Chapter 2: Euphony or Discordant

9 1 0
                                    


"So, kamusta ang pinuntahan mo bes?" Bungad sa akin ni Jessryl habang ito'y nakasandal sa mismong pintuan ng room namin para sa susunod naming klase. Siguro ay hinihintay nito ang aking pagdating.

"Guess what Jess.." Napahinto ako bahagya dahil nakita ko yung lalaki kanina na naglalakad mag-isa ngayon sa corridor.

Napatingin ako dito pero nanatili itong naka yuko hawak sa balikat ang bag niya at marahang naglalakad.

Aaminin ko na sa unang tingin ko palang ay gwapo na siya.

Matangos ang ilong, mapupungay na mata, manipis at mapula ang kanyang mga labi, matangkad at maputi.

Binawi ko ang pagkakadikit ng mga mata ko sa lalaki at itinulak ko papasok sa loob ng room si Jess na sa ngayon ay nasa harapan ko.

"HAHAHA. Alam ko nayan, Henley kahit di ka na mag-explain sa akin.." ngising aso lang ang ginawa nitong at naglakad na patungo sa kanyang upuan.

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya habang nakaupo na sa tabi nito. Tinignan ko siya ng mariin habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Wala naman.. pero, beware of that guy bes ha. I find him nice and harmless but sometimes, disguise lang ng mga taong manlilinlang yan.." sabi nito na mukhang nag-aalala ito para sa akin.

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito na kanya namang ikinatawa.

"Anong ibig mong sabihin, ha?" parang nakuha ko na yung gusto nitong sabihin pero gusto ko na magmula ito sa kanya.

"Henley Eirika, alam kong matalino ka at hindi ka ganun ka slow para hindi maintindihan ang bagay na iyon."

I frowned and I think it's enough to convince her to spill what's on her mind.

"Ang ibig kong sabihin.. by just merely looking at your eyes, nakikita ko na."

"Na alin?"

Tumingin ito sa harapan dahil nandito na yung instructor namin sa subject na 'to at inayos ang sarili. Nanatili padin akong nakatingin sa kanya at pinapahalatang hinihintay ko ang kasagutan ng tanong ko.

Sumulyap muli ito sa akin.

"..spark!" bulong nito at saka ako pinanliitan ng mata.

Sa narinig kong iyon, humarap nalang din ako sa instructor namin na sa ngayon ay nagsisimula ng magdiscuss.

"Spark mo mukha mo Jess." Sagot ko pero hindi ko na siya tinignan pa.

1 hour break namin.

At dahil gutom ako, yinaya ko na si Jessryl na kumain na muna sa canteen.

Umupo ako sa di may kalayuan sa counter habang si Jess na ang nag order.

Luminga linga ako sa paligid at himala, nakita ko yung lalaki na magiging kasama ko sa The Euphony. Ano na ba ulit pangalan non? Art Christine ba yun? Para namang pambabae pag Christine, hindi Christine yun pero parang ganun yun.

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at agad ko namang binawi ang tingin ko.

Palihim ko siyang sinulyapan muli at nakita kong palapit ito sa akin.

Tinignan ko si Jessryl na kanina pang nasa counter. Nandun padin siya pero nakangisi ito habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin nung lalaking palapit sa kinaroroonan ko.

Wala na akong magagawa nito kundi ang harapin siya. Paano ba 'to?

"Henley Eirika Arizabal, right?" tanong nito. He's not smiling nor showing any emotion. Seryoso masyado talaga ang buhay nito a.

Nanatiling nakatingin lang siya sa aking mga mata, parang nakikipagsukatan ng tingin at talo ang unang babawi nito.

"Ahh, y-yeah. Bakit?" Sagot ko at naglahad ng kamay at hinihintay ang pagpapakilala niya din at pag-abot niya sa kamay ko pero bigo ako sa inaasam kong mangyari dahil tinignan lang niya ang kamay ko at ibinalik ang tingin sa aking mga mata. Anong klaseng tao ba 'to? Mukhang hindi ko siya kayang pakisamahan pag ganito siya lagi.

"Give me your phone. Now." Ma-awtoridad niyang saad.

"E-excuse me?" aaminin ko, I am intimidated but, sino siya para magpatalo ako.

"I said, your phone. Give it to me. Hindi ka naman siguro bingi diba?" Nag-igting ang kanyang mga panga habang nilalahad ang kamay niya, hinihintay ang pag-abot ko sa phone ko. Ang dali niyang maubusan ng pasensya.

Aanhin niya phone ko?
Inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa at inihanda sa pag-abot pero bago pa niya ito makuha sa kamay ko..

"Aanhin mo ang cellphone ko?" This time, pinanlisikan ko na siya ng mata.

Ibinaba ng lalake ang kanyang kamay na kanina pa nakalahad.

"What is that phone for? Ibibigay ko lang naman sana ang number ko at kukunin ko lang naman sana yung number mo."

Medyo napanganga ako ng bahagya sa sagot nito at agad ko namang tinignan ang paligid namin. Nakatingin lahat ng tao sa amin. Maliit na canteen ang kinaroroonan namin kaya impossible na hindi nila marinig ang pinag uusapan naming dalawa.

Ramdam ko ang pag-angat ng dugo sa mukha ko at ang pag-init nito. Ibinalik ko ang aking tingin sa wala pading emosyong pagmumukha ng unggoy at pumikit ako saglit. Binawi ko ang composure at tumayo ako.

Matangkad siya at malapit lang siya sa kinaroroonan ko kaya tumingila ako ng kunti para matignan ng deretso ang kanyang mga mata.

"Ganun ba? Sana kasi hindi ganyan ang asal mo. Matuto kang maki-usap ng maayos para magkaintindihan tayo."

Pagkasabi ko nun, ibinigay ko sa kanya ang phone ko.

Tinanggap niya ito at tumingin muna sa akin bago pumindot sa aking phone.

Saglit lang ang ginawa nitong pangangalikot at binalik niya ang tingin nito sa akin.

"Be in the music room this afternoon for the practice." Sabi nito at ipinatong ang phone ko sa mesang nasa harapan naming dalawa.

Hindi na ako nakasagot at umupo nalang ulit ako habang tinititigan ang bagay na nasa harapan ko.

Grabe.Ang sama ng ugali! Nakakaubos ng pasensya! Paano ko ba siya pakikisamahan? Anim na buwan. Anim na buwan ang magiging kalbaryo ko kasama ang damuhong yun? I'd rather die if that will happen. Ayoko pang magmukhang trenta habang labinwalong taong gulang lang ako.

Pahirapan naman ata ang trip 'nun e. Pwes hindi ko siya uurungan. Sasakyan ko lahat ng trip niya. Tignan na lang natin kung sino ang unang susuko. Humanda talaga siya.

Love and ConcinnityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon