8

4 0 0
                                        

Katrina Ophelia POV


Tumigil na ako sa kakaiyak ko dahil wala naman mapupuntahan yung pag-iyak ko. Hindi ko naman makikita si Papa kung iiyak lang ako.

Ilang oras na ako nag rereview sa mga subject ko para bukas. Pinipilit ko mag focus kaso.. Iniisip ko pa rin si Papa, na parang naaawa ako na naiinis. Naaawa ako sa paraan na hinuhuthutan lang siya ng pera, naiinis ako sa paraan na hindi man lang ako hanapin.

Ginagasligh ko na lang sarili ko na baka hinahanap ako ni Papa.

12:00 am sakto natapos ako sa review ko para bukas. Feeling ko naka mood ako mag bar ngayon. At alam ko gising naman sila kaya tinext ko na sila na samahan nila ako.

Hindi tumagal nag si reply sila sa text ko at sinabi na papunta na sila doon. Ibang bar ang binigay nilang location. Kaya doon nako dumaretso.

Kung iisipin mo ang layo ng bar na ito tatlong barangay ang kailangan mo puntahan para dito. Tago ang bar kaya akala ko talaga is naliligaw na ako.

*
*

"Buti pinayagan ka?" Tanong ni Bea.

"Tumakas lang." ikaw ba naman ipinagkakait sayo tatay mo diba.

"Hanep ka Katrina Ophelia! Isang Katrina tumatakas na sa nanay?" Natawa lang kaming tatlo sa sinabi ni Aud. Kahit ako nanibago na, may takot ako sa Nanay ko kaya hindi ko magawang tumakas. Pero eto na ako ngayon tumatakas na para lang sumaya?

Pumasok na kami sa loob ng bar para simulan ang kasiyahan namin.

Here I am.

No, we are here at the bar.

Pinapanood ko lahat ng mga tao na nagsasayawan, sigawan, tawanan na halos lahat sila parang walang problema. Why? dala ng alak yan, kaya gets ko sila kung bakit maraming teenager na marunong na uminom na kahit hindi sila legal age. Ginagawa talaga ng alak sa isang tao parang winawala niya lahat ng problema ng mga umiinom.

In short, parang nakatakas ka sa realidad. Wala kang iniisip na problema pag tinamaan ka ng alak, iyan ang nagustuhan ko.

Ito ang takasan ng mga tao na puro problema ang hinaharap, na mismo ako danas ko.

"Kat. Okay ka lang? kanina ka pa kasi tulala diyan." Saad ni Aud sa'kin.

Tango lang sinagot ko sakanila.

Sobrang thankful ko dahil sakanila, bad influence? no, sila nagturo sakin kung paano takasan kahit sandali ang sakit at problema.

Kakampi ko sila.

Umiinom lang kami, dating gawi lang ginagawa namin. Kung noon sila lang sumasayaw, nilunod ko sarili ko sa alak. Gusto ko ubusin sarili ko sa alak.

In the end, para na akong baliw na tumatawa.

"Tara na Kat, isasayaw natin yan!" Hinila na lang nila akong dalawa para pumunta sa gitna.

Talon dito. Sigawan dito. Sayawan. Gilingan.

Na kahit mismo si Bea eh grabe sumayaw, ang sexy ng galaw niya. Tinuturuan nila ako paano raw umakit ng isang lalaki.

Pero tumanggi ako, Meron nag eexist na Caius sa buhay ko.

Nagpaalam ako sakanila na babalik na ako sa table namin, medyo napapagod kasi ako. Bago pa ako makabalik sa table namin meron nako narinig na parang nag aaway sa loob ng isang pinto, meron naman bouncer pero mukhang walang pake-alam.

"Tangina, suntukin mo!"

"Ang hina pala ng bata mo pre."

Papasok sana ako ng may pumigil sa'kin.

The Strain Of My ParentsWhere stories live. Discover now