"Hon', sa'n punta mo?" tanong ni aries kay lexi, dahil sa bihis na bihis ito at naka makeup, habang ito ay nasa tapat ng salamin nag li-lipstick ito. sa may living room nila.
"Gagala kami nila jessy, stella, lizzie, olive, 'diko pala na sabi sayo na niyaya nila ako gala daw kami matagal na daw kaming 'di nag bo-bonding e" Sabi nito at tumingin si aries sa orasan.
"Pero alas dose na ng umaga, saan ba kayo gagala?" tanong nito at sinabi nito na mag cla-club sila.
"Ha?, pero hon' hindi kapo nag sabi sa akin na mag cla-club po kayo, tsaka sabihin mo wag kang sumama kasi anong oras na e, tas ganyan pa suot mo" Sabi nito at umirap naman si lexi sa kanya
"Hon' pag aawayan nanaman po ba natin 'to?" tanong ni lexi sa kanya at lumapit ito at niyakap s'ya.
"Please po love, pleaseeee... sige na po payag kana po, please, ngayon nanaman po kami nag kasama samang mga girls best friend e" magpapa-cute nitong boses para s'ya ay payagan.
"Sige basta ingat ka ha, tas uwi ka ng mga two, basta umuwi ka ng safe ka, 'yun lang I love you" Sabi nito at ngumiti si lexi at kiniss s'ya nito at nag paalam na ito.
"Hon' 'yung susi ng kotse mo" Pasigaw nitong sabi ngunit huli na, dahil sa nakalabas na ito ng bahay pag ka sabi nito.
Nag punta na ng kwarto si aries at doon ay natulog na ito, biglang nagising si aries, at tinignan nito ang oras at 2:30 na ng madaling araw pero wala parin ang girlfriend n'ya.
Sobrang nag aalala si aries, dahil sa baka anong nangyari sa kanya paulit ulit nitong tinatawagan ang kanyang selpon pero hindi ito sumasagot.
nakita ni aries ang story ng isa n'yang kaibigan babae at doon ay nakita n'ya na nag iinuman sila at napalunok naman ng laway si aries, dahil sa mga picture na nakita n'ya.
at biglang bumukas ang pinto at nakita n'ya ang kanyang gf na sobrang pawis na pawis at antok na antok ito, lasing na lasing pa.
"Honey oy, hon' okay kalang ba?" tanong nito, pag ka bagsak nito sa kama at hindi ito sumasagot kaya naman ay tinanggal ni aries ang heels ni lexi at ang suot suot n'yang malaking earrings at pinunasan nito ito ng maligamgam na tubig.
_______________________
" Doc alam mo ba na, malapit na palang umuwi 'yung, na cardiac surgery natin, ilang taon palang 'yon no? pero malakas na no?" Sabi ni camille habang sila ay nasa nurse counter.
"Oo, nasabi na sa akin ni richard 'yon good na 'yon para makasama n'ya, family n'ya 'diba?" Sabi nito habang tinitignan ang chart ng mga patient n'ya.
"Oo naman po doc, ay doc nakita ko story nong jessy follower ko kasi 'yung kaibigan nila lexi tsaka aries, nakita kona nag pa-party pala 'yung girlfriend n'ya" Pag papakita ni camille kay kate at nanlaki ang mga mata nito, dahil sa nakita n'ya.
"Wow ha, kala ko naman mahinhin s'ya kasi, kong mag damit s'ya kapag umaalis naka dress palagi e, 'diba?, pero bayaan mo na its her body naman e, hindi tayo pwedeng mang judge "sambit ni kate kay camillie
"E ayan doc, pwede ba 'yang laitin?" tanong ni camille kay kate, pag ka kita nito kay paul.
"All yours" Sambit ni kate at umalis na ito
______________________
"Hon' sa'n punta natin?" tanong ni aries kay lexi, pagka dating nito, galing trabaho
"Mag cla-club kami ulit nila lizzie, kasama ko parin ang mga girlsclub" masaya nitong banggit.
"Pero kaka-club n'yo lang kagabi ah" Sabi ni aries at lumapit ito sa kanya
"Pero kasi alam mo namang ilang years kaming 'di nag kita kita, puro mga boys best friend mo mga nakikita ko e, syempre miss ko din mga kaibigan ko" Habang ito ay nag lalagay ng lipstick
"12 talaga aalis ka?,'di n'yo ba pwedeng gawing mga 7 pm?" Sabi ni aries at umiling ito at kiniss ni lexi si aries at umalis na ito.
"Hay nako, lex-lex nga naman, ingat ikaw, i love you" Mahina nitong sabi at umakyat na ito
Nag aayos ito ng mga papel, para sa kanyang trabaho at inabot na ito ng antok sa kaka-trabaho.
"Kate anong oras tapos ng shift mo?" tanong ni richard kay kate habang ito ay nasa may loob ng room, nakaupo.
"Malapit na, wala nanamang mga surgery sa heart 'diba?" tanong nito sa kanya at sinabi nitong oo
"Hay salamat makakapag pahinga na din tayo, dapat pala nag pharmacy nalang tayo e" at ngumiti naman si kate at sinabi nito na hindi ito bibili sa kanya ng gamot, baka lagyan n'ya ng kung ano ano at tumawa lang si richard.
"Uwi na ako richard" Pag papaalam nito at sinabi ni richard na mag iingat s'ya at nagulat si kate sa lakas ng hilik ni richard at lumabas na ito ka agad ng kwarto at nag lakad.
Naglalakad lang si kate pauwi ng apartment n'ya, dahil gusto n'yang makatipid, dahil ito ay nag iipon ng pera para sa gusto n'yang bilhin na sasakyan.
Habang nag lalakad ito ay nakadaan ito sa isang club na sikat na sikat sa lugar doon, at habang nag lalakad ito ay napahinto ito at parang may nakita itong pamilyar na babae, hindi makita ng maayos dahil hindi nito dala ang kanyang salamin.
kaya nag patuloy ito sa pag lalakad.
__________________________
Si aries ay nakatulog sa kanyang table at nagising ito, dahil sa pag tunog ng selpon n'ya.
tinignan n'ya iyon at wala lang pala text lang pala sa load n'ya.
lumipat ito sa kama at napansin n'yang 2 o'clock na at wala parin ang girlfriend n'ya, nag aalala ng husto si aries at hindi ito mapakali kaya naman ay kinuha nito ang kanyang jacket at kinuha ang cellphone at susi nito ng sasakyan.
Habang nag dra-drive si aries ay naalala n'ya ang club na madalas nilang puntahan na mga babae kaya naman ay binilisan nito ang kanyang pag dra-drive.
Pag kadating nito ay agad agad itong pumasok sa loob, at agad na hinanap si lexi pumunta ito sa taas at nakita n'ya ang isang lalaking humahawak sa bewang ni lexi at hinahalikan ang leeg nito kaya naman ay agad agad na pumunta doon si aries at sinuntok ang lalaki.
"Aries?... ginagawa mo dito?" tanong sa kanya ni lexi pag kasuntok nito sa lalaki at hinila ni aries si lexi papalabas ng club.
"Bitawan mo nga ako!, ano ba?!" sigaw nito sa kanya, pagka labas nila
"Bakit ganon nangyayari do'n ha?, bakit mo hinahayaang ganon ka nanglalaking 'yon?!" Galit nitong tanong sa kanya
"Kaibigan ko lang 'yon, okay?" sabi nito
"Kaibigan mo lang 'yon?!, grabeng pag kakaibigan na 'yan may pahalik pa sa leeg tas pag hawak sa bewang kaibigan lang daw"
"Hindi mo ba ako pwedeng bigyan man lang ng freedom sa buhay ko ha, lahat nalang pinag babawalan mo e"
"Ayoko lang na makita nila katawan mo, alam kong red flag 'yung ganon pero gusto lang kitang protektahan"
"Protekta kaya kong alagaan sarili ko hindi ako nine years old para alagaan mo ha!"
"Mahal kita, hon'"
"Mahal?, mahal ba 'yung 'dimo ko binibigyan ng oras? puro sa trabaho ka nalang mo nakatutok!"
"Tsk, lexi... araw araw gabi gabi kita binibigyan ng oras, halos 'yung trabaho kona nga nakakalimutan ko e, ikaw lagi kang nasa isip ko, ikaw ang kinakalimutan ako"
"Oh come on, tigilan mo na ako sa mga alibi mo, naiinis lang ako sayo, umuwi kana doon nalang tayo sa bahay mo mag usap"
"lex-"
"Umuwi kana!"
YOU ARE READING
Beloved
Non-FictionIt's about a woman who chase her long time crush that have a girlfriend, but when his girlfriend break up with him. Kate take care of him because he is super depress when his girlfriend break up with him. But kate can't hold it anymore, she confess...