Chapter 1: The Beginning

15 1 0
                                    



"Ms. Henley Eirika Arizabal, you will represent our college in the upcoming The Euphony with Mr. Art Christien Mañego."

Nanlaki ang mga mata ko ng wala sa oras sa aking narinig.

Napatingin nalang ako sa taong ngayo'y kaharap ko na mukhang wala lang sa kanya ang sinabi ng dekana, mukhang bored ito at nakayuko lang at kinakalikot ang kanyang phone, ang taong tinutukoy ni Ma'am Eliza, ang Dean ng college namin.

Nasa Dean's Office kami ngayon, pinatawag ng Dean para lang pala sa annual The Euphony ng Academy at ilang minuto na ang nakalipas simula nang sabihin niya na ako kasama ang lalaking ito ang magiging isa sa mga contenders ay hindi parin ako makapaniwala.

"I am expecting much from both of you, Ms. Arizabal and Mr. Mañego. Good luck and please do this for our college. Alam niyo naman sigurong tayo ang defending champion at holder ng title for almost 5 years. Bring home the bacon again this time, kids." Pagpapatuloy nito at tumayo para maglahad ng kamay sa aming dalawa.

The Euphony.

Ito ang pinakaprestihiyosong kompetisyon sa buong Academy kung saan ay pinaghaharap ang labinpitong pares mula sa iba't ibang kolehiyo ng akademya. Boses at pagkamalikhain sa larangan ng musika ang puhunan sa kompetisyong ito sapagkat magagaling ang lahat sa larangan ng musika. Mahirap ang labanan dahil lahat ng kasapi sa kompetisyon ay puros mga magagaling at tanyag na sa larangang ito. Kaya naman feeling ko sa ngayon palang ay parang nilalamon na ako ng pressure at kaba sa kung ano ang magiging resulta, anim na buwan mula ngayon. Ito din ang unang pagkakataon ko upang maipakita kong ano ang kaya ko kahit na nasa ikaapat na taon na ako sa kolehiyo at di katagalan ay magtatapos na din ako.

"Uhmmm. W-we can't promise ma'am, b-but we'll try our very best." Yun nalang ang tanging nasabi ko habang nakikipag kamayan sa aming dekana.

Tinignan ko muli ang kaharap ko pero nananatili itong nakatingin sa cellphone niya.

Paano na ba 'to? Paano ko ba siya mapapakisamahan kung hindi ko siya kilala at mukhang wala pa siyang pakiaalam sa nangyayari ngayon. Interesado ba 'to o ano?

Nauna na akong lumabas sa Dean's office at nasa likuran ko naman ang lalake at gusto ko sana siyang kausapin. Kailangan.. as in kailangan ko ata siyang kausapin tungkol dun kung paano naming sisimula ang pag-prapractice.. kahit na labag ito sa aking kalooban. Di kasi ako sanay na ako ang unang nakikipag-usap.

Oo, ayaw ko sa kanya. Siya kasi yung pinakatahimik na taong nakilala ko sa buong buhay ko na halos wala kang mabasa kahit anong drama man lang o emosyon sa kanyang mukha. Yung tipong halimbawa katabi mo na nga siya, kakausapin mo, pero parang walang narinig ang loko at di man lang alam ang sumagot. Parang mamamatay naman ata ako nito sa pagiging loner kapag makakasama ko siya sa loob ng anim na buwan.

Ano? Kakausapin ko na ba? Kukunin ko na ba yung number niya para incase na may practice kami ay text text nalang?

Sige na nga. For my college..

Huminto ako mula sa diretchong paglalakad ko habang nag-iisip at tumalikod para kausap---

Asan na yun? Bakit wala na siya sa likod ko?

"WTF! Mukhang mapapasubo ako sa pakikitungo sa isang wirdong alien na yun a!" bulong-bulong ko nalang sa sarili ko habang humarap na muli at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Pwes! Kung wirdo siya. Hyper ako. Papatayin ko siya sa ingay at kakulitan ko. Akala mo a.

Love and ConcinnityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon