"Kate!, doctor kate!" Pag tawag nang isang doctor na lalaki kay kate, habang buhat buhat nito ang isang batang babae at agad namang lumapit si kate at nilagay ang bata sa kama at tinignan doon."Anong nangyari sa kanya?" tanong nito
"Nabangga s'ya ng kotse, nahuli nanaman 'yung nag mamaneho, lasing daw. may nabali bang mga buto sa kanya?" tanong nito habang nanginginig ang mga kamay nito.
"Oo, sa kanang braso n'ya,'yung mga magulang nandito ba?"
"Papunta na, tinawagan kona, may nakalagay na cellphone number ng magulang n'ya doon sa cellphone n'ya sa likod" Mahingalhingal na sabi nito kay kate, at pumasok ka agad si richard at tinignan din ang bata.
*********
"Doc kamusta napo ang anak ko?" tanong nang nanay ng bata
"Ayos nanaman po s'ya naayos napo namin 'yung bali ng buto n'ya, nothing to worry napo" Sabi ni kate sa kanila at nag pasalamat naman ang magulang kay kate at nag paalam si kate na aalis ito.
"Kamusta, pagod kana ba?" tanong ni chris kay kate, habang si kate ay nakaupo malapit sa pasyente
"Hindi pa no, umo-okay nanaman mga skill ko pag dating sa pag gagamot ng pasyente tsaka kahit na 'di ako orthopedic doctor e. nagawa kong mapansin 'yun" Masaya nitong sabi sa kanya
"Ano? inggit ka?" tanong ni diana kay chris at umiling naman si chris.
"Inggit ka d'yan, ihampas kita sa pader d'yan tamo" Pag babanta ni chris kay diana at tinarayan lang ito ni diana
"Doc kate,'yung patient doon sa room 35 hinahanap po Kayo" Sabi ng nurse kay kate
"Ah sige, iwan ko na kayo d'yan, wag kayong mag aaway d'yan, sasakalin ko kayo" Sabi ni kate sa kanilang dalawa at umalis na si kate sa dalawa at nag bunga-nga ang dalawa sa isa't isa.
"Hello po, hinahanap n'yo daw po ako?" tanong ni kate sa isang babae, pag ka pasok nito sa kanilang room
"Ah oo, gusto ko lang mag thank you, sa pag save mo sa mommy ko" Sabi ng babae at ngumiti naman si kate at sinabi na wala naman daw 'yon.
at nag bigay ang babae ng isang malaking paper bag na mabigat at sinabi nito na para kay kate iyon.
nag thank you naman si kate sa babae at umalis na ito, pumunta ito sa kanilang kwarto at doon ay tinignan ang laman ng paper bag at nakita n'ya ang maraming pagkain.
"Nurse cam!, nurse cam!" Pag tawag ni kate na boses ng parang nanakot ito, naka labas lamang ang ulo nito sa pintuan, at tinatawag si nurse camille.
"bakit?" tanong nito, at pinapapunta s'ya ni kate sa kanya
*****
"Ano ba 'yon?" Tanong ni camille at nag bigay si kate ng isang pagkain na nakalagay sa isang plastic container.
"Oy, kanino galing?" Nakangiti nitong tanong
"Doon sa room 35, binigay para sa pag liligtas natin sa mommy n'ya, ayon nag bigay. sarap ba nang carbonara?" Tanong nito, at tumango naman si camille.
"Doc maya pala no?, may surgery ka?" Tanong ni camille sa kanya at tumango naman si kate dito
"Oo, heart surgery. pagodan ako nito, nakaka-excite nga e" Sabi ni kate
*********
Si kate ay nasa isang sink hinuhugasan ni kate ang kanyang kamay ng maiigi, may kasama itong lalaki.
ang kasama n'ya ay ang senior doctor ng hospital, isang heart surgeon din katulad ni kate.
ng matapos na silang mag hugas ng kamay ay naunang pumasok ang lalaki, ngunit bago ito pumasok ay humarap mo na ito kay kate at sinabi na
"Goodluck" Sabi nito sa kanya at pumasok na ito sa OR at huminga ng malalim si kate at pumasok.
pag kapasok nila ay naka abang na si nurse camille na pag suot sa akin ng surgical gown at gloves.
at tsaka lumapit na ito sa pasyente, nag salita ang senior doctor at nag papa-abot ito sa nurse ng scalpel.
"Rib shears" Banggit ni kate at binigay naman ni nurse camille sa kanya, at dahan dahan nila itong binuksan.
"Clamp" Banggit ng senior doctor at binigay ng nurse ito.
Anim na oras ang tinaggal ng surgery ni kate, at naging successful naman ang kanyang unang surgery.
binati s'ya ng senior doctor at sinabi na magaling ang kanyang ginawa.
"Thank you po, sir dani de leon" Pasasalamat ni kate sa senior doctor at umalis na ito, pati si kate.
Pag kapunta ni kate sa room ay sinabi nito sa kanyang mga kaibigan ang nangyari sa kanyang first surgery at naging masaya silang apat.
"Oy kainan ba 'yang naririnig ko, sasaya n'yo e" Sabi ng nurse pag kapasok n'ya sa kwarto
"Oo, mamayang gabi, e... itong si kate successful 'yung surgery n'ya e, kaya mag ce-celebrate kami-" Sabi ni Richard sa nurse
"Sama kana, nigel. ayokong kasama 'tong si diana nakakainis lang e" Sabi nito at tumawa lang si nigel at tumaray lang si diana
"I-sama mo na din si paul" mabilisan banggit ni diana at tumingin naman sa kanya ang dalawang lalaki
"Nay, crush si paul, 'dika magiging crush non, may jowa na 'yon" Asar sa kanya ni nigel at sinabunutan naman ni diana si chris at nigel.
"Tumigil na kayo sige na, sumama kayo mamaya ha, yari kayo sa akin. maaga naman matatapos shift n'yong dalawa e" Banggit ni kate sa kanilang dalawa
"Paano mo nalaman?" tanong ni nigel sa kanya
"Tinignan ko 'yung chart 'yung schedule n'yo" Sabi nito at napa nganga nalamang si nigel
"Sige na, sige na" Sabi ni richard at pumaikot sila at nag tatalon sa saya.
*********
"Grabe kapagod 'yung surgery, pero okay lang kasi successful naman 'yon" Sabi ni kate, sila ay nasa lomihan na kinain din nila kate at diana iyon, pito silang nandoon kasama nila si camille at Paul.
"Alam n'yo -" Sabi ni diana
" 'Di dipa namin alam" Pag putol ni paul sasabihin ni diana at binato n'ya ito ng plastic
"Hindi kasi, pa-epal naman e, ilang araw palang ako dito, pero may sumusubok na nang pasensya ko" reklamo ni diana at nag salita naman si paul
"Baka kasi 'dika nila type na ikaw 'yung mag assist sa kanila" Sabi nito sa kanya at sinabi lang ni diana ay "Talaga ba?" masungit nitong tanong sa kanya at tumango naman si kate.
"Kumain na nga kayo, nag kaka-ano na kayo d'yan e" Sabi ni chris
"Wag mo ng awayin 'yang, pangit! na 'yan, bayaan mo na 'yan" Asar ni nigel kay diana at tinarayan lang s'ya ni diana. at nag patuloy sila sa pag aasaran.
"Kate si aries oh, may ka akbay na babae" Bulong ni richard kay kate at tumingin naman si kate sa kanyang kanan
"Pabayaan mo na sila" mahinang sabi ni kate kay richard
"Bakit... girlfriend ba n'ya 'yon?" Tanong ni richard at tumango naman si kate at napa *gasp* ito.
"pabayaan mona kasi humingal kapa d'yan e" Pag sabunot ni kate kay richard, dahil sa panay tingin ito.
At nang tumingin naman si kate ay napanisin s'ya ni lexi at aries at kumaway sila sa kanya at kumaway pabalik si kate.
YOU ARE READING
Beloved
Non-FictionIt's about a woman who chase her long time crush that have a girlfriend, but when his girlfriend break up with him. Kate take care of him because he is super depress when his girlfriend break up with him. But kate can't hold it anymore, she confess...