Chapter 11

2 2 0
                                    

Habang lumilipas ang mga buwan sa Harvard, hindi maiwasan ni Elara na paminsan-minsang balikan ang nakaraan. May mga gabing tahimik siya sa dorm niya, iniisip si Roel at ang lahat ng nangyari sa kanila. Pero iba na siya ngayon, hindi na siya natutulala sa sakit. Ngayon, kahit pa may kirot, alam niyang kaya niya nang dalhin ito, na bahagi na lang ito ng mas malawak na kwento ng kanyang buhay.

---


First Day at Harvard

Maagang gumising si Elara, puno ng kaba at excitement para sa unang araw niya sa Harvard. Nagtingin-tingin siya sa paligid habang naglalakad patungo sa campus—isang lugar na punong-puno ng history at magagarang architecture na tila mga lumang pader na may buhay na kwento. This is it, sabi niya sa sarili. Nandito na ako, sa pangarap kong lugar.

Pagpasok niya sa isang malaking lecture hall, maraming estudyante na ang nandoon. Karamihan sa kanila ay abalang nag-uusap, samantalang ang iba naman ay nakatingin sa kanilang mga phone o notebook. Naghahanap si Elara ng pwesto, at napansin siya ng isang grupo ng mga estudyanteng mukhang friendly. Hindi naman masama kung susubukan nitong lumapit at makisama sa mga ito.

"Hey! Are you new here?" tanong ng isang blonde na babae, ngumiti at tumayo mula sa grupo para batiin siya.

"Yes, I am," sagot ni Elara, ngumiti rin at nagpasalamat sa pag-welcome ng mga ito.

"I'm Kate, by the way," pakilala ng babae. Kasama niya si Daniel, isang sporty-looking guy, at si Mia, isang tahimik pero mukhang approachable na estudyante.

"Elara," sagot niya. "Nice to meet you all."

"Oh, cool name! So, where are you from?" tanong ni Daniel, obviously curious.

"From the Philippines," sagot niya, at nakita niyang napangiti ang mga ito.

"Wow, that's really cool!" sabi ni Mia. "I've always wanted to visit Asia."

Hindi nagtagal, mabilis na naging komportable si Elara sa grupo. It felt refreshing para sa kanya na may nakilala agad siyang mga bagong kaibigan sa isang lugar na sobrang bago at iba sa kinasanayan niya. Habang nag-uusap sila, lalo siyang nagiging excited sa mga susunod pang mangyayari.

---

Matapos ang isang oras na orientation, dumiretso si Elara sa kanyang first language class—Spanish 101. Kinakabahan siya dahil ito ang first time niyang mag-aral ng ibang foreign language, pero sa kabilang banda, excited din siya sa magiging experience. Pagpasok niya sa klase, maraming estudyante ang nasa loob, at kaagad siyang pumuwesto sa gitnang upuan.

"Hola, class," bati ng professor, na mukhang chill pero may hint ng pagiging mahigpit sa boses niya. "Welcome to Spanish 101. In this class, you're going to learn not just the language but also the culture and the soul behind it. Let's begin with the basics."

Habang nagkaklase, sinubukan ni Elara na intindihin ang mga bagong salita. Kahit minsan ay nalilito siya, sinusubukan niyang makasabay. Na-realize niya na challenging pero exciting din pala ang mag-aral ng Spanish. Kahit na magkandabulol na siya ay ayos lang dahil maaaring magamit naman niya ang matutunan niya sa subject na ito balang araw.

During the class, pinakilala siya ng professor sa isang study buddy, si Mateo—a tall, curly-haired guy na halatang may Spanish roots base sa kanyang itsura at accent. Makikitang sanay na sanay ito at ginawang libangan na lang ang pag-aaral ng spanish language. 

"Hey! Looks like we're study partners," sabi ni Mateo, na mukhang masaya sa pagkakapili sa kanya.

"Yeah, nice to meet you," Elara smiled, relieved na mukhang friendly ang partner niya.

Trilogy 1: LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon