CHAPTER 32: Heaven Dre! :D

723 37 7
                                    

Paula’s POV

Para akong nabibingi sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang anumang oras ay sasabog ako. Wuuuuu! Heaven dre!

“Pau…” Niyugyog pa ko ni Emrei sa balikat. Wala akong maramdaman. Parang nasa alapaap pa ko at lumilipad. Ganito ba ang pakiramdam ng first kiss? Oo, first kiss ko ito. Dahil kay si Justine, hindi ko pinagbigyan na mahalikan man lamang ako. Pero, si Emrei? Ginawa niyang surprise yung paghalik nya saken kaya mas lalong nagkaroon ng thrill.

“Hey!..”

Nagbalik na ko sa reality. Kaharap ko nga pala si Emrei. Wala ako sa alipaap at lalong hindi ako nalipad dahil damang-damang ko yung paa ko na nakatapak sa lupa.

“O-oh?..” Parang wala sa sarili kong sagot. Ito problema saken, ang hirap kong makaget-over sa pangyayari. :D

“Ayos ka lang ba? Galit ka ba saken?..” Nag-aalalang tanong ni Emrei.

Ako? Galit? Oo, dapat akong magalit dahil sa ginawa nya. Pero? Hindi galit ang nararamdaman ko, kundi saya at excitement.

“I’m sorry..” Yumuko si Emrei.

“Ano ka ba? Okay lang yun..”

Tumingin naman saken si Emrei. “Sure ka ba?..”

“Oo, sure ako. Medyo nagulat lang ako pero hindi ako galit..” Gusto ko pa nga e. Sabi ko pero sa isip lang. Haha

“Okay..” Ngumiti na ito. “Sige. Kanina ka pa hinihintay ni Nikki..”

Ay! Oo nga pala. May practice nga pala kami. Hahaha!

Tatakbo na sana ako ng may maalala ako.

“Emrei!..”

Tumingin naman ito.. “Bakit?..”

Pero hindi ko sya sinagot. Ginaya ko yung ginawa niya. I kissed him.

“Ganti ko..” Hindi ko na hinintay yung magiging reaksyon nya. Tumakbo na ko palayo sa kanya. I can’t help but to smile. J))))))))

Emrei’s POV

Kung nagulat si Paula sa ginawa ko, mas nagulat yata ako sa ginawa nya. Takte! Parang huminto yung mundo ko. Hindi agad ako nakagalaw. Banaman! Akala ko nagalit siya sa ginawa ko kaya hindi ko naisip na gaganti sya. Ganti? O.o Kung ganun ba naman gumanti si Paula, baka ulit-ulitin ko yung panakaw na halik! No! Erase-erase! Huy Emrei. Respeto! Kahit ganun ginawa ni Paula, mas maganda pa din kung hindi mo na ulit yun gagawin. Baka isipin pa ni Paula, hindi ko na sya nirerespeto. Hays!

Nagsimula na kong maghanap ng mauupuan habang hinihintay si Paula. Kahit papano, maraming nanonood ng practice ng volleyball. Nakakita naman ako ng mauupuan sa bandang likuran. Agad akong lumapit doon para mailapag na yung bag na bitbit ko.

Hindi ako naboboring sa panonood kahit na hindi ko hilig ang volleyball. Basketball madalas kong mapanood at laruin. Nagulat nga ko ng makanood ako ng mga lalaking naglalaro ng volleyball. Pakiramdam ko, hindi bagay sa lalaki ang larong volleyball. Pangbabae lamang ito at ang larong basketball ang bagay sa mga lalaki.

Nagulat ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Pangalan ni Samara ang nakaregister sa cellphone ko. Bakit na naman kaya tumatawag ito. Naisip kong wag sagutin yung tawag. Istorbo lamang! Pinatay ko yung cellphone ko para hindi na ulit ako makontak ni Samara.

Nagpatuloy ako sa panonood kay Paula. Halata sa muka nito kung gaano ito nag-eenjoy sa paglalaro ng volleyball kaya susuportahan ko sya dito.

Nagulat ako ng biglang bumagsak si Paula sa sahig dulot ng malakas na tama ng bola. Bigla akong nataranta. Tumakbo ako palapit sa kanya. Badtrip!

Marami ng tao ang nakaalalay kay Paula ng makalapit ako. Nakita kong dumudugo yung ilong ni Paula kaya mas lalo akong nagalit.

“Ayos ka lang Pau?..” Tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Inalalayan ko sya makatayo. Kinuha ko yung panyo para punasan yung dugo sa ilong nya. Halatang hilo pa ito kaya hindi ito nakasagot ng ayos.

“Sorry Pau…” Naiiyak na sabi nung isang babae. Sya siguro yung nakatira sa bola.

Tumingin ako dun sa babae.

“Sa susunod, tantyahin mo yung pagtira  mo sa bola para hindi ka makasakit..” Hindi ko naitago ang galit sa boses ko.

Lalo naman naiyak yung babae.

“Padaan! Dadalhin ko sya sa clinic..” Binuhat ko na si Paula para ilabas sa gym at dalhin sa clinic.

“Sasamahan na kita Emrei..” Si Nikki.

Tumango lang ako bilang sagot. Ilang saglit lang nasa clinic na kami. Hindi naman kasi kalayuan yung clinic sa gym kaya mabilis kaming nakarating. Agad naman inasikaso si Paula ng nurse na nakaduty sa clinic. Pinahintay lang kami sa bandang lobby ng nurse.

“Sorry Emrei sa nangyari..” Si Nikki.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Kalmado na ko sa mga oras na ito. Wala naman kasalanan si Nikki at yung mga kalaro ni Paula sa nangyari. Part lang ng game ang masaktan paminsan-minsan. Masyado lang akong nag-aalala kaya ko nasigawan yung babae kanina.

“Pasensya na din..”

“Madalas din mangyari yung mga ganyan dati lalo na sa mga baguhan. Pero pasensya pa din…” Halatang nahihiya si Nikki.

“Alam ko naman yun. Medyo nataranta lang ako. Ayoko lang makitang nasasaktan si Paula..”

“Pasensya na talaga..”

“Okay lang yun..”

Hindi na ulit nagsalita si Nikki. Tahimik na lamang kaming naghintay kay Paula…

Samara’s POV

“Nakapatay pa rin yung phone ni Emrei. Hindi ko na sya makontak!..” Naiinis na ko!

Tumingin lang saken si Justine na tila naiinip na din gaya niya. What’s wrong with the guy! Bakit ba kailangan nya akong iwasan?

“Samahan mo ko. Pasok tayo sa loob. Sigurado akong andyan pa sya sa loob..”

“Pa’no mo naman nasabi? Hindi mo nga sya makontak. Malay mo nakauwi na..” May himig ng pagkainis yung boses ni Justine.

“Please couz! May kailangan lang akong sabihin kay Emrei..” Nagmamakaawa na ko.

“Subukan mong tawagan ulit..” Si Justine.

“What for?..”

“Let’s make a deal. Marami din akong ginagawa couz. Kapag hindi mo nakontak si Emrei. Let’s go home na. I still have something to do. Bukas mo na sya puntahan. Magtext ka muna na pupunta para naman hindi na tayo maghintay ng matagal…”

Wala akong nagawa kundi sundin si Justine. Kilala ko si Justine. Kapag nagsabi na ito, gagawin talaga nito. It’s final.

Sinubukan ko ulit tawagan si Emrei. Naka-off pa din! Wala akong nagawa kundi tuparin yung sinabi ni Justine. Umuwi na nga kami. Siguro, busy lang talaga si Emrei kaya hindi sya sumasagot. May bukas pa naman. 

Ang CRUSH kong LAITERO [COMPLETED...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon