CHAPTER 24: Ang GULO...

929 35 0
                                    

Emrei’s POV

Hala! Bakit nagback-out si Pau. May nagawa ba kong mali? Tell me!

Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Hinabol ko sya.

“Hey! Ano ba?..” Naiinis kong tanong.

“Hey ka dyan! Stop talking with me!..” Si Paula.

“Darn it!..” Sabi ko.

“Just leave me alone..” Si Paula. Lumakad na ito palayo sa akin.

Putek! Clueless ako sa inaakto ni Paula. Isip Emrei. Ano ba ginawa mo?

Nagalit ba si Paula dahil hindi nya ko nakita doon sa try-out nya kanina? Oo, tama! Baka doon nga.

Nagdecide akong wag munang guluhin si Paula. Pero, tahimik akong sumunod sa kanya. Kahit ayaw nitong magpahatid sa akin, susundan ko pa din sya para masigurado na walang mangyayaring masama sa kanya. May karapatan naman talagang magalit sa akin si Paula dahil bigla na lang akong nawala kanina. Iintindihin ko muna.

Magkaiba kami ng sinakyan ng jeep pero iisa lang yung patutunguhan. Hindi nito pwede malaman na sinusundan ko sya. Almost 10 minutes nakarating na kami sa subdivision nila Paula. Halatang parang wala sa sariling naglalakad si Paula. Grabe ba talaga yung nararamdaman nitong tampo sa akin?

Nang masiguro kong nakapasok na ng bahay si Paula ay umuwi na ako. Atleast I know, safe na nakauwi si Paula.

Paula ‘s POV

Owww? How come na nakauwi ako sa bahay? Hindi ko namalayan na nasa kwarto na pala ako at nakahiga na. Malalim kasi yung iniisip ko kaya medyo hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi nun. Awts!

Nakakaramdam ako ng gutom pero parang ayokong kumain. Yung feeling na isusuka ko lang yung mga kinain ko kasi ayaw pang tumanggap ng tummy ko ng kahit na anong pagkain because the owner of this body is feeling depress right now at AKO yun. Hayy! Bakit ganito? Dapat matuto na kong mag-move on. Hindi kami para sa isa’t isa ni Emrei. Kailangan ko yun tanggapin ng mas maaga para hindi gaano masakit sa feeling. Slight lang kumbaga. Pero putek na to! Ang hirap tanggapin eh. Mahal ko si Emrei at ayoko syang mawala. Pero kailangan ko syang pakawalan para di kami masaktan parehas. Awtchu!

What should I do? Just move on or fight for the sake of my heart? Hey! Tell me.

“Nak, kumain ka na..” Si Mommy.

Paano ako kakain? Wala akong gana at sobrang sakit na ng puso ko. Awts!

“Sige po. Busog pa po kasi ako eh..”

Tumagilid ako ng higa. How can I learn to be strong. Yung kaya kong mabuhay kahit walang nagmamahal saken. Yung kaya kong huwag iasa sa ibang tao yung kasiyahan ko. Paano kaya yun?

Hindi ko napigilan ulit ang mapaiyak. Pag naiisip ko yun, yung tears ko automatic na aagos. What the!

Yan tuloy, nakatulugan ko na yung pag-iyak.

Kinabukasan....

“O nak? Bakit maga yang mata mo?..” Si Mommy.

Bakit nga ba? Hmm. Umiyak kasi ng buong magdamag? Pwede ko ba sabihin yun sa Mommy ko? Parang nakakahiya naman di ba?

“Napuyat po kasi ako.. Hindi po ako makatulog..” Sabi ko na lang. Hmm. Maniwala nga kaya?

“Anak, kung may problema ka wag mong sosolohin. Andito kami ha?..” Si Mama.

Oh! Sucks. Wag ka muna umiyak. Please!

“Okay po..” Sabi ko. Trying to stop my tears.

Kumain na nga kami ng tahimik.

Ayy! Papasok na naman ako. Kung pwede lang talaga idahilan ang pagiging broken hearted para ma-excuse sa klase. Hay! Kung pwede lang talaga.

Tinatamad akong kumilos. Pero kasi, lalong magtataka si Mommy kung bakit hindi ako pumasok. Okay! Yan na a. Kikilos na para pumasok.

1hour after. Nakabihis na ko. Inaantay ko na lang yung kapatid ko. Okay! Be ready for your speech. Kailangan mong maging matatag. Minsan lang naman akong magpapanggap na okay ako di ba?

On the way na ko papuntang school. Ewan ko ba kung bakit kailangan kong makaramdam ng kaba. Hindi naman di ba dapat? Kasi wala akong kasalanan. Pero, alam ko sa sarili ko na hindi ko pa talaga kaya. Pero, wala akong magawa eh. Kailangan kong harapin ang katotohanan.

Nandito na ko sa school. Mahinahon akong naglakad papunta sa room namin. Smile Paula! Kaya ko to.

Medyo marami na yung tao sa room namin. Pero wala pa si Emrei sa loob. Hayy! Salamat.

Bigla akong nagulat ng biglang may yumakap mula sa likuran ko. Shocks! Sino ba to?

Nilingon ko yung taong nakayakap saken. Shemay! Si Emrei.

“Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako...” Sabi ko.

“Sorry na Pau. Forgive me na..” Sincere na sabi ni Emrei.

Putek! Pano ba to? Nalilito na ko. Galit at kilig yung nararamdaman ko pero hindi ko alam kung ano yung mas lamang eh.

Ang CRUSH kong LAITERO [COMPLETED...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon