Hindi na ako nagulat.
They always find ways.
Ni walang reaksyon ang aking mukha na nakatitig sandali sa post nang isang sikat na media page.
Halos tatlong buwan na akong nanahimik tapos ito ang bubungad sa 'kin.
'The young rising star model Athena Jewel Imperial Mier are suspiciously rumoured pregnant? And was that the mere reason why her cousin Kirlstine Suzzett Imperial Necossia entered the industry immediately to divert the issue?'
I rolled my eyes and didn't bother to read any comments under the post. E ma s-stress lang ako kapag nagbasa nang comments.
Umupo nalang ako sa sofa at naghanap nang magandang movie na pweding pampalipas nang oras.
Sa ngayon hindi na sa magagarang condominium o penthouse ako nakatira. I am now living in a small apartment that is good for 2 person. Medyo may kalayuan sa sentro pero okay na rin kasi mahal ang expenses sa city. May dalawang kwarto, na sakto lang at hindi gaanong kalakihan, tsaka may isang banyo, garahe na pandalawahang sasakyan, and maliit na sala at kusina. There's also a small space at the back for the laundry.
Hindi na gaanong kalaki kagaya nang dati but still I should be thankful dahil may matitirhan pa ako. Mas nakakasave nga ako sa apartment na 'to kasi 20k per month lang ang bayad hindi kagaya nang dati na halos 80k- 100k ang condominium ko. It's not that bad naman for the ambiance and surroundings.
Nabenta ko na rin ang ibang sasakyan at mamahaling bag at damit. Hindi naman lahat may itinira parin naman ako sa sarili ko. Mabuti nalang talaga at tinulungan ako ni Kirlstine at Stella, mas lalong napadali ang pagbenta.
Sa ayaw man at sa gusto ko kailangan ko ibenta ang mga bagay that I love kasi mahal ng expenses ngayon lalo na kung may binibuhay ka. Okay sana kung nagmomodelo pa ako pero I already finish all the agreement and terminate my contract to my company at nagpasalamat ako na hindi na nila pinalabas ang katotohanan. They didn't release any statement. Not even a word.
As they've said, they will stay quiet and respect my privacy. Maghihintay nalang sila kung kailan ko gusto at gustong bumalik. And I'm glad they understand me.
Maging ang manager ko na si Stella ay nagulat at nalungkot sa balita. Sobrang maaga pa kasi para sa ganto. Pero ayaw ko naman ipalaglag, guilt will follow me 'till death if that'll happen.
Napapabuntong hininga nalang talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
I wonder how my parents react to the media post. I'm sure they already saw it.
I'll just ask my cousin about it when she come home. Busy pa siguro 'yon kaya tatlong linggo nang hindi nakabisita sa 'kin.
Well, sometimes it's kinda boring here kasi pabalik-balik nalang talaga ang routine ko everyday. I'll watch TV, read a book, do a chores, sleep and repeat. Kaya nga kapag bumisita pinsan ko masaya na ako kasi may kausap ako. Minsan nag re-request ako na bilhan nang mga gamit like the last time, I ask her if she can buy me a pot so I could plant some vegetables and fruits. Kaya yung garahe puno na nang mga plantita.
Speaking of. Narinig kung may kumatok at pumasok ang reyna.
"Thank you lord. Kanina pa ako naghihintay nang milagro dito." Sabi ko sa pinsan at agad inambahan nang halik sa pisngi. I've been waiting to her.
Grabe naman ang tatlong linggo. Para akong naghihintay sa asawa ko galing trabaho.
"It's draining you know. Uh kapagod." Narinig ko pang buntonghininga nito habang nilalagay ang mga dala nito sa mini table sa sala.
BINABASA MO ANG
The Ties that Bind [ONGOING]
RomanceThe Billionaire Ladies # 2: The Ties That Bind Jewel Athena Imperial Mier. She is the daughter of the wealthy and powerful Mier family-known for their luxurious five-star hotels, famous malls, and grand resorts. But Jewel? She is the black sheep of...
![The Ties that Bind [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/259000129-64-k314702.jpg)