Nagising ako sa alarm ng cellphone ko, kaya bumangon na rin ako dahil may pasok pa ako nang maaga."Oras na hindi ka pa gigising?" Bungad ni Mama sa akin.
"Gising na po."
Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo at mag-ayos, hindi na rin kasi ako kumakain dahil nakakawalang gana pag kasabay ko sila.
Minsan hindi ko alam kung masaya ako pag nagigising or nadidismaya lang ako, kasi wala naman bago sa araw-araw.
Lumabas na ako nang kwarto katapos ko maligo at mag ayos ng sarili ko. Daretso na sana ako aalis tulad ng routine ko lang dati.
"Hindi ka kakain? kumain ka dito katrina." See.. Ganyan lagi sila, bunganga na naman nila ang almusal ko.
Umupo na ako para kumain, wala naman kasi akong magawa dahil sila na yan, sila na yung perfect at tama.
"Ano pipiliin mo sa college?" Here we go again sa mga course namin.
"Engineer po Ma" Ngumiti naman sila, at binalingan nila ako na parang wala na silang aasahan.
"Ikaw Katrina?" Walang ganang tanong ni Mama sa akin.
"Psychology po" Mahinang sagot ko.
"Lawyer ka." Saad naman ni Mama, napatingin na rin sila tito Fernand at Ate Camila.
"Ma, gusto ko po mag psychology.." Nagulat na lang kami dahil sa malakas na hampas ni Mama sa lamesa.
"Mababaliw ka kang diyan Katrina, alam ko ang maganda para sayo."
"Pasok na po ako.." Nagpaalam na ako dahil nawalan ako nang gana sa pagkain. Ikaw ba naman ipilit ang gusto nila, akala mo sila ang mahihirapan.
Habang papasok na ako ay nakita ko na sila Aud and Bea.
"Katrina, nakita mo ba chat ko?" Umiling ako kay Aud.
Si Audrey at Beatrice, ay mga kaibigan ko. Si Aud ang pinaka maingay sa amin, at galaw siga. Si Bea... Kinababaliwan ng mga lalaki, maganda siya kaya pagkakaguluhan talaga siya. Of course Ako? walang meron sa akin.
"Anong meron?" Tanong ko sakanila.
"Maraming chismis ngayon hindi mo alam?" Umiling ako, wala naman ako pake-alam sa mga chismis na kumakalat sa school eh. "Yung Vice president sa school may gusto raw sayo!" Wala akong reaction, uulitin ko wala naman ako pake-alam sa mga bagay na ganon. "Hindi ka masaya? magkaka love life ka na!"
Umiling ako.
"May problema ba Kat?" Umiling lang ulit ako. "Pagpasensyahan mo na si Aud, alam mo naman ito akala mo naman katapusan na at wala nang lalaki para ipilit ka."
Tumawa na lang kami ni Aud kay Bea. Makulit talaga si Aud kaya hindi siya mahirap pakisamahan.
"Tapos niyo na?" Tanong ko sa kanila.
"Hala oo nga no! yung research paper..." Tumigil bigla si Aud, dahil naalala niya yung research daw kuno. "Ay? diba title pa lang anh ipapasa?"
Hindi ko alam saan pinag lihi si Aud, lagi kasing lutang ito.
Ng maka upo kami sa table namin, at naghihintay ng prof na papasok ay biglang may lumapit sa'kin.
Walang iba kung hindi si Caius... Ang Vice president ng buong school. Aminin man or hindi gwapo talaga siya at matangkad.
"Hi Kat, I want to introduce myself to you. I'm Caius, Caius Reid" Sabay ngiti sa akin, ganda nang ngiti niya.
YOU ARE READING
The Strain Of My Parents
Fiksi Remaja"It's okay to not be okay. Give yourself time to heal" The huge pressure and stress that one feels in their relationship with their parents. It represents a difficult and stressful relationship that can have a serious impact on one's mental health.