14

146 5 2
                                        

Right now, things are good with me and my family. We all have healthy communication, and we spend a lot of time together doing things we enjoy. Even after all the hard times we faced, I feel thankful that we have found peace and happiness. It means a lot to me to see my family smiling again around me and being comfortable with me every day.

Sa ngayon sa penthouse ni Kirlstine parin ako pansamantalang nakatira habang naghahanap pa ako ng condominium dito sa City. She insisted that we should live together para daw may kasama siya pansamantala.

Napagdesisyonan ko na talagang bumalik kinaumagahan pagkatapos ng birthday celebration ng anak ko na si Zana, pero hindi na pumayag ang ina ko na babalik kami sa countryside. Kasi nga daw wala na naman daw akong dapat itago pa, kasi alam naman daw nila.

Wala naman akong nagawa lalo't inutusan na nito ang mga tauhan na kunin ang lahat ng gamit namin. Nag-insist pa nga ito na sa mansion daw muna ako tutuloy pero humindi ako kasi kailangan na pumasok ni Zana, masyadong malayo ang mansion sa pag-aaral ng anak ko kaya pumayag nalang ito na magcondo ako rito basta daw kukunin nila paminsan-minsan si Zana sa 'kin at sila ang magbabantay.

Wala namang problema sa 'kin 'yon, mas pabor nga sa 'kin kasi makakahanap ako ng trabaho o kaya negosyo na mapag-aabalahan para naman may pera akong pundo, hindi naman kasi pwedi na sa nakalaan na pera namin ako kukuha ng panggastos.

Maganda sana ang opportunidad kapag nakabalik sa modelling industry pero masyadong nakakapagod at toxic din kasi. Ayokong napapalibutan ang anak ko ng ganoon. Kaya naiisipan kung magtayo nalang ng negosyo. Ang pinsan ko din kasi ang nagsuggest.

Naalala ko tuloy si Estellito. Ang nag-iisang manager ko na nagtagal sa ugali ko. Maybe one of this days I'll approach him. For sure busy na ito ngayon kasi na re-assign na sa bagong modelo.

"I'll get going. After ko mag-gym may event pa akong pupuntahan, siguro gabi na ako makaka-uwi. Huwag muna ako antayin." Paalam nito.

May dala itong duffel bag at nakasuot ng sage green gym pair na ALO brand. Lumapit ito sa 'kin at kumagat sa kinakain kung toasted bread na may strawberry jam sa ibabaw. Tumango nalang ako at patuloy na nakatingin sa harap ng telebisyon.

Ang plano ko ngayon ay puntahan ang sinasabi ni Kirlstine na bakanteng retail building. Doon ko kasi naisipang magtayo ng negosyo. Ang sabi nito malaki daw iyon at pwedi ako mag business nang dalawahan. Kaya naisipan ko Boutique for Clothing line tsaka Coffee shop nalang.

Hindi naman ako nagsayang ng oras. Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para gumayak.

Umuwi rin naman ako agad pagkatapos kasi masyadong tirik ang araw. Masakit sa balat pagnasa labas nakaliwaliw.

Nakatanggap naman ako ng text galing kay Xia pagka-uwi ko sa penthouse ni Kirlstine. Ang sabi tatawag daw sila mamaya kasi gusto nila makita si Zana pero sinabihan ko nalang na wala rito ang anak ko dahil nandoon sa Lola at Lolo niya namalagi sa ngayon. Naintindihan rin naman nila at sinabi nalang na tatawag parin sila dahil may pag-uusap daw kaming lahat.

"I am not deaf. Narinig mo naman siguro ang birthday wish ng anak mo, Athena." - Alessia.

"Yeah, mukang nakalimutan mo ata." - Xia.

"So, ano nang plano mo?" - Hailee.

"Wala... sa ngayon." Ayan lang ang tanging nasagot ko sa kanila. Hindi rin naman kasi ako desidido na hanapin ang ama ng anak ko. Kaya wala rin naman akong maiisip na plano.

"Ano bang klaseng mukha ang meron niyang lalaki mo, Athena? Naalala mo paba?" Tanong ni Alessia sa kabilang.

Napaisip naman ako. As far as I remember. Noong sa pangalawang beses na may naganap sa 'min nakita ko pa ang mukha ni Zane. I still remember everything about his face. Every detail of it. Kahit na iyong nangyari sa 'min naaalala ko pa. Pinilit ko talagang hindi kinalimutan. Namula ako ng maalala ang lahat. Ayan! Kaya nabuo si Zana.

The Ties that Bind [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon