11

0 0 0
                                    


"Aries, aries, sorry hindi ko sinasadya" Sabi ni kate ng papasok na si aries sa bahay nito.

" 'Dimo sinasadya e, ayan oh, nawala na talaga ang babaeng mahal ko dahil sa kalandian mo" Galit na sabi ni aries

"Pasensya, patawarin mo ako aries, i'm so sorry, please hindi ko talaga sinasadya na ganon ang mangyari" Pilit na pag papatawad ni kate hanggang nakapasok na sila sa loob ng bahay

"Hindi ko kailangan ng sorry mo umalis kana dito sa bahay ko alis!" Sigaw nito


"Please aries, patawarin mo ako aries!" Sigaw ni kate dahil sa siniraduhan s'ya ng pinto ni aries sa kwarto nito. hanggang sa umiyak nalang ito at kinuha ang gamit at umalis na ito

    _________________________________

"Lexi, lexi please, pakinggan mo muna ako" Pag habol ni aries kay lexi pag ka labas ni lexi ng opisina n'ya ay nakita n'ya ka agad si aries na nasa gilid ng opisina n'ya may dala dalang bulaklak.

"Ano bang dapat kong pakinggan ha?, niloko moko at ano gusto mo bumalik ako sayo? para ano lokohin moko ulit ha!" Saad nito sa kanya at hinawakan ni aries ang kamay ni lexi.

"Please, kaibigan ko lang s'ya walang ano man? ang namamagitan sa amin. kahit ano kaya please pakinggan mo muna side ko bago ka mag react ng ganyan, umamin kasi s'ya sa akin na gusto n'ya daw ako. pero sinabi ko na ayoko dahil kakagaling ko palang sa break up, pero biglang tumulo luha n'ya non kaya naman hinayaan ko mo na, na yumakap s'ya sa akin" Sabi n'ya ng mahinahon kay lexi at tumingin lang sa kanya si lexi, lumuhod ito at ibinibigay nito ang dala dala n'yang bulaklak.

Nakatingin lang sa kanya si lexi at humihinga ito ng malalim, hanggang sa inalis ni lexi ang pag kakahawak nito sa kamay n'ya, dahil sa may narinig itong boses ng lalaki.

sinabi ni lexi sa kanya na umalis na ito, dahil padating ang boss n'ya, pero 'yung bulaklak ay hindi na ibigay ni aries.

kaya pumasok ito sa opisina nito at doon ay inilagay sa table n'ya at umalis na ng court of justice.

    _________________________________

"Kamusta ayos kalang?" tanong ni richard kay kate habang ito ay nasa loob ng room nila nasa taas ng kamang double deck umiiyak at sobrang daming tissue.

"Richard" Pag yakap ni kate kay Richard, habang ito ay nasa may hagdanan nakatingin sa kanya.

"Ayos lang 'yan, 'dimo kailangan mag tanga sa kanya, nandito lang kaming mga kaibigan mo" Kalmadong sabi ni richard sa kanya at tinatapik nito ang kanyang likod

Bumaba si richard at sumunod naman si kate, at pinunasan ni richard ang kanyang mga luha.

" 'wag kang umiyak, pabayaan mo na 'yon, tahan na, kain nalang tayo sa labas" Pag ngiti nito sa kanya, at tumawa naman si kate.

"Sige ba, basta-"

"Libre ko" pag putol nito sasabihin ni kate "Cam, nigel, paul, vanya, chris, diana" Pag tawag nito sa kanila at agad naman silang pumunta.

"Kain tayo mamaya sa labas, libre ko" Sabi nito at pumayag naman silang lahat

     _________________________________

"Major ito na mga hinihingi mong paper" Pag pasok ni warren sa office ni aries.

"Thank you tol" banggit ni aries sa kanya at umalis na ito at may sinabi pa si warren sa kanya.

"Pumunta dito kanina si Katherine, ah, may dalang pagkain, mag so-sorry daw s'ya sayo" Kalmado nito sabi at sinabi ni aries na pabayaan na daw iyon at umalis na si warren.

*Phone ringing*

"Hello po baby mason"

"Hello po kuya aries, dito ikaw dinner sa house?"

"Ay sorry baby pero hindi e, dito lang ako sa trabaho magiging busy kasi ako ng sobra e, sorry ha"

"Ay" malungkot nitong bigkas

"Pero sa sunday nandyan ako, d'yan ako day off ko naman non, gusto mo ba ng toys tsaka chocolate?" tanong nito at sinabi ni mason na yes ng masigla at masaya.

"Oki byebye"

"Bye, i love you miss you, ingat kayo d'yan"

"I love you too" *Call ended*

Tumingin si aries sa lero n'ya at nakita n'yang 12:30 na kaya naman ay kinuha nito ang susi ng kotse n'ya at lumabas ito at pumunta kung nasaan naka para da ang kotse n'ya.

"Good afternoon sir" masayang bati ng guard kay aries bago ito pumasok

"Teka, ikaw din 'yung waiter sa coffee shop 'diba, dalawa dalawa pala trabaho mo?" Sabi nito at sinabi nito na kailangan kumayod ng maigi

At pumunta na si aries sa counter at doon ay umorder at pag katapos nitong makuha ang order n'ya ay nag order na ito at nag lakad papalabas

" Sir, baka naman tip po, pang bili lang ng bigas" Bulong ng guard kay aries, bago ito lumabas ng restaurant at kinuha ang wallet nito sa bulsa at kumuha ng 200 hundred at binigay sa guard

"Ano bang pangalan mo?" tanong ni aries at sumagot ito na "Erwin sir, guard erwin, waiter erwin, have a good day sir" pag saludo nito at umalis na si aries, ngunit bago ito pag kalabas nito ay nakita n'ya si kate kasama ang mga kaibigan nito at nag katinginan silang dalawa.

at lumabas na si aries at pumasok na din sila pero naiwan si kate at hinabol nito si aries.

"Aries!, aries, teka lang patawarin mo 'ko, hindi ko sinasadya na makita tayo ng girlfriend mong mag ka yakap. sorry please" Kalmado nitong sabi at tumingin si aries sa kanya.

"Tigilan mo nalang ako" May pag kagalit nitong sabi

"Hindi ko kayang gawin 'yon" mahinhin nitong sabi at tinanong s'ya ng bakit?
"Ayoko hanggat 'dimoko napapatawad"

"Bahala ka sa buhay mo" Pag talikod nito at may sinabi pa si kate

"Gagawin ko ang lahat para mapatawad moko" sigaw nito.

at nag lakad na si aries at si kate naman ay tinitignan lang si aries.

sir Richard ay nasa pintuan ng restaurant at naka tingin kay kate at pag harap ni kate ay nakita n'ya si richard.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beloved Where stories live. Discover now