CHAPTER 17: Amazing.. I think <3

1.2K 36 1
                                    

Paula’s POV’s

Saturday ngayon. Walang pasok. Walang baon at higit sa lahat walang Emrei na makakasama. Hayyss! Ang boring naman nito mga dre. Weekends nga, pero sandamakmak naman ng assignments. Watta! Uso pa ba pahinga?

Nakakatamad kumilos. Tinanghali na nga ako ng gising pero nakakatamad pa din. Buhay naman oh. Kakain na nga lang ako.

Bumaba na ko. Wala sila madir at si Gino. Nasan kaya sila?

Mabilis lang ako kumain saka bumalik ulit sa kwarto ko. Gagawin ko na nga lang yung assignment ko para may ma-achieve naman this day. HAHA

Nag-eenjoy na ko sa paggawa ng assignment ko ng biglang nag-ring yung phone ko.

It was an unknown number. Hmm. Sino kaya to?

“Hello?..” Sabi ko.

“Hello. Si Paula ba to?..” Sagot ng nasa kabilang linya. Lalaki yung tumatawag.

“Yes po. Sino po ito?..” Sagot ko ulit.

“Si Emrei to, Pau..”

Whaaattttt?

“Emrei?..” Ayiiiee. Kinikilig na naman ako. HAHA

“Oo nga. Kulit nito..” Natatawang sagot ni Emrei.

“Wala lang. Naninigurado lang. O? Bakit ka napatawag?..” Napapangiti na ko. Shemay! Look at me naman. Muka na kong tanga. Dang lapad ng pagkakangiti ko eh.

“Di ba, nasabi ko sayo na ngayon natin gagawin yung project natin sa Fili..”

Ay! Oo nga pala. Saturday pala ngayon. Bakit ko nakalimutan yun?

“Oo nga no. Sorry! Nakalimutan ko na...”

“Magkita na lang tayo before mag-10. Dun sa fast food restaurant na malapit sa school naten. Okay na ba yun?..” Si Emrei.

Gravity~! Oo naman. Kahit saan okay lang basta ba kasama ka. Hihihi

“Sige. Okay lang saken. Maghahanda na ko. Text na lang kita..” Sabi ko.

“Sige. Ingat ka. Gusto mo bang daanan na lang kita sa bahay nyo?..” Si Emrei.

Oh men! Susunduin ba niya ako? Na-excite tuloy ako.

“Okay lang kung okay sayo..” Sabi ko. Pakipot epek pa ko.

“Oo naman. Sige. Daanan na lang kita dyan.. Byebye na..” Si Emrei.

Naputol na nga yung tawag.

Omygassshh! This is it. Akala ko maboboring na ko sa bahay eh. Yun naman pala, magkikita pa din kami ni Emrei. O thanks. Masaya to. Makapagready na nga.

Emrei’s POV’s

Malapit na palang mag-10. Ayokong malate sa usapan namin. Kailangan kong magmadali.

“O anak, san ka pupunta? Sabado ngayon ah..” Si Mommy.

“May gagawin lang po kaming project..” Sabi ko.

“Ganun ba. Sige, mag-iingat ka..” Si Mommy.

“Okay po..”

Lumabas na ko. Malayo pa yung lalakarin ko bago makarating sa sakayan.

Lakad-takbo yung ginawa ko. Putek! Malelate pa yata ako. 9:00 na.

Pumara na ko ng masasakyan.

In ten minutes, nakarating na ko sa subdivision nila Paula. Medyo mainit ah. Bilis Emrei, malapit ng mag-10.

Yes! Nakarating din. Ilang beses akong nag-isip kung pipindutin ko na ba yung doorbell. Ewan ko. Pero kinakabahan talaga ako. Putek na yan.

Nagulat ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

“Kuya, sino hanap mo?..” Tanong ng batang lalaki.

“Ah. Si Paula. Dito ba sya nakatira?..” Kinakabahan kong tanong. Ba naman, kahit alam ko naman na dito nga nakatira si Paula e tinanong ko pa rin. Tsk!

Tumingin muna sila saken. Epic! Lalo akong kinabahan.

“Classmate ka ba nya?..” Tanong na babae. Sa tingin ko Mama to ni Paula.

“Ah. O-opo..” Putek! Nanginginig yata ako.

“Sige. Pasok ka. Nagbibihis pa yata sya..” Ngumiti na to.

Buti naman. Kalma na Emrei. Mukang okay naman sila eh.

Naunang pumasok yung babae. Sumunod lang ako ng tahimik. Kalma lang. Di naman sila nakain ng tao eh. Walastik! Ano ba tong pinag-iisip ko.

“Umupo ka muna. Aakyatin ko lang si Paula sa itaas. Mukang nagbibihis pa eh. Gino, bigyan mo muna sya ng makakain..” Pagkasabi nun, umakyat na to.

Naiwan akong mag-isa sa sala. Wala akong magawa kaya pinagmasdan ko lang yung pagkakaayos ng mga gamit sa loob ng bahay.

Simple lang pero maayos naman. Tahimik. Nakow! Change topic na nga.

Dumating na yung batang lalaki na si Gino. May dala tong inumin.

“Kuya, ito. Uminom ka daw muna..” Ngumiti ito. “Ako nga pala si Gino. Ikaw?..”

“Emrei..” Sabi ko.

“Kuya Emrei, boyfriend ka ba ni Ate?..” Inosenteng tanong ni Gino.

What the! Ano ba isasagot ko?

Biglang dumating naman si Paula. Hay! Salamat, nakalusot ako dre.

“Uyy! Bakit di ka man lang nagpasabi na malapit ka na. Adik ka din no?..” Si Paula.

“Nakalimutan ko na dahil sa pagmamadali ko..” Totoo yung sagot ko mga dre. Tsk.

Biglang napangiti naman si Paula. What that smiles for?

“Bakit ka naman nangingiti dyan?..” Tanong ko.

“Tara nga!..” Hinila nya ako bigla.

“Bakit? Di ba gagawa pa tayo ng project..” Sabi ko.

“Saglit lang. Ipapakilala lang kita sa Mama ko...” Si Paula.

Bigla na naman akong kinakabahan. What the? Pano kapag nareject ako?

“Mama.. Si Emrei nga pala..” Si Paula.

“Ah. Si Emrei ka pala...” Sabi ng Mama ni Paula. Ngumiti.

What she mean? Kilala na nya ako?

“Ikaw pala yung boyfriend ng anak ko. Nice meeting you Emrei..” Mama ulit ni Paula.

Awww! Legal na kami? Amazing!

Ang CRUSH kong LAITERO [COMPLETED...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon