****
Nakauwi na ako sa bahay at dali daling pumasok sa kwarto ko. Gusto ko na agad matapos mga ginagawa ko, sino ba gugustuhin mag rush sa ginagawa?
Habang tinatapos ko ang introduction namin sa research ay tumunog yung cellphone ko, hindi ko pinansin yun dahil sa research paper namin. Kailangan best in research kami, sayang din yon medal din.
Nang malapit na ako matapos, sinubukan ko tignan sino nag tetext sa akin.
Notification*
Message from Caius - 10
Message from Research paperUna ko binuksan ay ang group namin.
Guys wala ako mahanap na RRL na local, paano yun? - Ayumi
Meron ako dalawa pa lang. - Calix
Guys need niyo mapasa iyan. Meron kayong 4 days bakit hindi niyo ginawa?
-AkoHirap kasi sa mga ka grupo ko parang ayaw nila gumawa, lagi nilang reason 'busy ako' busy din naman ako pero nagagawa ko parin dapat gawin. I have responsibility lalo na student ako, sana alam nila responsibility nila
Ang ending ako gagawa, diba?
Habang ginagawa ko ang RRL namin ay hindi ko napansin ang oras. 3:26 am, naalala ko ang RRL ni Caius!
Dali dali ko ginawa, bahala na kung walang tulog basta matapos ko lahat ng gawain ko. Ilan na lang kasi sa amin at malapit ko na matapos, kaya isusunod ko ang kay Caius.
Lumipas ng ilang oras ay parehas ko na natapos.
"Yes! tapos na" Makakatulog na ako.
Patulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ko. nagtaka ako kaya tinignan ko ang cellphone ko, napatulala na lang ako na makita yung oras.
5:50 am!!!!
5:50 am!!
YAWAAAAA!!!! WAHHHHHHHHHHHHHH grabi ano yun walang tulog? hala lutang na naman ako mamaya niyan.
"Gising na po" kahit di naman natulog.
Naligo na lang ako, wala na rin ako choices. Baka matutulog na lang ako sa lunch time mamaya.
Katapos ko mag-ayos lumabas na ako at nakita ko sila Mama, in fairness bagong rebond anak niya.
Spoiled si Camila, spoiled brat eme.
"Pasok na po ako Ma." Akala ko di nila napansin na lumabas ako.
"Exam niyo na sa Wednesday, sana ngayon taasan mo naman." Hindi ko na pinansin yung sinabi niya, ano gagawin ko yun na expect nila.
Naririndi lang ako sa paulit-ulit niyang sinasabi.
"Madadapa ka, kung malalim iniisip mo."
"H-huh?" Kanina pa pala ako tulala?
tapos ang nakakita sa akin si Damon?
"Mahilig ka sumulpot na parang kabute noh pres?""tsk."
"Katrina!" Ngiti ni Caius.
"Cai, ito na pala yung RRL mo." ngiti ko sakaniya, hindi ko namalayan nakatingin pala si Damon sa amin.

YOU ARE READING
The Strain Of My Parents
Teen FictionThe huge pressure and stress that one feels in their relationship with their parents. It represents a difficult and stressful relationship that can have a serious impact on one's mental health.