Chapter 5: Canorous Meet Up

6 1 0
                                    


Simula ngayon ipinapangako ko sa sarili kong hindi ko na tatarayan ang taong iyon.

Tinatamad akong bumangon. Mag aalas otso na pero nandito padin ako sa kuarto ko pagulong gulong.

Ilang linggo na din ang nakakalipas simula nun. Wala kaming pagkakataon na magkita o sadyang di lang siya talaga nagpapakita sa akin ngayon. Galit nga ba talaga siya?

Kamusta naman kaya siya?

At bakit naman kaya naalala ko siya?

Wala, siguro naalala ko lang ang nangyari. Hindi ko lang kasi talaga maalis alis sa isip ko kung bakit ganun. Kung bakit ganun siya.

He is enigmatic.. as in misteryoso. Hindi ko maintindihan.. Hindi ko ma-puzzle kong anong klaseng lahi ang meron siya.

Unpredictable din. Hindi ko siya maintindihan kung ano ba ang nararamdaman o iniisip niya. I use to read people before pero, siya lang yung taong hindi ko talaga mapredict kong ano ang nasa isip niya.

Pa-misteryoso effect kuno.

Bumangon ako. Kinuha ko ang phone ko sa lamp table para i-check ang mga mensahe kung meron man.

May limang unread messages ako simula kagabi kaya naman binuksan ko ang mga ito.

Ang una ay galing kay Jessryl. Nag-good night lang siya kagabi.

Pangalawa ay galing sa taong nagngangalang AC. Ang totoo niyan ay, ang pangalawa, pangatlo, ang pang-apat at panglimang mensahe ay galing sa kanya.

From: AC
Message: Heyy. What's up?

From: AC
Message: Kamusta, Henley?

From: AC
Message: Gusto mo ba talaga akong makilala?

From: AC
Message: Let me introduce myself to you personally. Let's meet tomorrow in the academy. Sa college natin. Music Room. 10:00 in the morning. Good Night!

Kinabahan ako ng kunti sa huling mensahe niya. Seryosong usapan? Makikipagkita siya sa akin, makikipagkita ako sa taong hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko. Paano kung gawan ako ng masama? Paano kung..

Harmless naman siguro.

Napaka pesimitic ko lang kasi talaga.

Rineplyan ko nalang siya.

To: AC
Message: Sure. I'll come. Good Morning! (

Hindi ko na tinext si Jessryl tungkol dito. Pupunta ako at hindi na ako magpapasama sa kanya. Interasado ako e. Curiosity is killing me.

Nakarating ako ng academy sa oras ng alas nuebe imedya. Inagahan ko nalang din ang pagpunta.

Madami pading tao dito kahit na sabado dahil nadin siguro sa mga iba't ibang bagay na dapat tapusin ng mga professors at mga mag-aaral dito.

Hindi ako dumiretso sa music room ng building namin. Pumunta nalang ako ng canteen para kumain. Hindi ako nag-agahan kaya ginugutom na naman ako.

Pumasok ako sa canteen. Dumiretcho ako sa counter at bumili ng isang chicken sandwich at bottled water.

Napagdesisyunan kong kainin nalang sa loob ang binili ko kaya naman umupo ako sa madalas naming upuan ni Jessryl.

"Bakit ka nandito?" Narinig kong tanong ng taong nasa likuran ko. Pamilyar ang boses. Hindi ko na liningon kung sino iyon baka hindi lang din naman ako ang kausap. Kumagat nalang ako sa binili kong pagkain. Gutom na talaga ako, promise.

"Kinakausap kita, Henley." Napalunok ako ng dis oras dahil pangalan ko naman ngayon ang narinig ko. Hindi ko pa nangunguya ng maayos yun a. Mabuti nalang at nakontrol ko ang sarili ko at hindi ako nabilaokan. Uminom nalang ako ng tubig.

Love and ConcinnityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon