9

3 0 0
                                        

.
.
.
.
.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi ko alam ano plano niya. Bakit lagi na lang siya sumusulpot sa harap ko ng biglaan? Hindi ko alam gusto nito.

"Hindi ba halata? sinundan kita. Ilang beses ko na halata na hindi ka okay, kaya gusto lang kita samahan." Sagot niya.

"Hindi na kailangan. Umuwi ka na." Saad ko naman sakaniya.

Hindi ako makatingin sakaniya dahil naiilang ako. Hindi kami close para sundan niya ako ng ganito. Ayoko lang din mag-asume dahil sa action niya.

"If you think na gusto kita..." Paano niya nalaman yon? "No." dagdag niya. Guminhawa pakiramdam ko sa sinabi niya.

Oo... Gwapo siya, matangkad, malakas dating niya, matalino, malaki yung katawan compare sa mga shs na student.

"Sinundan kita dahil alam ko pakiramdam ng niloloko. Narinig ko rin sa inyo yung trato sayo ng magulang mo, ramdam ko rin yun." kwento niya habang nakatingin sa malayo. "Yes, we're not same sa pinagdadaanan. Pero alam ko gaano kasakit lahat, na minsan gusto mo na lang mawala." Itong lalaki na ito? danas din ibang naranasan ko??

Hindi ako makapaniwala ha...

"Bakit?" Tanong na dapat hindi ko tinanong. Like what I said, hindi kami ganon ka close.

"Secret" sagot naman nito.

Hayss.. "Unfair talaga ng mundo." Natawa naman siya at bigla agad nagseryoso.

"Akala ko rin." Akala? so para sakaniya fair pa rin?

"Tsk."

"That's my line..." Natawa naman ako sa sinabi niya, alam ko naman na may sasabihin siya na ganyan kaya inunahan ko na.

"Did you know na mas okay ang umiyak?" Tumango naman ako.

"Kasi doon mapapagod mata ko, at makakatulog ako." Umirap naman siya sa sagot ko. Tama naman ha!

"Yeah, you have point." Diba!!! sabi ko na tapos iirap siya? "Okay lang umiyak, hindi naman nakakahina iyon. Mas mahirap or hindi okay ang hindi umiiyak. Mahirap itago lahat, dahil hindi mo alam kapag sumabog iyang nararamdaman mo? asahan mo isa lang paraan ang maiisip mo." Nagtaka naman ako.

"Paraan?" Tumango siya.

"Isa lang maiisip mo. Yun yung kunin mo na sarili mong buhay." Naisip ko naman yan dati, pero gusto ko pa makita kahit saglit si Papa.

"Tsaka na. Hindi ko pa nakikita si Papa." Nagtaka naman siya. "Kung nagtataka ka bakit? Baby pa lang ako nabuntis na si Mama sa ibang lalaki. In short bunga ako ng hindi sinasadya."

Gusto ko umiyak at sumigaw.

Nagulat na lang ako bigla na lang niya ako niyakap. Doon na nagsimula ang paunahan pag agos ng luha ko. Isang oras yata ako umiiyak dahil sa tawag bumalik ako sa katinuan.

The Strain Of My ParentsWhere stories live. Discover now