02

0 0 0
                                    

Isang magandang araw ang sumalubong sa akin, dahil sa ako ay makakapag trabaho na bilang isang doctor. sa isang malaking pinaka sikat na hospital sa Pilipinas.

kaya naman ay agad agad na pumunta si kate sa hospital na kanyang pag tra-trabahohan at bago ito pumasok ay binati nito ang guard.

"Sobrang saya ng feeling ko today, na isa na akong doctor, makakapag surgery na ako!" Sabi ni kate sa kanyang sarili.

Pumunta si kate sa nurse counter at sinabi nito ang kanyang pangalan at agad agad namang pinunta s'ya ng nurse sa kanyang kwarto.

"Kate!, kate!" Sigaw ni Richard sa kanya, hindi naririnig ni kate iyon dahil kinakausap s'ya ng nurse habang sila ay nag lalakad.

Nakarating na sila sa room ni kate at doon ay nag paalam na ang nurse sa kanya at nag pasalamat naman si kate.

pag kapasok ni kate ay nakita n'ya ang kwarto na may mga gamit na sa mga kama nito, merong dalawang double deck na kama na mag katabi lang.

"Grabe ha, sino kaya mga naka ano na dito?" Tanong nito sa kanyang sarili at biglang pumasok si richard at nagulat si kate.

"Hoy!. Richard!," Masayang sabi ni kate at lumapit ito at tumalon ang dalawa sa sobrang saya.

"Hindi ka nag sabi na dito ka pala mag a-apply ng trabaho" Sabi ni kate at napa ngisi lang si richard

"Sorry naman, dito din sila diana tsaka chris" Sabi nito sa kanya at napangiti naman si kate sa nalaman n'ya.

"Nasaan sila?" tanong nito

"Nasa may labas, bumili nang pagkain. pabalik na din 'yun, sigurado" at biglang bumukas ang pinto at nakita ni kate si diana at Chris at napasigaw ang dalawang babae at tumalon sa saya at nag yakap.

"Kala koba sa ibang hospital ka, ha! diana" Sabi nito sa kanya

"Oo nga e, nalaman kong dito 'tong dalawang 'to kaya dito na ako nag apply, ikaw kala koba mag i-ibang bansa ka?" sabi nito sa kanya at umiling si kate

"Ayoko e, tanggap naman ako pero kasi... alam mo naman kung bakit ako bumalik 'diba?" bulong nito sa kanya at tumango naman si diana

"Itong dalawang 'to ayaw i-paalam mga sinasabi nila, o-oa" sabi ni chris sa kanilang dalawa at tumingin lang si diana at kate sa kanila.

"Nakapag surgery naba kayo?" Tanong ni kate

"Oo, pero. isang beses palang naman, magaling mga doctor dito, mga next next year daw may pupunta ditong doctor. ahm... lilipat galing ibang bansa" Sabi ni chris at ngumiti naman si kate sa narinig n'ya.

at nag yakapan ang apat na mag ka-kaibigan, at tumalon ito nag pabilog,sobrang tuwang tuwa sila dahil nag kita na sila.

*********

Si aries ay nasa court room nanonood, pinapakinggan at sinisiyasat nito ang kanilang ginagawa.

pero biglang pumasok ang isang guard at lumapit kay aries at sinabi nito na kailangan n'yang lumabas, dahil sa may gustong kumausap sa kanya.

at lumabas naman ito ka agad...

"Oy, kate nandito kapala, kala koba sa ibang bansa ka mag tra-trabaho..." Sabi nito

"Oo nga e, kaso kasi mas gusto ko pala dito kasi nandito mga kaibigan ko tsaka family ko. ikaw ginagawa mo dito?, nandito ako kasi pinuntahan ko lawyer kong kaibigan, nong high school ako" sabi nito sa kanya

"Ah, nanonood lang ako ng case dito. ganda nga e" Sabi n'ya at ngumiti naman si kate

"Sobrang pogi mo d'yan sa suot mo ha, bagay na bagay sayo 'yan" At nag pasalamat naman si aries, dahil sa sinabi n'ya at biglang lumabas mga tao sa korte at gumilid naman si kate at aries.

"Tapos na pala, daming tao ah. oy honey!" pag tawag ni aries sa isang babaeng lawyer at lumapit ito ka agad, at niyakap n'ya ito na co-confuse naman si kate kaya lumapit ito sa kanila.

"Ah! oo nga pala, honey si kate, dati kong kapitbahay nong bata pa ako, kate si lexi. lexi angeles, attorney din girlfriend" pag papakilala ni aries sa kanyang girlfriend

"Nice to meet you, ikaw ba si... doctor Katherine emilia lopez, 'yung bagong doctor sa san jose st lorenz" Sabi nito

"Ah... yes!. ako nga, bakit?" tanong nito

"Kasi ang kaibigan namin ni aries e, s'ya 'yung parang chief s'ya ng buong hospital pero iba naman 'yung doctor of chief kasi sa mga doctor lang s'ya chief, ayun lang naman..." Sabi nito at ngumiti naman si kate at nag paalam si aries na aalis na silang dalawa at nag paalam na din si kate.

"Ay, meron na pala" Malungkot na sabi ni kate, habang nakikita n'ya si aries at lexi na mag kahawak sa kanilang bewang habang naglalakad at mas nalungkot ito ng makita n'yang nag kiss ito.

"Oh my god, i can't, i can't do this anymore, alis na nga ako" Sabi nito at nag lakad na ito

**********

"Ibig mong sabihin is may girlfriend s'ya?" Sabi ni diana sa kanya habang sila ay nasa isang lomihan, kumakain.

"Kakasabi lang day ano nakalimutan ka agad?" Sabi naman nito sa kanya

"Pero so... wala na palang chance?, chance. inyong dalawa?" tanong nito sa kanya

"Parang ganon na nga" Lungkot nitong sabi sa kanya

"Okay lang yan bes' madami pang lalaki d'yang, baka mamaya sila pala talaga meant to be sayo 'diba?" Sumangayon naman ito at sinabi ni kate na kumain na silang dalawa.

"Ganda ng skirt mo 'te ha, sa'n mo bili?" Tanong ni diana, dahil sa nakasuot si kate ng mahabang skirt na kulay peach na skirt, at kulay pink na skirt at white na cardigan

"Regalo sa akin ni mama, no'ng pasko 'to e, ganda no?" Tumango naman si diana, sa tanong ni kate sa kanya at nag patuloy sila sa pag kakain nila.

Beloved Where stories live. Discover now