thank you!!
.
.
.
.Third Person POV (Unknown)
Habang nagsasaya sila Katrina at Caius, ay biglang nag init ulo niya. Makikita sa mukha niya na parang hindi siya makapag pigil na sugurin yung dalawa. buti na lang nanjan anh mga kaibigan niya para pigilan siya.
"Ano balak mo?" Saad ng kasama niya.
"I don't know." She said, matagal na siyang may galit kay Katrina dahil lahat naaagaw daw ng babae ang dapat sa kaniya. "Sakin lang si Caius. Kailangan ko gumawa nang plano para mapunta sa akin si Caius." dagdag pa nito.
"You're crazy, ayaw mo bang ibang lalaki?" Umiling lang ang babae, matagal na niyang gusto si Caius at ipipilit niya lahat mapunta lang sakaniya.
Nakita niya umalis si Caius at sinundan niya para kausapin. "Hindi ko hahayaan na maging masaya sila, ang akin ay akin." Sumunod din mga kasama niya para supportahan ito sa gusto ng kaibigan nila.
"Caius." Tumingin naman ang lalaki sa babae na may alinlangan.
"Ikaw pala, nandoon si Katrina" turo ng lalaki.
"Ikaw gusto ko maka-usap." takang tinignan ng lalaki yung babae at mga kasama niya. "Iwan niyo muna kami." Sumunod naman yung mga kasama niya.
"Kung nag-aalala ka kay Katrina, don't worry hindi ko siya sasaktan." daretsong saad nito.
"Bakit siya? bakit hindi ako?" nagulat ang lalaki sa sinabi nito.
"Pinagsasabi mo?" Hindi na mawari ng lalaki kung ano takbo ng utak ng kausap niya.
Hinalikan ng babae ang lalaki ng walang pasabi, lumalim ang halik nilang dalawa at nawawala sa wisyo ang lalaki. Hanggang sa gumagapang na ang mga kamay ng babae sa lalaki, at bigla na lang kumawala ang ungol nito.
"uhmm..ah.." Nabalik sa realidad ang lalaki at biglang tinulak niya ang babae para mapalayo ito.
"Hindi mo ba naisip na masasaktan si Katrina!" Umiling ang babae.
"Huwag mo itanggi na hindi mo ginusto ang halikan natin Caius." Biglaan umalis ang lalaki para bumalik kung saan siya iniwan ni Katrina.
Lumaki ngisi ng babae na makuha ang gusto nito, wala siyang pake-alam sa mararamdaman ni Katrina.
.
.
.****
KATRINA POV
Hinanap ko si Caius dahil iniwan ko lang naman siya dito kanina. Hahanapin ko na sana siya ngunit dumating naman siya na parang wala sa sarili.
"T-tara na?" Saad ni Caius.
Tumango ako at umangkas na ako sakaniya dahil ihahatid daw ako nito kahit sa malapit sa bahay lang namin, dahil ayoko makita siya ni Mama at ano pa sabihin nito.
Naalala ko na naman usapan nila Mama kanina..
Si Papa..
Gusto ko na siyang makita, what if sabihin ko kay Mama na gusto ko na makita si Papa? papayag kaya siya? syempre hindi..
"D-dito na tayo Kat.." May problema kaya siya? okay naman kanina huh?
"Okay ka lang?" Tumango naman siya.
Nagpaalam na ako para makauwi na ng tuluyan at para hindi rin siya magabihan sa daan.
Kapasok ko sa bahay ay naka upo sila sa sala.
"Yun ba yung boyfriend mo?" Nakita nila? chismosa.
"Opo.."
"Wag puro landi, si Camila nag rereview na para sa exam niyo bukas sana ikaw din." Camila na naman.
"Mag rereview na rin po ako Ma." Papasok na sana ako sa kwarto ng biglang may nasabi ako na dapat hindi. "Si Papa? Alam niyo po ba saan siya?" Kunot noo niya ako tinignan.
"Wala na iniwan ka na nga diba? kasi wala kang kwenta." saad niya.
"May address po ba kayo ni Papa?" balik natanong ko naman.
"Pwede ba Katrina! dami mong tanong! mag aral ka na lang, hindi kana babalikan non KAINIS!" Umalis siya at iniwan si tito Fernand.
Babalikan niya ako, ayaw mo lang ipagsabi kung nasaan ako... Masyado kang selfish Ma.
Umiyak akong pumasok sa kwarto ko, bakit mahina ako pagdating sa ganito?
Pa... Hanapin mo ako...

YOU ARE READING
The Strain Of My Parents
Fiksi RemajaThe huge pressure and stress that one feels in their relationship with their parents. It represents a difficult and stressful relationship that can have a serious impact on one's mental health.