After 1 year*Isang taon, pero yung sakit nandito pa rin. Akala ko yun na yon, bakit parang ayaw pa rin akong kunin?
Wala naman na akong silbi dito sa mundo, lagi na lang ginagago, nasasaktan.
Anong purpose ko sa mundo?
"Here's your food." Saad ng lalaking kakapasok lang sa kwarto.
Umiling lang ako, hindi ko alam bakit lagi siyang nandito sa lugar na ito.
Ahh siya pala nag-aalaga sa akin.
Lugar kung saan puti ang makikita mo, lugar na parang gugustuhin mo na lang manatili dito.
"You need to eat Ms. Katrina." Ngumiti lang ako at humiga sa kama.
Gusto ko lang dito, walang alam sa nangyayari sa labas. Hinahanap ba nila ako? o masaya sila kasi wala na ako?
"Kailangan mo kumain, para makainom ka na nang gamot mo." Daretsong titig ang binibigay niya sakin.
In fairness gwapo, yung mga mata niya parang ang lambot kahit grabi siya tumitig sa'kin, yung labi niya na ang pula at kissable....?
'Sh*t! katrina 'wag ganiyan'
Napatingin naman ako sakaniyang katawan, malaki yung katawan at matangkad siya. I think nasa 24 na siya? or 26? pero ang bata niyang tignan.
"Stop staring at me Ms. Katrina."
Napaangat ang tingin ko sakaniya, napansin pala niya iyon? grabi makasalanan na talaga ako kaya ayaw ako tanggapin sa taas.
Iniwan niya yung pagkain na para sakin at baka sakaling kainin ko raw. Pero wala akong gana talaga, kahit anong gawin ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa ganoong posisyon.
*****
"Dapat talaga sayo mamatay na eh! wala ka na ngang kwentang anak tapos ganyan ka pa!"
No! No!!!! gisingin niyo ako, ayoko dito! please!! gisingin niyo ako!
"I used you"
"Ang sarap ng boyfriend mo pala Kat"
"Tanga!"
No!!! Ayoko na!!!
YOU ARE READING
The Strain Of My Parents
Novela Juvenil"It's okay to not be okay. Give yourself time to heal" The huge pressure and stress that one feels in their relationship with their parents. It represents a difficult and stressful relationship that can have a serious impact on one's mental health.