Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
“Tanging Paksa”
Sa bawat tintang nag-iwan ng marka,
Ng bawat sining na iginuhit ko't ipininta.
Sa bawat tulang pinilit kong bigyan ng tugma,
At nagpahayag ng sa iyo'y tunay kong nadarama.
Sa bawat nota at tunog ng iniingatan kong gitara,
At sa bawat pagbigkas ng liriko sa aking inilikhang musika.
Ikaw, ikaw ang inspirasiyon, natatanging paksa.
Sapagkat katauhan mo'y sining, puno ng mahika.
Tunay na kay hiwaga.
🌻
YOU ARE READING
I Can't Go Home, Anymore.
Poetry"I canʼt go home anymore, so Iʼll just write you some letters and poems until you come to take me back home." 06.18.2024
