CHAPTER 31: My first time..... <3

780 38 4
                                    

Paula’s POV

Gaya ng dati maaga kaming pinauwi ni Miss Bawalan, teacher namin sa TLE kasi may samba daw sya. Napaka-reliyosa kasi ng teacher namin na to. Kaya, 3pm palang, labasan na namin. Syempre, normal akong estudyante kaya masayang-masaya din ako kapag maaga yung uwian namin. Sino naman ba ang aayaw sa oras ng uwian di ba? Bukod sa break time, uwian din ang pinaka favorite time ng estudyanteng tulad ko. Hahaha

Dahil sa maaga kaming pinauwi, ibig sabihin nun, may isang oras kami ni Emrei para magbonding. Wuuuu. Ang saya. 4pm pa naman yung training ko. Hayssss! Salamat talaga kay Miss Bawalan. :D

“4pm pa practice nyo di ba?..” Si Emrei.

“Oo e. Bakit?..” Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa gym.

“Kain muna tayo..”

“O sige. Hindi ako tatanggi dyan..” Waaaa. Pagkain yun e.

“Alam ko naman yun e.. Maton ka kasi e..” Si Emrei. Natatawa.

“Kainis to. Anong maton ka dyan? Tingnan mo nga ako, ang SEXY ko kaya..” Sabi ko. Nagpose pa ko na parang nagmomodel. Sexy naman kasi talaga ako. Kaya ewan ko kung san galing yung maton na tawag nya saken.

“Oo na. Sexy ka na. Pasalamat ka girlfriend kita..” Natatawa si Emrei nun.

“Ano sabi mo?..”

“Ang sabi ko mahal kita..”

“Hindi yun yung narinig ko..” Tss. Pero, kilig naman ako. Hahaa

“Yun nga yun. Kain na nga tayo..”

“Hahaha. Mahal din kita, pero mas mahal ko yung pagkain kaya tara na..” Hinila ko na nga sya papunta sa canteen.

Justine’s POV

“Hi Couz..” Bati ko kay Samara ng makarating ako sa restaurant na malapit samin. She invited me to see her. Pero hindi ko alam yung reason kung bakit.

“You’re late..” Sita nito saken.

“Im sorry. 3minutes lang naman..” Reklamo ko. “What can I do for you by the way?..”

“Wala naman. Magpapasama lang sana ako na hinintayin si Emrei..”

Nagtataka man ako pero hindi ako nagtanong. Wala akong alam kung anuman ang nangyayari sa pagitan nila Emrei, Paula at Samara. Ayokong gumawa ng hakbang ng hindi ako sigurado baka kasi imbes na makatulong, mas lalo pang lumala. Kaya nanahimik muna ako.

“Ilang months na kayo Sam?..” tanong ko.

“Matagal na kami Couz. Almost 2 years na din..” Nakangiting tugon ni Samara.

How come? Gusto ko sanang itanong. Napakalabo talaga. Paanong nangyari yun? Naglolokohan na lang ba si Paula at Emrei?

“Ano pa gusto mong kainin couz?..” Si Samara.

“Tea na lang..”

“Dalawang tea..” Sabi ni Samara sa lumapit na waiter sa table namin.

“Yun lang po Ma’am?..”

“Yes..”

Umalis na yung waiter para kunin yung mga order namin.

“Magkwento ka naman tungkol sa inyo ni Emrei. Matagal na pala kayo pero ngayon ko palang nakilala..” Nilagyan ko ng himig ng pagtatampo yung boses ko.

“Sorry couz! Nung una kasi hindi pa talaga ako sure sa kanya. Alam mo na, bata pa kasi. Kaya hindi ko muna pinakilala sayo. Pero simula nung umalis sya at nagtransfer sya ng school, dun ko naisip na sobrang mahal ko si Emrei. Hindi ko kayang mawala sya saken..”

“Curious lang ako Couz, anong rason nya sa pagtatransfer ng school..”

“Hindi ko din alam. Pero ang mahalaga, nagkita ulit kami..” Bakas sa muka ni Samara yung sayang nararamdaman nito.

Hindi na ulit ako nagtanong.

Paula’s POV

“Sabi ko sayo malelate tayo e..” Reklamo ko kay Emrei. Kasalukuyan kaming tumatakbo papunta sa gym. 4:20 na, siguradong late na ko.

“Pasensya naman. Hindi ko naman alam na matatraffic tayo..” Si Emrei.

Nalate kami kasi galing pa kami sa park. Doon kasi naisipan ni Emrei na kumain. Hindi naman kasi traffic nung papunta kami dun, kaya nagulat ako ng pabalik na kami ng school saka naman nagkaroon ng traffic kaya ayun, late kami ngayon. Hayss. Ang gulo!

Naabutan namin na nagsisimula na yung training. Hinanap ko si Nikki. Hindi naman ako nabigong makita sya.

“Nikkkkks!..” Sigaw ko. Lumingon naman ito.

“Late ka na Pau, magbihis ka na..” Sabi nito pagkalapit saken.

“Sige. Sige! Pasensya na ha?..”

“Ano ka ba! Okay lang yun. Sige humayo ka na para magpalit..”

Bigla akong natawa. Baliw din pala talaga si Nikki.

Sinamahan naman ako n Emrei na pumunta sa locker para kunin yung pampalit kong damit.

“Mabilis lang to…” Sabi ko. Pumasok na ko sa CR para magpalit.

Abrakanabra! Ayun, papunta na kami ulit sa court. Iniwanan ko yung bag ko kay Emrei. Parang naging dakilang alalay ko tuloy si Emrei. Hahaha

“Pauuuu..”

Patakbo na sana ako ng tawagin ako ni Emrei kaya napahinto ako para harapin si Emrei. Pero mas nagulat ako sa ginawa nya. Hinila nya ako palapit sa kanya at walang sabi-sabi na hinalikan nya ako sa…LABI. Waaaatttta! 

Ang CRUSH kong LAITERO [COMPLETED...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon