16

148 5 2
                                        

"What?!"

Nagulantang ako ng bigla itong sumigaw. Mabuti nalang talaga at dinala ko siya rito. Paano nalang kung doon sa labas ko sinabi sa kanya, baka tinitignan na kami ng mga customer dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Are you fucking kidding me?" Tanong nito sa mahinahon na paraan na.

"I am not kidding around, Xia. That guy is really the father of Zana." Tinignan ko ito ng maigi gamit ang seryosong mukha. Mukha ba akong nagjo-joke?

"Oh my God! Bakit ngayon mo lang sinabi?" Wika nito sa akin. Nagulantang parin. Hinawakan nito ang ulo na parang mababaliw na sa narinig. "Babalik tayo sa loob, and you will get your man, Athena." Akmang hihilain na ako nito pabalik sa loob pero umiwas ako.

"What? No! Are you insane, Xia?" Nabigla ako sa narinig rito. Nababaliw naba siya.

Man? That's not even my man. Hindi ko naman jowa iyon. We just hook up, and he just got me pregnant accidentally.

"Edi anong gagawin mo? You need to tell him that you have a child." Sambit nito sa akin. Mukang gusto ng hilahin ang buhok ko.

"Hindi ganoon kadali, Xia. Sobrang pangit naman kung sasabihin ko sa kanya agad. Kailangan iyan ng timing!"

"Edi ano? Magmumukmok ka nalang habang tinitignan ang ama ng anak mo na may ibang kasama? Time is gold, Athena." Wika nito at hindi na mapakali na hilain ako palabas sa stock room. Mukang nate-tense at stress na stress na rin siya kagaya ko.

"Yeah, I get it. I need to think, okay. Kailangan ko munang kausapin siya to get his attention o kaya magpakita sa kanya para maalala ako, okay? There is no need to rush." Seryosong sabi ko sa kaibigan at pilit na kinakalma ang boses. Kahit sa totoo ay ayaw ko nang lumabas sa silid na ito. Dito nalang kaya ako hanggang umuwi iyong lalaking iyon.

Wala naman akong balak na jowain iyon. Gusto ko lang na malaman niya na may anak kami. Ayan lang naman.

Lumabas rin kami agad pagkatapos ng pag-uusap dahil itong si Xia masyadong excited. Hindi makapaghintay at hinila na kaagad ako palabas. Nakatanggap pa ako ng kurot sa gilid ng makita namin uli si Zane.

"Gaga ka! Alam kung maganda ka. Pero tinignan mo naman ang lalaking nabingwit mo, get your man girl. Madali lang iyan lalo't may anak kayo." Pabulong na may diin na wika ni Xia rito sa gilid ko. Napapailing nalang ako sa mga sinasabi nitong si Xia at hindi nalang pinansin.

"Tapos na silang mag-order?" Binalingan ko ang dalawa kung barista at hindi pinansin ang mga lintanya ni Xia sa tabi ko. Kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig ng babaeng ito. Tumango ang dalawa at nagsimula ng maghanda sa likuran namin.

Ihahatid na sana ng dalawang barista ko ang order nila Zane ng biglang nagsalita itong si Xia. Mukang excited pa naman sila.

"Hey, Si Athena na ang bahalang maghatid niyan. You should not leave this area, maraming customer at order na nakapila." Wika nito na nakapaghinto sa dalawa.

"Nanggago kaba, Xia?" Pinandilatan ko ito ng mata. Nababaliw na talaga ang babaeng ito. Napasinghap ako na nakahawak sa tray na may order ng lalaki.

"Hindi. Bilisan mo na, naghinhintay na ang customer mo doon. Ako na bahala sa mga order rito sa cashier." Wika nito na tinatakwil ako. Napatingin ako sa kaibigan na puno ng gulat. Really? Hindi ata uso plano-plano sakanya. Ura-urada agad na kikilos eh.

Nagdadalawang isip pa akong naglakad pero itong si Xia parang tanga na pinagmamadali ako na ihatid ang order nito. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ako napabuntong hininga habang palapit sa inuupuan ng lalaki. Kakatayin ko talaga si Xia pagkatapos ko mahatid 'tong order.

The Ties that Bind [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon