19

120 5 0
                                        

"Sumama kana, Athena."

Napatigil ako sa ginagawa dahil sa pamimilit nitong si Xia. Tinignan ko ito ng malumanay. Nag-effort pa talaga siyang pumunta rito sa coffee shop para lang pilitin ako. Kakabalik ko lang rito after weeks of not showing up here. Ito namang si Xia kakauwi lang kahapon galing sa flight nito.

"I am busy, Xia. Si Hailee nalang muna sa ngayon." Wika ko at pilit na tinutuon ang mga mata sa monitor na hindi ko naman maintindihan kung ano ba ito.

Ayoko lang talagang sumama kasi baka magtagpo na naman ang landas namin ni Zane.

Isasama kasi kami nito sa birthday party ng kakilala nito. Sa isang private club daw ang lokasyon ng party. It's like renting a whole damn club for a night.

I am shock na pati nga si Hailee na hindi maclub mukang napa-oo niya. Sinabi kasi nito na sasama raw.

Eh ayokong sumama kasi nakakahiya naman hindi ko close yung nagbibirthday tsaka baka magtagpo kami ni Zane doon. Nobody knows. Mas mabuti na iyong uunahan mo kaysa hindi.

"Busy?" Sabi nito at tinigan ang tinitignan ko sa monitor. "Eh hindi naman naka open ang files mo diyan. Tanga." Natawa pa tuloy siya.

Napakamot ako sa ulo tsaka sinandal ang katawan sa swivel chair.

"Ang rason mo! Really, Athena, you don't have to worry. Wala naman si Zane doon." Wika nito na nagmamaktol na.

"Just make it sure, Xia." Wika ko.

Tinignan ko ito na parang wala na talaga akong ibang choice kundi umo-o.

"Of course! I dont think magkakilala ang captain namin tsaka iyang si Zane." Sambit nito tsaka tumayo. Mukang aalis na kasi naclose na ang deal niya sa akin.

"Aalis kana? Agad-agad?" Tanong ko kaagad at mukang excited na itong umalis.

"Yeah, I need to get ready. Wala pa akong susuotin." Tinignan ako nito na puno ng problema ang mukha. "You should too. I'll pick you up around 7:30 since 8:00 PM ang start ng party. See you, bye." He said last minute before storming out my office. She even gave me a flying kiss. I just raised my middle finger to her na sinuklian rin niya pabalik.

Nang mawala na ito sa aking paningin ay agad akong napahilot sa tulay ng aking ilong. Ngayon, napaisip rin ako kung anong susuotin.

3PM na ng hapon. Mukang makakauwi ako ng maaga ngayon. Kailangan ko pa kasing maghanap ng susuotin.

Nagpaalam ako sa mga empleyado na makakauwi ako ng maaga tsaka sinabihan ko na rin na sila na ang bahala sa coffee shop. Tumango lang naman sila at nagpaalam na sa akin.

Pagkarating sa condo I turned on the aircon before going to shower. Medyo matagal rin kasi akong maligo na halos isang oras rin dahil sa kung ano-anong inilalagay sa katawan. I am humming a song while happily taking a bath. Matapos ay lumabas rin ako agad.

Napatigil ako sa paglagay ng lotion sa katawan ng tumunog ang aking telepono. My mom is calling me through facetime. Agad ko naman itong sinagot at inihiga lang ang phone sa mesa.

I saw my daughters face instead of my mom. Na sa may sala ito naka-upo sa couch habang rinig na rinig ko ang children song sa background. Mukang kakagising lang nito dahil sobrang gulo ng buhok tsaka kinukusot pa ang mata.

"Hi baby." Wika ko at inilagay ang telepono sa phone holder para makita ako nito ng buo. Nagpatuloy ako sa paglagay ng lotion habang nakapulupot pa ang katawan ng bathrobe at ang ulo ng tuwalya.

"You got home early, mommy?" Tanong nito sa akin na ang tinig ay kakagising lang talaga. Ah, my cute litte peanut.

"Yes, I am going out with Tita Xia and Tita Hailee. Is it okay with you?" I tried asking her. Kasi pag ayaw niya hindi nalang ako tutuloy. I know Xia will understand. She can't resist Zana.

The Ties that Bind [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon