Chapter 8: A Friendly Date?

3 0 0
                                    


Bakit ba? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Pinagpapawisan nalang din ako ng malamig dahil sa nakakaewan at di ko matukoy-tukoy na nararamdaman ko tuwing nandyan siya.

Ang daming "What ifs"... Ang daming "Bakit ganito..Bakit ganun.."

Nasa isang grill restaurant kami ngayon at hanggang ngayon ay may kung anong kaba padin akong nararamdaman lalong lalo na pag nahuhuli ko itong nakatingin sa akin. Nakakailang.

Oo, yinaya niya akong kumain matapos niyang tanungin kong available ba ako sa gabing ito.

Can I consider this as a date? Date ba 'to?

Siguro isang friendly date. Oo, friendly date lang talaga.

"May gusto ka pa ba?" Tanong nito sa akin matapos naming maibigay ang order namin.

Nakangiti lang ito at mukhang masayang masaya dahil kanina pa di natitinag ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Bakit kaya?

"Uhmmm, wala na.. yun nalang." Sagot ko. Ngumiti nalang din ako sa kanya kahit na medyo pilit ito.

"Alam mo Henley.. Ang ganda mo ngayong gabi." Mas lumawak pa ang ngiti nito pagkasabi nito.

Naramdaman ko na naman ang mala-siling pag-init ng aking mukha sa sinabi nito na ikinaseryoso ng mukha ko. Ewan ko kung nang-aasar lang talaga siya o totoo ang sinasabi nito.

"Heyy. I'm not joking. It's true." Tumawa ito ng bahagya.

Nakita niya siguro ang pagpula ng mukha ko. Nakakahiya lang!

"Ayoko na atang maniwala sa'yo.." Pinilit ko nalang ang sumagot at ngumiti dito kahit na naiilang ako sa kanya. Ayoko namang mahalata niya na ganito ang nararamdaman ko.

Siguro, he's just trying to catch up with those things that we had before. Mga bangayan moments namin. Mga hindi pagkakaintindihan namin.

"Ha? Bakit naman?" napawi ang ngiti nito at mukhang disappointed sa sagot ko.

"HAHAHAHA. Just joking. Mahilig ka din palang mambola.. Ayan, I am getting to know you more.." Natawa kong sagot sa kanya. Mukhang kombinsido naman ito at bumalik muli ang ngiti nito.

"Sa tingin mo ba, binubola lang kita? Hindi.. I am telling the truth, Henley." Natawa ito.

Hindi ko talaga maiwasang manatiling tumingin sa kanya. Yung may kung anong magneto na pumipigil sa akin na ibaling sa ibang direksyon ang aking paningin. Nakaka adik lang kasing tignan ang kanyang mga ngiti at hindi ko din maiwasang mapangiti dahil dito.

"Oo na.. Oo na.." Sagot ko para matapos na ang usapang ito.

"So, probably you can tell your life story, perhaps? Gusto kitang makilala pa ng lubusan." inayos nito ang sarili sa kanyang upuan at medyo lumapit siya.

"Ano ba ang ikukuwento ko?" Tanong ko sa kanya. Ayaw siguro nitong maging boring ang atmosphere kaya naman sinisimulan niyang iwasan iyon.

Another thing discovered, madaldal din pala 'to kung gusto. Sige lang, Christien. Show me more, maiintindihan ko din ang lahat. Mauunawaan ko din ng lubusan ang lahat.

"Buhay mo nga." Nakangiti ito at mukhang hinihintay na simulan ko ang pagkukwento.

"Okay. Okay. Saan ko ba sisimulan? Uhhhhmm.. Bale, tatlo kaming magkakapatid, dalawang babae tas isang lalake. Bale ako ang panganay sa amin. Hindi kami mayaman.. Hindi rin naman kami mahirap.. Sakto lang.. Nakakakain ng naman ng sapat tatlong beses sa isang araw.." Tuloy tuloy kong pagkukwento at nanatiling nakatingin ito sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and ConcinnityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon