Chapter 4: Knowing AC

5 2 0
                                    


Lumabas ako ng music room dahil wala na din ako sa mood na tumugtog. Nakakawalang gana lang ang nangyari.

Saan na ang punta ko ngayon? Wala naman akong pwedeng puntahan. Tumingin ako sa paligid at madaming tao. Tinignan ko ang relo ko sa aking kamay at mag aalas kuatro imedya na pala. Oras na para umuwi.

Inilabas ko ang phone ko at tumingin tingin sa contacts baka pwedeng may makasama ako pauwi.

What caught my attention in the screen is a name which is familiar. Very familiar, but I don't know why.

AC.

Sinong AC? E, wala naman akong kilalang.. wait!

Itetext ko na nga lang.

To: AC
Message: Hi!

Tap Send.

Ibubulsa ko na sana ang aparato pero nagvibrate ito. May mensahe. Inangat ko muli ito at tinignan kong sino ang nagtext.

From: AC
Message: Hello! Umuwi ka na ba? Sorry ha..

Close kami nito? Saan ko na nga ba kasi siya nakita at nakilala? Paano nagkaroon ng number na ganito dito sa phone ko?

To: AC
Message: Uhmmm. Not yet. Your name is familiar. I mean, I browsed my phone contacts and your name caught my attention. Where did we meet, or should I say, have we met before?

Tap Send.

Medyo rude na ewan, pero curiosity is really tickling me right now.

Nangangalay ang paa ko dahil medyo matagal tagal na ding nakatayo ako dito sa harap ng music room kaya naman napagdesisyunan ko nang lakarin ang daan pababa ng building at maghihintay nalang ako ng masasakyan ko pauwi.

Sinulyapan ko ang hawak kong aparato habang naglalakad ako. Bakit wala na siyang reply? Na-offend ko siguro.

To: AC
Message: Heyy! AC.. Pakilala ka nalang please.

Tinext ko nalang ulit. Baka late receiver lang siya o kaya di pa niya nachecheck yung phone niya.

Bakit di na siya nagreply? Buburahin ko nalang number niya incase, pag wala din lang naman siyang balak magpakilala.

Tinitigan ko nalang ang cellphone ko baka sakaling mag-reply. Hoping so.. Interasado ako e. Sa totoo lang, ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa bagay na hindi naman dapat binibigyan ng pansin. Tulad nito, pamimilit na magreply ang taong mukha namang ayaw magpakilala. Weird lang kasi. Biglang nagkaroon ng numero sa contacts ko na nagngangalang AC.

Sinong AC?

Nanatiling nakatuon ang tingin ko sa hawak ko habang naglalakad at hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa sahig ng corridor sa lakas ng pagkakabangga ko sa isang bagay na matigas.

"Ouch!" Sigaw ko dahil sa sakit ng beywang ko sa pagkakadapa ko.

Tumilapon din ang phone ko at na agad ko ding inabot para tignan kong napano na ito. Nakakainis lang kasi, hindi ko na naman tinitignan kasi ang dinadaanan ko.

Sinulyapan ko ang nabangga ko kanina.

Tao pala akala ko poste na.

"Hindi ka lang maingay at madada. Clumsy pa.. Minsan kasi, tignan mo ang iyong dinadaanan." untag ng taong nabangga ko. Nakapamulsa pa ito at tulad ng dati, naka-display padin ang mukha niyang parang coupon bond.. ang plain! Sino? Si Art Christien Manego, malamang.

Tumayo ako at bahagya akong tumingala para makita ko ng diretcho ang kanyang mukha.

"Oo nga e. pasensya ka na ha. Hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko. Sana ikaw din. Paminsan minsan tignan mo ang dinadaanan mo din para at least nakita mo ako at iniwasan mo ako para hindi mo ako binangga." Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis at ipinahahalata ang sarkasmo sa aking sinabi.

Love and ConcinnityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon