.
.
.
.
———Balak ko magising ng oras dahil nga antok pa ako. Kaso may ingay na naman sa labas.
"Bakit hindi mo pa kasi ipakilala yan sa Papa niya?" Rinig ko galing sa labas.
"Para saan pa?"
"Nagiging selfish ka sa bata." Saad ni Tito.
"Hanggat maaari sa'kin si Katrina, gusto ko maghirap Tatay niya maghanap kay Katrina." Nagulat ako, anong hirap? bakit kailangan pahirapan?
"Tama si Papa, Ma. Ayaw mo naman sa kaniya bakit hindi mo pa ipamigay na?" Yawang babae na ito.
Si Papa? gusto pahirapan ni Mama? bakit? anong kasalanan ni Papa kay Mama? eh siya lang naman ang nagloko.
"Pera ay pera Camila." Natulalanako sa sinabi niya.
All this time, nagpapadala si Papa para sakin at kay Mama lang napupunta yon? Pera lang habol ni Mama kay Papa?
Kailangan mahanap ko si Papa, para ako na mag makaawa na kunin na ako.
Lumabas ako at nagulat sila na tumahimik bigla na parang may anghel na dumaan.
"Alis na po ako"
"Saan ka pupunta? wala naman kayo pasok." Kainis naman.
"Nag aya lang po si Caius" Doon na nila napagtanto na sino si Caius.
"Boyfriend mo?"
"Manliligaw pa lang po" Taas kilay na siya.
"Diyan ka magaling manlandi." Landi agad?
Umalis na lang ako dahil ayoko sila tignan dahil sa narinig ko kanina na about kay Papa.
Nag commute ako papunta sa meet up namin ni Caius. Hindi na ako nagpasundo sa bahay dahil ayoko niya makita ganon pamilya ko.
pamilya ko?
*****
"Kat!" Tawag niya sakin.
"Caius.. Kanina ka pa?" Umiling naman siya at ngumiti.
"Halika, doon tayo sa kainan na masarap." Tumango naman ako at ngumiti.
Naglakad kami papasok doon sa kainan na hindi naman restaurant yung lugar. Hindi naman ganoon kamahal yung mga pagkain dito, kaya okay lang.
Nakapag order na kami ng pagkain at sinimulan na namin kumain at nakwento lang kami about sa buhay namin.
Hindi naman boring yung pagsasama namin, pero hindi siya ganon ka open sa pamilya niya wala siyang kwento about doon at ayoko naman tanungin.
***
"For you.." Bulaklak... Tulips, ang ganda ng bulaklak.
"Salamat Caius, pero hindi naman need ito."
"Kung deserve mo naman why not." Napangiti naman ako.
Lahat.. first time ko maranasan ang date, flowers, ligawan. Nahuhulog na rin ako kay Caius, Mahal ko na rin siya, hindi ko alam pero baka ganon nga kapag nangungulila ka sa pagmamahal ng Ama.
"Kanina ka pa tulala diyan" Lumingon naman ako sa kaniya.
"Gaano mo ako ka mahal?" tanong ko sa kaniya.
"Sobra, ikaw na lang lagi ko naiisip. Grabi noh, ginayuma mo siguro ako?" Sabay tawa siya.
"Mahal din kita Cai." straight forward ko sinabi. Nagulat siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"So it's mean tayo na? sinasagot mo na ako?" Kaya ko naman sumugal diba? nakikita ko rin na nasa relationship kami.
Tumango ako.
"Talaga!!?"
"Oo nga" Natawa ako sa reaction niya, siguro yung reaction niya parang nanalo nang lotto.
Pati tuloy ako natuwa sa reaction niya.
"I love you Kat!" Nagulat ako sa yakap niya at niyakap ko na lang siya pabalik.
"I love you too, Cai.." Bulong ko sa kaniya.
This is the day kung saan ako naging masaya. Huwag mo na babawiin ito please, gusto ko sumaya na...
Mahal ko siya...
.
.
.
.hiiiii🤧
YOU ARE READING
The Strain Of My Parents
Novela Juvenil"It's okay to not be okay. Give yourself time to heal" The huge pressure and stress that one feels in their relationship with their parents. It represents a difficult and stressful relationship that can have a serious impact on one's mental health.