate this feeling. Parang anumang oras, makakapanakit ako ng tao. Habang maaga pa, dapat umalis na ako dun.

“Roz, una na ko. May gagawin pa ko...” Palusot ko.

Halata naman na nagulat ito, pati ang tatlong unggoy na kasama namin sa table.

“Pero hindi ka pa tapos kumain..”Si Rozen.

“Nagmamadali na din ako eh. Sorry Rozen, mauuna na ko. Di na din ako makakain ng ayos e. Feeling ko di ako matutunawan dahil sa nakikita ko..”

Muka naman nagets yun ni Rozen.

“Wait, sasabay na ko sayo..” Tumayo na nga si Rozen. Inayos lang nito ang mga libro na dala nito bago nagpaalam sa mga kasama nila.

“Sige guys una na kami..” Si Rozen.

Napansin nyang tumingin si Emrei sa kanya. Inisnob lang nya ito. Dahil sa lalaking ito, nawalan na ko ng gana.

Lumabas na nga kami ng Canteen. Nahihiya ako kay Rozen dahil nadamay pa ito sa ginawa kong pag-iinarte.  Pero hindi ako makatagal na kasama si Emrei. Nararamdaman ko na naman yung inis ko sa kanya.

“Rozen, baka nagugutom ka pa. Pasensya na talaga ah. Pati tuloy ikaw hindi natapos sa kinakain..” ngayon ko lang naramdaman yung hiya dahil sa ginawa ko.

“Ayos lang yun. Tara, dun muna tayo sa swing at magpatunaw ng kinain.” Si Rozen.

Anong tutunawin kong pagkain? E halos hindi nga kong kumain.

Pumunta na nga kami doon sa swing para magpalipas ng oras. Mahaba pa kasi ang natitira sa break namin kaya doon muna kami.

Nang makaupo kami sa swing, biglang nagsalita si Rozen.

“Ayos ka lang Pau? Baka nagugutom ka pa. Unti lang kasi ang nabawas sa kinain mo..”Si Rozen.

“Ayos lang ako Roz. Busog na ko dun..” Ngumiti ako para maging makatotohanan yung sinabi ko.

Ngumiti lang ito saka tahimik na nagpaduyan duyan sa swing. Tumahimik na lang din ako saka nagmasid masid sa paligid.

Rozen’s POV’S

Alam ko na si Emrei yung dahilan kung bakit biglang tumayo si Paula at hindi na tinapos yung pagkain. Nakaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa kong pagpayag na makishare sila Emrei sa table namin. Nasira tuloy yung magandang usapan namin dahil sa nangyari.

Parang nananadya pa si Emrei na umupo ito kasama namin. Parang wala lang dito yung ginawa nya kay Paula. Lalo tuloy akong nainis kay Emrei. Tandaan mo Emrei, may araw ka din.

Hindi ko tuloy maiwasan ang magselos dahil sa naging reaksyon ni Pau. Simula noong first year kami, ginawa ko ang lahat para mag-excel sa lahat ng subject nila para mapadali ang gagawin kong panliligaw kay Paula. Pero parang nagkaroon pa ng isang malaking hadlang sa katauhan ni Emrei.

Pero hindi ako susuko. Alam kong mapapansin din ako ni Paula. Ang kailangan ko lang ay ang magtiyaga. Siguro naman malaki ang chance ko dahil nararamdaman ko malaki talaga ang galit nito kay Emrei.

Narinig namin na nagbell na. Ang ibig sabihin lang nun ay tapos na ang lunch break namin. Tumayo na ko.

“Pau, tara na...”

“Sige. Baka malate pa tayo...” Tumayo na rin ito at sabay kaming lakad papunta sa room namin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Masaya na ko kapag kasama ko sya.

Ang CRUSH kong LAITERO [COMPLETED...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon