05

0 0 0
                                    


Habang nasa may kwarto si kate nakaupo at nakapatay ang ilaw sa loob, at tanging ilaw lang sa labas ng bintana ang liwanag.

Nakatingala lang ito sa ceiling at nakapikit ang mga mata nito ng biglang...

"Oy kate!" malakas na pag tawag ni aries kay kate, pag bukas nito ng pintuan at nagulat naman si kate.

"Ano bang ginagawa mo dito?" mahingal hingal na tanong ni Kate kay aries.

"E nandito na din naman 'yung tropa kong na-injure 'yung kanang braso, nabagsakan e. sa trabaho namin e sakto madami 'tong nabili nilang pagkain kaya. ito ibibigay ko sayo
'yung pagkain" Sabi ni aries at binigay nito kay kate ang pagkain at umupo ito sa kama sa malapit sa tabi ni kate.

"Thank you ha, bait mo naman major Gonzales" Sabi nito at tumawa lang si aries sa sinabi n'ya.

"Wala kang pinag bago, maliit at makulit kaparin" asar ni aries sa kanya at binato lang s'ya ni kate ng plastic.

"Kamusta ba buhay sundalo?" tanong ni kate sa kanya.


"Ayos lang naman, nakasama na ako sa mga laban laban, delikado man trabaho ko pero ayos lang maganda naman kasi natupad kona pangarap ko" sabi ni aries at ngumiti ito


"Uh, sikat na sikat na daw company n'yo ah" sabi nito habang kumakain

"Oo, pang top 50 sa list ang company namin, maganda kasi mag pa-takbo si daddy tsaka mga kapatid n'ya" kalmado nitong sabi




"Edi magiging future owner kapala ng company n'yo?" Tanong nito at umiling si aries




"Hindi ah, kasi tinanong nadin ako ni daddy if gusto ko?, sabi ko ayoko kasi focus lang ako sa trabaho ko bilang sundalo . malaki nanaman mga ipon ko tsaka alam mo ba na Kahit na may trabaho na ako binibigyan parin ako ni daddy tsaka mommy. tinatanggihan ko nga mga binibigay n'ya e, pero pinipilit n'ya parin" sabi nito at nilapit ni kate ang kanyang upuan sa tabi ni aries.



"Wow ha!, bait talaga ng daddy mo" sabi nito na may ngiti


"Oo naman kasi mahilig tumulong si daddy sa mga mahihirap at mga charity kaya ganon. swerte s'ya, swerte din kami sa kanya" Banggit nito sa kanya at biglang nawala ang ngiti ni kate ng tanongin s'ya nito about if meron s'yang boyfriend.





"Wala ah, kahit manliligaw nga e, wala ako" Sabi ni kate at sinabi ni aries na
"Wehh?"




"Imposible naman 'yon, ganda ganda mo nerdy kalang kasi nong elementary, high school. pero nag glow up ka no'ng mag college ka" Sabi nito at kinaltukan


" 'Wag mokong lokohin d'yan ries-ries ha" Sabi ni aries palayaw ni aries, at pang asar din n'ya iyon sa kanya



"Hindi ka naman niloloko totoo naman sinasabi ko, honest ako oy" Saad nito at umirap lang si kate sa kanya.


"Alam mo sigurado akong may manliligaw sayo, malay mo nasa tabi tabi mo lang 'yon" sabi nito at bumulong naman si kate.



"Sana ikaw manligaw sa akin, ba't ka kasi late dumating?" Bulong nito, papalayo ang kanyang muka kay aries.



"May sinasabi ka?" tanong ni kate at umiling naman si kate sa kanya.




"Maganda ang mga libro mo ah, 'di talaga lumalayo sayo 'yan no?, kaya ka matalino e" Saad nito habang tinitignan ang mga libro ni kate sa kanyang desk




"Kamusta ba maging girlfriend si lexi?" Tanong ni kate at ngumisi naman si aries




"Sobrang sweet n'yang mag mahal, nag bibigay s'ya ng care sa akin, tsaka sobrang mahal n'ya ako tsaka ako syempre mahal ko s'ya, feel ko magiging kami na, mag asawa na kami" masaya nitong sabi sa kanya.




"Stay strong sa relationship n'yong dalawa, sa mas mag tagal pa kayo" Kalmado nitong sabi at biglang tumunog ang cellphone ni aries, at sinabi nito na nag text ang kanyang girlfriend na nasa may bahay daw s'ya nito.




kaya naman ay agad agad na itong umalis at nag paalam kay kate, nag thank you naman si kate sa binigay nitong food sa kanya.






Napalungkot ang muka ni kate at bumalik ito sa desk at nilapag ang pagkain sa kanyang table at tumingala sa ceiling at bumuntong hininga at sinabi nito sa sarili na wala na talaga s'yang pag asa na maging silang dalawa, dahil sa mahal na mahal n'ya ang kanyang girlfriend.

Beloved Where stories live. Discover now