Mga ilang linggo na rin simula nang magsimula kami ni Roel sa aming mga bagong buhay bilang senior high students. Sa kabila ng magkaibang paaralan, patuloy naming pinapalakas ang aming relasyon, kahit na madalas na ang mga agwat ng oras at distansya. Si Roel ay nasa Santiago Senior High, habang ako naman ay nag-aaral sa Saint Laurent University. Nasa kabilang dako kami ng bayan, kaya't ang mga pagkakataon ng pagkikita ay limitado at bihirang-bihira.
Sa una, okay lang sa akin iyon. Nasanay na ako sa ganitong setup, at inaasahan ko naman na ang pagmamahal namin ay sapat upang mapanatili ang aming koneksyon. Ngunit habang lumilipas ang mga linggo, may mga bagay na hindi ko na kayang balewalain.
Si Roel na dating laging may oras para sa akin, ay naging malayo. Hindi ko na siya madalas makausap, at kapag nakakapag-usap man kami, palaging may sagot na "busy" o "may kailangan akong tapusin". Hindi ko alam kung anong nangyayari, ngunit tila may nagbago. Hindi ko siya makontak ng matagal, at kapag tumatawag ako, minsan ay hindi siya sumasagot.
Isang hapon, nag-usap kami sa telepono. Sinubukan kong magpatawa, magbukas ng mga magagaan na usapan, ngunit para bang hindi na siya interesado. Ramdam ko bawat salitang binibitawan niya, ramdam ko ang bigat.
"Mahal, okay ka lang ba? Parang wala ka nang gana mag-chat at kausapin ako," tanong ko, medyo nag-aalala.
"Ayos lang ako, Elara. Medyo busy lang talaga. Alam mo naman, marami na ring requirements dito sa school," sagot niya, hindi ko naramdaman ang usual na lambing sa boses niya at bukod pa roon ay nawala na ang endearment namin.
"Ano ba 'yung marami? Parang hindi ko na nakikita 'yung dati mong mga plano. Yung pangarap natin, parang... nawawala," sambit ko, nadarama ang pagkabahala sa aking tinig.
"Wala, Elara. Stress lang 'yan. Kaya nga medyo kailangan ko muna mag-focus sa school," sagot ni Roel na parang may kung anong iniiwasan. "Teka, may assignments pa akong tapusin. Huwag ka mag-alala, okay lang ako."
Walang kasunod na usapan. Hindi ko na rin siya pinilit. Tapos na ang tawag. Hindi ko pa rin magets kung anong nangyayari, pero sa puso ko, may nararamdaman akong hindi tama. Hindi ito maalis sa aking isipan, bumabagabag pa rin ito sa akin hanggang sa pagtulog.
---
Dahil malayo ang Santiago mula sa amin, hindi ko siya matutulungan sa school niya, at mas lalong hindi ko siya kayang sundan para makita kung anong nangyayari sa kanya. Pero may mga paraan akong alam upang malaman kung ano talaga ang nangyayari.
Isang linggo ang lumipas, habang nag-uusap kami ng aking pinsan, si Michelle, na nag-aaral sa parehong paaralan ni Roel, may sinabi siya na nagpatibay ng mga alingawngaw sa aking isipan.
"Alam mo ba, Elara?" sabi ni Michelle habang nagkakaroon kami ng kwentuhan. "May narinig akong mga usap-usapan doon sa school namin. Kayo pa naman ni Roel, diba? Eh, may mga chismis na hindi na yata siya mukhang ganun ka-focus sa relasyon niyo."
Nagtaka ako. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba siya okay?"
"Hindi ko naman alam kung totoo, pero sabi nila, medyo may something fishy na si Roel. Tapos may mga ibang mga girls din daw siyang nakakasama." Michelle lowered her voice. "Hindi ko pa sure kung ano 'yung ibig nilang sabihin, pero ako, parang may kutob din akong hindi maganda."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nagdadalawang-isip ako kung seryoso ba siya o baka isang kwento lang. Pero ang mga salita ni Michelle ay nagbukas ng isang posibilidad na hindi ko kayang ipagsawalang bahala. May lalo tuloy akong nag- overthink sa mga nalaman ko.
"Hindi ko alam. Baka may dahilan lang o kagrupo," sabi ko, nagkukunwaring hindi ako apektado, pero sa loob-loob ko, ang sakit na. Hindi ko pa kayang aminin na may mali.
BINABASA MO ANG
Trilogy 1: Lost
RomanceSi Elara ay nahulog sa alon ng isang pag-ibig na unti-unting nawawala. Nang umibig ang kanyang kasintahan sa ibang babae, naramdaman ni Elara ang kalungkutan, pagkabigo, at pagkawala. Habang nilalabanan niya ang kanyang mga emosyon at sinusubukang h...