01

3 0 0
                                    


"Hay, ang sarap ng hangin" Masayang saad ko, habang ako ay nasa may garden ng university namin nakaupo sa damuhan, hinihintay ang isa kong kaibigan.

Ay ilang sandali lang ay dumating na ito, dala dala ang mga pagkain namin, at umupo na ito sa tabi ko.

"Alam mo kate, swerte mo ha, kasi kaibigan mo si richard si richard max cruz, sikat na sikat 'yon dito sa school. kaya lahat ng mga babae is naiingit sila sayo e" Sabi saakin ng kaibigan ko at ngumisi lang ako at dumating ang iba naming kaibigan at umupo sila sa tabi namin.

"May mga sundalo daw doon ah" Sabi sa akin ni kian , kaibigan kong isa pang lalaki.

"Lagi namang may sundalo dito, shunga-shunga ka, hindi moba sila nakikita araw araw?" Tanong sa kanya ni diana, kaibigan kong kasama ko kaganina

"Sorry naman ha, sorry" Sabi nito at lumingon si kate sa kanyang likuran at nakita, ang mga sundalong nag lalakad. may napansin si kate na isang lalaking pamilyar na muka sa kanya.

"Kate, oy... oy, oy" paulit ulit na pag tawag ni kian kay kate

"Ah, oh?... oh bakit?" tanong ni kate sa kanya at sinabi nito na nakatulala ito, habang nakalingon sa likod.

"Hello, everybody it is not nice to meet you again" Sabi ni richard, pag ka lapit nito sa kanila

"Oy, oy, oy, ano 'yang dala dala mo?" Tanong ni kian sa kanya sinabi nito na ramen, at may iba pa daw na food, kakagaling lang daw kasi n'ya sa training sa basketball.

"Kailan laban?" tanong ni diana sa kanya

"Ahm...hindi na ako makakasali e, sumali lang ako sa training, trip ko e hahaha. malapit na kasi tayong mag graduate kaya hindi na ako nakakasama" sabi nito sa kanila at tumungo lamang sila at kumain na.

*********

"Nagawa mo ba 'yung assignment natin kay sir david?" tanong ni diana kay kate at sinabi ni kate na...

"Of-course, why? wala ka nanaman?" tanong nito at umiling si diana

"Meron ako no?, kala mo ah" mamaldita nitong sabi

"Good afternoon class, ngayon ay ipasa n'yo muna mga assignment n'yo, kung sino ang walang gawa d'yan?. yari kayo sa akin ha!" sabi ni sir david at sinabi naman ni lorenz na...

"Sorry ka sir, meron ako, hmp" pabakla nitong bulong

"So, i'm going to discuss to you..." tatlong oras tumagal ang discussion ni sir, kaya naman ay pag ka tapos na pag katapos namin ay lumabas na kami ulit at kumain.

"Richard, rich, 'lika" pag papalapit ko kay Richard sa amin habang nasa may isa kaming lamesa sa isa pang garden ng university namin. tinawag ko ito habang ito ay nag lalaro.

"Richard, halika ka baby ko!" Pabaklang pag tawag ni kian kay Richard.

"Sira-ulo" banggit ni Richard kay kian pag ka lapit nito sa kanila at umupo na sila at kumain.

"Magiging surgeon na tayo!" Masayang sabi ni diana at ngumiti naman kaming tatlo sa sinabi n'ya.

"Oo nga e, dalawang araw nalang ay aakyat na din tayo sa stages para kuwain 'yung diploma natin, wohoo!" sabi ni kian

"Grabe kana kian chris marquez ha, dami mo daw babae?" tanong ni richard sa kanya

"Ha?, saan mo nanaman nakuha 'yan?" tanong nito at tinuro ni richard si diana at si diana naman ay tumitingin sa mga paligid at bigla s'yang binatukan ni kian.

"Alam mo ki- hep, hep, ahm... pwede bang wag ng kian, pwede bang chris nalang kasi naano ako sa kian parang pang babae" Sabi nito sa kanya at puamyag naman si chris

"Excuse me. wala akong pinag kakalat na ganon no?, as if naman na may papatol sayo. nalaman ko lang 'yon kela althea e, pero hindi ko pinag kalat, binasted mo daw kasi s'ya" bulong nito sa kanya at ngumisi lang si chris sa sinabi nito.

"Umiiyak ba??" Tanong nito

"Sira ulo, lakas ng amats mo. tatanong mo pa kung umiyak e, alam mo nanamang masakit 'yun" pag batok ni richard kay chris at napakamot lang sa ulo si chris at tumawa si diana at kate.

*********
Pag katapos kumain nila ay nag lakad lakad mo na sila diana, chris at richard.
ay nag punta na sila sa last nilang klase at doon ay nakinig sa last discussion.

" 'oy sa'n maganda kumain?" Tanong ni chris kay richard, habang sila ay nag lalakad.

"Hapon na pala no?. sa ano tayo, doon sa, dati nating kinakainan nong first year college palang tayo. basta ako na bahala" Sabi nito at nag paalam na silang dalawa kela diana at kate.

"Ay bes' alis na ako nandito na sundo ko e, sige ha, ingat ka. bye I love you." pag paalam ni diana at tumakbo na ito, kung nasaan ang kanyang sundo at nag patuloy naman si kate sa pag lalakad.

"Libotin n'yo ang buong university kahit na malaki, kailangan nating pangalagaan ang kasiguraduhan ng mga student dito" Sabi ng isang sundalo sa kanyang mga ka-trabaho.

"Okay po major, teka anyare d'yan sa name tag mo, dumi ah" Sabi ng isang sundalo sa kanyang major. at si kate ay napadaan sa kanila habang nag lalakad.

"Nawala na 'yung, gon-za-les, Harrison brayden aries gonzales" Biglang napatigil si kate sa pag lalakad, dahil sa narinig n'yang pangalan. at lumapit ito ng kaunti.

"Oh, nandito lang pala kayo, nakapag libot na ba kayo?" tanong ng lieutenant colonel sa kanila at sinabi nilang mag lilibot palang.

at umalis na ang dalawang sundalo at kinausap ng colonel si aries at si kate naman ay pumasok sa isang building na kung saan ay ang labas ay kung nasaan sila. pinapakinggan n'ya ang kanilang pinag uusapan. ilang sandali at umalis na ang colonel at naiwan na lang si aries.

lumapit ng kaunti si kate kay aries at hinila nito bigla, kung nasaan s'ya.

"Aray ko, hoy anong problema mo?" Tanong ni aries sa kanya pag ka hila nito

"Hi, aries si kate 'to, hindi mo na ako natatandaan?" Tanong nito at hindi parin alam ni aries kung anong sinasabi n'ya.

"Katherine emilia lopez... kapatid ni Anthony, tropa mo, kapitbahay mo kami sa compound sa laguna. nakalimutan kona kasi 'yung compound na 'yun e"

"Ah!... kate?" sabi nito at napangiti naman si kate dahil sa sinabi n'ya at yumakap naman si kate sa kanya.

"Grabe naman sundalo kana pala, wala kang paramdam sa Facebook ha" sabi nito at tumawa lang si aries.

"Oh, college student kapala dito. galing mo ha, nakapasok ka dito" Sabi nito

"Oo e, hindi ko nga din akalain na makakapasok ako dito, saya saya kasi next this week, ano nanamin? graduation na!" masayang sabi ni kate sa kanya at napangiti naman si kate.

"Wow ha, galing mo, siguradong proud sa sayo papa mo tsaka mama mo" Sabi nito at napalungkot ang muka ni kate "Oh bakit?"

"Wala na kasi si papa, nong nineteen years old palang ako, sakit sa puso kinamatay" Malungkot nitong sabi at nag sorry naman si aries, dahil sa nasabi n'ya.

"Hindi okay lang 'yun, ilang taon na din naman nakalipas, pero mahirap parin talaga" malungkot nitong sabi at napatungo naman si aries, at nag paalam na si aries sa kanya at nag paalam na din si kate at tumakbo na ka agad si aries papalayo sa kanya.

"Grabe ang pogi parin talaga ng first love ko!" Kinikilig na sabi ni kate.

Pag kauwi ni kate sa kanyang apartment ay nag luto mo na ito, at kumain, tsaka naligo pag katapos nitong maligo ay humiga na ito sa kanyang kama

pag ka higa nito ay umupo mo na ito at kinuha ang kanyang selpon at sinearch sa facebook ang pangalan ni aries at doon ay nag send s'ya ng friend request.

at nag basa mo na ito ng libro at ilang sandali ay biglang tumunog ang kanyang selpon at nakita n'ya, ina-accept ni aries ang kanyang friend request, sobrang kilig na kilig si kate at napatalon pa nga ito

"Masarap nanaman, tulog ko!" masaya nitong sabi

Beloved Where stories live. Discover now