The night in Barcelona was alive with an electric energy. Ang lungsod ay tila buhay na kumikilos sa ritmo ng musika, tawanan ng mga estranghero, at ang kumikislap na mga ilaw ng mga klub at bar. Hindi alam ni Elara kung anong nagtulak sa kanya na sumama kay Mia, pero pagpasok pa lang nila sa bar, agad siyang tinamaan ng tunog ng musika. Malakas, masigla, at puno ng mga tao na nagsasayaw, nag-uusap, at nag-eenjoy sa gabi.
Parang ang perpektong pagtakas ito mula sa mga alalahanin na matagal nang nakatambay sa isip niya simula nang makarating siya sa Spain. Ang pagod ng paglipat sa bagong bansa, ang bigat ng paglisan sa dating buhay, at ang mga natirang sugat mula sa heartbreak—lahat ng iyon ay tila naging malayo sa mga sandaling iyon.
Si Mia ay agad nawala sa paningin ni Elara, sumama na pala ito sa mga tao sa dance floor. Si Elara, sa kabilang banda, ay kontento lang na naghintay sa bar, umiinom ng unti at nanonood sa mga sumasayaw sa paligid. Kailangan niyang huminga ng malalim, at magbigay ng oras sa sarili.
Tumingin siya sa bartender, ang mga iniisip niya ay pansamantalang naputol. "A mojito, please," humiling siya ng magalang na ngiti, medyo nilakasan niya ang boses dahil sa lakas ng musika ay baka hindi siya marinig ng bartender kung paiiralin niya ang mahinhin niyang boses.
Habang naghihintay sa inumin, napansin niyang ang paligid ay puno ng buhay. Ang mga tao mula sa iba't ibang dako ng mundo ay nagtipon sa isang lugar, mga mukha nilang puno ng saya. May mga nag-uusap sa mga grupo, habang ang iba naman ay abala sa pagsasayaw, ang katawan nila ay sumasabay sa tugtugin. Si Elara, sa kabila ng lahat, ay nakaramdam ng kakaibang pakiramdam—she look like an observer, hindi pa handa na lubos na makisalamuha sa bagong buhay.
Habang nagmumuni-muni siya mag-isa. Nagulat siya nang maramdaman ang mga matang nakatingin sa kanya. Biglang nagsitayuan ang kanyang balahibo. Tumingin siya at hinanap saan ito nagmula, at nakita ang isang lalaki na malapit lang sa bar, ang mata nito ay nakatutok sa kanya. Sandali siyang natigilan, hindi niya alam kung dapat ba niyang pansinin ang lalaki o hindi.
Ngumiti ito at itinungo ang baso sa kanya. "Hola," sabi nito, na may maligaya at nakakabighaning ngiti.
Si Elara ay bahagyang nagulat sa hindi inaasahang atensyon, ngunit nagawang gumanti ng magalang na ngiti. "Hi," tugon niya, ang boses ay malumanay ngunit may pag-aalinlangan.
Nag-lean siya ng konti at nagsalita muli, ang kanyang mga salita ay dumaloy sa Spanish. "¿Cómo estás?"
Si Elara ay napaatras ng konti, naguguluhan sa biglaang pakikipag-usap sa kanya. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagamit ang Spanish skills, pero naiintindihan pa rin niya ito. Ngunit sa mga sandaling iyon, nagdesisyon siyang magpanggap na hindi niya alam ang wikang espanyol.
"I don't speak Spanish," sabi niya, may kaunting pilit na ngiti, ngunit hindi niya maiiwasan ang ma-amused sa sitwasyon. Hindi ito totoo, pero gusto niyang makita ang magiging reaksyon ng lalaki.
Itinaas ng lalaki ang kilay at ngumiti ng may kaunting pang-aasar. "Oh really? That's a shame." Lumapit pa siya ng konti, ang boses niya ay may kasamang pagpapatawa. "You're in Barcelona, the city of love, and you're telling me you don't speak the language?"
Si Elara ay tumawa ng bahagya at tinagilid ang ulo. "Nope, I really don't," sagot niya, na tinuloy pa ang pagpapanggap.
Nagpatuloy siya sa pag-usap at nagbiro. "Well then, let me teach you. The first lesson is all about besos," sabi niya na may nakakalokong ngiti.
Si Elara ay umiling ng kaunti, ang mga mata ay puno ng pagpapatawa. "You really think that'll work on me?" tanong niya, kahit na nahirapan na itago ang kasiyahan sa mukha.
"Who knows?" sagot nito, nakangiti pa rin. "Maybe you'll learn something."
Patuloy ang kanilang pag-uusap, at kahit na sa simula'y hindi siya sigurado, sa paglipas ng oras ay tila naging komportable siya. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kadali ang makipag-usap sa isang estranghero, pero sa mga sandaling iyon, parang siya lang at ang lalaki sa isang pribadong mundo. Hindi niya na alintana ang mga naunang alalahanin sa kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
Trilogy 1: Lost
RomanceSi Elara ay nahulog sa alon ng isang pag-ibig na unti-unting nawawala. Nang umibig ang kanyang kasintahan sa ibang babae, naramdaman ni Elara ang kalungkutan, pagkabigo, at pagkawala. Habang nilalabanan niya ang kanyang mga emosyon at sinusubukang h...