Habang naglalakad si Elara sa grocery, kasama si Alex na pinsan niya, abala sila sa paglalagay ng mga pang-araw-araw na bilihin sa cart-bigas, sabon, gatas, at ilang de-lata. Tahimik lang siyang naglalakad at iniisip ang listahang ibinigay ng mama niya. Busy kasi ang mama niya sa isa pa nilang negosyo, medyp may naging problema lamang dahil sa pagtaas ng demand ng supply kaya kailangan nilang agapan ito. Kaya siya ang naatasang maggrocery muna at wala rin naman silang aasahang iba dahil wala ang mga kapatid ni Elara.
Bigla, sa dulo ng aisle, napansin niya si Roel kasama si Raina. Tumawa si Roel habang nakatingin kay Raina, halatang masaya silang dalawa. Saglit na natigilan si Elara, ngunit mabilis siyang nagbawi. Wala na akong pakialam, sabi niya sa sarili. She took a deep breath, pinilit na huwag magpakita ng kahit anong emosyon. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin nakaligtas kay Alex ang pagkabigla sa mukha ni Elara.
"Uy, pinsan, ayun si Roel," bulong ni Alex, halatang galit ang tono. Kitang-kita ang init sa mga mata niya. "Puntahan ko nga 'yang gagong 'yan, sabihan ko lang ng konti para magising siya."
Agad na hinawakan ni Elara ang braso ni Alex, pinigilan siya. "Hayaan mo na, Alex. Hindi ko naman kailangan pang guluhin ang sarili ko dahil sa kanila. Wala tayong mapapala." Ayukong makipag away ang pinsan ko lalo na nasa pampubliko kaming lugar. Baka makagulo pa kami sa ibang mamimili.
"But Elara-" tutol ni Alex, ngunit nakita niya ang seryosong ekspresyon ni Elara, na tila ba tanggap na niya ang lahat.
"Ano bang mapapala ko kung papansinin ko pa sila? Tapos na kami," mahina ngunit matatag na sabi ni Elara. "Tapos na 'yun, Alex. Kung masaya siya, hayaan na natin siya. Ako rin, deserve ko ring maging masaya, kahit wala na siya sa buhay ko."
Tumango si Alex, kahit halata pa rin ang pagkaasar sa mukha niya. "Sige, ikaw bahala, Elara. Pero tandaan mo, andito lang ako, handang mang-bugbug para sa'yo kung kailangan," biro niya, na sinuklian ni Elara ng bahagyang ngiti.
Nagpatuloy sila sa pamimili, walang bakas ng pagkalito o sakit sa mga mata ni Elara. Noon pa man, pinangako na niya sa sarili na mag-move on, at ngayon, nakita niya na kaya naman pala talaga niya.
Habang pinupuno nila ang cart ng iba pang mga pagkain at gamit, napansin ni Elara na parang gumagaan na ang pakiramdam niya. Ito pala ang pakiramdam ng tunay na pag-move on, naisip niya. Walang galit, walang hinanakit. Natutunan niya nang tanggapin ang mga bagay na hindi niya makokontrol. Kung hindi talaga kayo para sa isa't isa ay hayaan na lamang. Alam ni Elara na sa likod ng mga sakit na pinagdadaanan ay may kapalit ding kasiyaan. Hindi man sa ngayon ngunit alam niyang darating din ang kanyang pagkakataon.
Nang matapos sila at maglakad papunta sa counter, muling tumingin si Alex sa direksyon nina Roel at Raina. "Tingin ko, sila ang talo, pinsan. Hindi nila alam ang halaga mo. Ang papangit pa nila, bagay na bagay nga sila." Malakas itong tumawa na akala mo wala nang bukas.
Ngumiti si Elara, pero hindi na siya nagsalita pa. Alam niyang totoo iyon, pero sa kanya, mas mahalaga na alam niya ang sarili niyang halaga. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay hindi makikita sa pagkakaroon ng ibang tao sa buhay, kundi sa pagtanggap at pagmamahal sa sarili.
Matapos ang pamimili, mas magaan ang pakiramdam ni Elara habang pauwi sila ni Alex. Sa kabila ng lahat ng sakit at hirap na dinanas niya, napagtanto niyang kaya naman palang buuin muli ang sarili kahit walang ibang tao ang magbigay nito sa kanya.
Pagkauwi nila ni Alex sa bahay, agad nilang inayos ang mga pinamili. Tumulong siya sa pagtanggal ng mga pagkain mula sa mga plastic bags, habang si Alex ay naglagay na ng bigas sa lalagyan at mga de-lata sa kabinet. Nang matapos, akala ni Elara ay magiging tahimik na gabi lamang ito tulad ng dati, ngunit nang pumasok siya sa kusina, may kakaibang eksenang bumungad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Trilogy 1: Lost
RomanceSi Elara ay nahulog sa alon ng isang pag-ibig na unti-unting nawawala. Nang umibig ang kanyang kasintahan sa ibang babae, naramdaman ni Elara ang kalungkutan, pagkabigo, at pagkawala. Habang nilalabanan niya ang kanyang mga emosyon at sinusubukang h...