10

0 0 0
                                    


"Kate, kate, ketket, oy" pag gising ni aries kay kate, dahil sa natulog ito sa sofa n'ya sa living room.

"Oy, sorry if dito ako natulog" Sabi nito pag kagising n'ya.

"Ayos lang, sorry ha kasi tinaggal kona 'yung dextrose maayos nanaman kasi kalagayan ko e" Saad nito at sinabi ni kate na ayos lang iyon at pinaupo ni kate si aries at sinabi nito na mag luluto s'ya.

" 'wag na nag pa deliver na ako" pag pigil ni aries kay kate bago ito pumunta sa kitchen.

*Doorbell*

"Ayan na ata 'yan ako na mag pupunta upo ka nalang d'yan" Sabi ni aries sa kanya at pumunta ito sa lamesa at umupo doon

Pagka pasok ni aries ay nilagay n'ya sa lamesa ang inorder n'yang pagkain at doon ay kinain nilang dalawa.

"Sigurado kabang maayos na feeling mo?" tanong ni kate sa kanya

"Oo naman kasi pagka-gising ko sobrang gaan na nang feeling ko, kaya tumayo na ako" Sabi nito sa kanya at ngumiti naman si kate.

"Maganda ka" Sabi nito at tumingin sa kanya si kate, habang ito ay sumusubo ng chicken.

"Maganda ka, kaya madaming mag ka kagusto sayo" napangiti naman si kate

"Alam mo, gusto i-reto kita kay arthur?" tanong nito kay kate at biglang nawala ang ngiti ni kate.

"Hindi ayoko, kasi may gusto na ako e, 'diko nga din alam kung magiging gusto din ako" malungkot nitong sabi kay aries

"Ha?, ang tanga naman non, ganda ganda mo e" Sabi ni aries

"Hoy, 'dika tanga" sabi ni kate sa kanyang isipan

"Pabayaan mo na 'yon mare-realise n'ya din 'yon" saad nito

at biglang tumunog ang selpon ni kate at tumawag sa kanya si richard pinapunta s'ya sa hospital, emergency.

"Hatid na kita" Sabi ni aries at tumanggi si kate at nag paalam na ito at sinabi na uminom ng gamot.

          _________________________

"Anong poblema?" tanong ni kate pag ka punta nito sa hospital

"Nawawalan na ng dugo ang aorta ni princess 'yung pasyente natin, nasa may OR na, hinihintay nalang tayo doon" sabi ni richard at tumakbo ang dalawa papunta sa OR

*******

"Vanya pakilagay nga 'tong mga gamit ko sa kwarto thank you" utos nito kay nurse vanya at pumasok na silang dalawa ni richard sa OR para mag hugas ng kamay.

"Kinakabahan kaba?" tanong ni Richard kay kate at tumango ito

" 'Wag kang kabahan, sige ka kakabahan din ako" Sabi nito at ngumit si kate at pumasok na silang dalawa sa OR at nag suot sila ng gloves at surgical gown.

"Scalpel" saad ni richard at inabot iyon ni camille

"Shears" Banggit ni kate

"Clamps" - richard
"Sternum"

at tumagal nga ang surgery nilang dalawa ni kate at halos inabot ito ng seven hours dahil sa nag karoon pa ng mga problema sa loob ng OR


pag katapos nilang mag surgery ay tinapon ni kate ang mask at surgical gown at gloves. n'ya sa basurahan bago ito lumabas ng OR.


agad itong nag lakad papunta sa nurse counter at nag pabili ito ng inom kay nigel.


"Pagod na pagod kayong dalawa ni richard ha, inabot kayo ng alas tres oh" Sabi ni paul kay kate pag kaupo ni kate sa tabi nila


"Oo nga e, nagka poblema din kasi sa loob ng OR kaya matagal, pero maayos, ligtas ang pasyente" Sabi nito na humihingal pa

"Ano suko kana sa pagiging doctor?" tanong ni diana sa kanya at umiling ito at dumating na si nigel dala dala ang isang 1.5 na bottle water at ininom iyon ni kate.

"Ganyan talaga buhay doctor, kaya sabayan nalang" sabi ni paul

"Gumaganyan kang monggoloyd ka ha" pagbatok ni diana kay paul at si paul naman ay pa amba ng suntok

"Alam n'yo tama si nigel, bagay kayo" sabi ni vanya at nag ew parehas si paul at diana

"Wow ha, hiyang hiya ako sayo" bigkas nila parehas at tumawa nalang ang mga kaibigan nila

      _________________________________

"Lexi, gusto mo 'kong makausap?" tanong ni aries kay lexi pagka dating nito sa coffee shop at pinaupo s'ya ni lexi

"Aries, i want you to know na hindi na ako makikipag balikan, sorry to say but it's the truth e, never na akong babalik sayo kaya please tumigil kana sa kakatawag at text at chat mo sa akin" mahinahong sabi ni lexi.

"Pero lexi-" malungkot na bigkas nito

"No, no. no na aries masakit ang sinigawan mo ako, nangako ka sa akin na, hindi mo ako sisigawan dahil sa mahal na mahal mo ako, pero you didn't do it" Sabi nito at hinawakan ni aries ang mga kamay ni lexi

"Please lexi, hon' ayokong mawala ka sa akin, mahal na mahal kita pangako ko na babawi ako sa mga mistake ko sayo gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang mag kabalikan tayong dalawa" kalmado nitong sabi at nag paalam na ito.

"Sir bago po kayo mag drama paki bayaran po 'yung bill n'yo" Sabi ng waiter kay aries

"Teka, hindi nga ako sumubo d'yan e, kakarating ko palang e" Angal ni aries

"E sir 'diko na nahabol e, bayaran n'yo nalang sir"

"Lakas ng amats nito, unang labas ko magugutom na ulit wallet ko" bulong nito,

"Sir, baka pwedeng mag bigay nadin kayo ng tip, please po" sabi nito at napatingin naman sa kanya si aries

"Oh tip mo, i-uwi mo nalang 'yang pagkain, aalis na ako, thank you"

"Come again sir" sabi nito at tumingin sa kanya si aries at ngumiti ito

           ______________________

"Oh kate" Banggit ni aries ng pangalan ni kate pag ka dating nito sa bahay nito at nakapatay ang ilaw, dahil sa matutulog na ito at biglang yumakap sa kanya si kate.

"Bakit may masama bang nangyari sayo?" tanong nito

"Aries" mahina nitong sabi at sumagot ito ng "oh"

"Sorry kung sasabihin ko sayo 'to, pero kasi matagal ko nang gustong sabihin sayo na gusto kita, matagal na kitang gusto matagal na kitang hinihintay e. simula no'ng high-school palang ako gusto na kita at ayaw na kitang mawala"

"Kate, Kakagaling ko palang sa break up, kate sorry pero friends lang tayo e. sorry to say that pero ayon kasi nakikita ko para sa ating dalawa"

Habang niyayakap parin s'ya ni kate ay bigla namang binuksan ni lexi ang pintuan at nakita n'ya si aries at kate na magka yakap.

nanlaki ang mga mata ni aries at nag lakad si lexi at tinulak ni aries si kate papalayo sa kanya..

"Lex, lex, mag papaliwanag ako" paghabol nito sa kanya at sinampal s'ya ni lexi

"All this day niloloko moko ha, sira ulo ka" galit nitong sabi

"Lex, hindi totoo 'yan, mahal kita, hinding hindi kita lolokohin"

"Ayon oh kitang kita ang ebidensya may kayakap ka" Sabi nito at pag sampal nito ulit sa kanya

"Niyakap n'ya ako, dahil may hindi magandang nangyari sa kanya, pero wala kaming malesiya lex, please" sabi. nito at sumakay sa kotse si lexi at nag drive ito papalayo ng hahabulin sana ito ni aries ngunit huli na ang lahat.

"Sh!t" Sigaw nito at pag bato nito sa napulot n'yang bato at napatingin ito kay kate na nakatingin sa kanya.

Beloved Where stories live. Discover now