Prologue

22 2 2
                                    


"So, anong balak mo ngayon, Henley?" iyan ang tanong ni Jess sa akin habang nakaupo kami sa isang bench ng student park ng academy na paulit-ulit na nag eecho sa aking isipan ngayon. Parang boomerang lang na pabalik-balik, paulit-ulit. Nakakairita, ngunit totoo. Kailangan kong isipin kung ano na ngayon. Ano na nga ba? Ano na nga ba ang kailangan kong gawin?

Tumingin ako sa gawing kanan ko at nakita ko ang nag-iisang bestfriend ko. Si Jessryll Celestine Segura, ang taong walang sawang umunawa sa lahat ng kahibangan at katangahan ko lalong lalo na sa pag-ibig. Ang pinaka nakakita kung paano nawasak ang puso ko ng paulit-ulit.

Worried talaga siya sa kalagayan ko dahil kaninang alas tres pa kami nandito at magdidilim na ngunit di ko pa maisipan ang umuwi.

Hindi parin ako sumasagot sa tanong nito pero mukhang ang aking mga luha na umaagos na ang tuluyang sumasagot sa mga tanong niya.

"Bes naman e. Di pa ba nauubos ang mga luha mo? Ilang oras ka nang ganyan. Gumagabi na kailangan na din nating umuwi." Tumayo ito sa aking harapan at pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki.

"I-I just can't believe it Jess.. Did he just hurt me, my feelings? Mas masakit pa yun kesa pisikal. Sana sinampal nalang niya ako.. at least, alam kong maghihilom pa. " pautal utal kong sabi at hindi ko na naman napigilan ang pagdaloy ng walang hanggang luha ko. Kelan ba mapapagod ang mga matang ito? Bakit di pa sila maubusan ng luha?

Pero kahit naman na maubusan sila ng luha ay hindi parin maalis ng ganun kadali ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit na wala na akong mailuluha pa, ang puso ko ngayon ay sobrang wasak na kaya kahit ganun wala ding magbabago.

"I told you before naman kasi diba. I told you na hindi siya karapat-dapat sa'yo. He is a playboy katulad ng iba pa. Tignan mo ngayon, Henley. Ito yung sinasabi ko sa'yo. Simula't simula palang iba na talaga ang pakiramdam ko dun." Hinawakan nito ang aking likod at hinaplos haplos. Hindi ko din talaga maunawan kung bakit ganun. Bakit ako pa? Sineryoso ko naman siya a. Halos ibigay ko ang lahat, mahalin lang din niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kaniya pero, bakit ganun? Sa huli, ako yung naiwan ngayon, nasasaktan ng sobra-sobra.

"Ang akala ko kasi.. akala ko lang pala.. na mahal din niya ako.." yun nalang ang nasabi ko at yinakap na ako ng bestfriend ko.

"Tahan na bes. Ayusin mo na sarili mo. Kailangan na nating umuwi. Ihahatid na kita."

Hindi ako kumibo at inayos niya ang mga librong hawak ko kanina bago ang pangyayari at inilagay sa bag ko.

Binuhat ko ang bag ko, at siya nalang ang humawak sa mga iba pang gamit ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito.

Narating namin ang sasakyan niya at pinaupo nalang niya ako sa tabi ng driver's seat.

"Bes.." pagbubukas kung ng usapan.

Tumingin ito sa akin habang inaandar ang sasakyan niya.

"Ohh?"

"Pwede ko pa kaya siyang kausapin? Baka pwede pa kaming magkabalikan.. Baka pwede ko pang ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko talaga siya.. Papatawarin ko nalang siya kahit ganun ang nangyari, na niloko niya ako, baka sakaling magbago pa siya diba?" Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko.

Inalis nito ang tingin sa akin at sinimulan na niyang patakbuhin ang sasakyan. Saglit na di siya sumagot. Mukhang nag iisip ng tamang salita na pwede niyang isagot sa tanong ko.

"Siguro bes, hindi mo na kailangang gawin yan.." sagot nito pero nasa daan ang kanyang mga mata. "..wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo. Siguro, tama na yung nalaman mo ang katotohanan. Tama na siguro yan bes."

"..pero, m-mahal ko siya, e."

"Bes naman.." hinawakan nito ang aking balikat habang nagdradrive pero nanatiling nakatingin ito sa harapan.

Siguro, tama nga siya. Oo, hindi lang pala siguro pero tama. Tama nang nasaktan ako ng paulit-ulit para igive-up ang bagay na iyun.. Tama nang ibinuhos ko ang lubos na pagmamahal ko pero sa huli ako yung masasaktan, ako at ako lang yung naiiwan.

I felt LOVE but no CONCINNITY at all.

Ito na din yung panahon para kailangan ko ding mahalin ang aking sarili. Mahirap man pero ito ang nararapat.. kailangan kong mag Move-On.

Love and ConcinnityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon