Chapter 1

122 1 0
                                    

Ang umaga ay malamig, pero ramdam ni Avery Clarke ang init ng excitement habang nakatayo sa harap ng Skyline Innovations. Ang iconic na glass tower ay parang simbolo ng lahat ng pangarap niya-malaki, mataas, at abot-kamay na. Ito ang unang araw niya bilang junior architect sa isa sa pinakaprestihiyosong design firms sa bansa.

Sa pagpasok niya sa lobby, hindi niya mapigilang mapanganga. Moderno ang disenyo ng loob, puno ng marmol, salamin, at bakal na nagre-reflect ng mga ilaw mula sa kisame. Mga taong naka-power suits ang naglalakad sa paligid, mukhang abala sa kanilang trabaho.

Pero isang tao ang nakaagaw ng pansin niya.

Nasa dulo ng lobby, nakatayo si Ethan Harper-ang CEO ng Skyline Innovations.

Sa litrato pa lang, alam niyang intimidating na ang presensya nito, pero mas nakakatuliro ito sa personal. Matangkad, broad-shouldered, at naka-tailored suit na mukhang ginawa lang para sa kanya. Pero higit sa lahat, ang mga mata nito-malalim, malamig, at mapanuri. Para bang kaya nitong basahin ang kaluluwa mo.

Nagtagpo ang kanilang mga mata, at parang tumigil ang oras. Tila nawalan ng ingay ang paligid, at para kay Avery, tanging si Ethan na lang ang naroon.

Naalimpungatan siya nang bumukas ang elevator. Mabilis niyang tinungo ito, pilit iniiwasan ang titig ng lalaki. Sa loob ng elevator, hinaplos niya ang dibdib, pakiramdam niya ay parang may kumukulong kaba sa loob.

"Okay, Avery. Focus," bulong niya sa sarili. "Trabaho ito, hindi pelikula."

---

Pagdating sa ikalabindalawang palapag, sinalubong siya ng kanyang supervisor para bigyan ng orientation. Inikot siya sa opisina, ipinakilala sa mga team members, at ipinaliwanag ang unang proyekto niya. Pero kahit gaano kaganda ang opisina o ka-interesante ang trabaho, hindi mawala sa isip niya ang paraan ng pagtitig ni Ethan. Parang sinasabi nito, ikaw ang akin.

Lumipas ang ilang oras, at nahanap na rin niya ang pagkakataong huminga nang maluwag. Nakaupo siya sa kanyang mesa, pinapakiramdaman ang bigat ng unang araw, nang tumunog ang kanyang telepono.

"Ms. Clarke," ani ng boses sa kabilang linya, malamig at propesyonal. "CEO Harper would like to see you in his office."

Natigilan siya. "Me? Are you sure?" tanong niya, pero alam niyang walang mali. Si Ethan Harper mismo ang nagpaabot ng mensahe.

"Yes, ma'am. Please proceed to the top floor."

Napalunok siya at nagmadaling tumayo. Bakit kaya ako pinapatawag ng CEO?

---

Habang papunta sa opisina ng CEO, hindi niya mapigilang kabahan. Sa bawat hakbang, tila lumalakas ang tibok ng kanyang puso. Nang buksan niya ang pinto ng opisina ni Ethan, nakita niya ito na nakaupo sa likod ng isang eleganteng mesa, ang skyline ng lungsod na nasa likod niya.

"Ms. Clarke," bungad ni Ethan, ang tinig nito ay mababa at puno ng awtoridad. Tumayo ito, ang mga mata'y hindi nawawala sa kanya. "I've been watching you."

Napasinghap si Avery. "Watching me, sir?" tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili.

Lumapit si Ethan sa kanya, ang presensya nito ay halos bumalot sa buong kwarto. Ang bawat hakbang niya ay parang nagbibigay ng tensyon na hindi niya maintindihan.

"Yes," ani Ethan, ang mga mata nito ay matalim, pero may nakatagong init. "You don't belong here with the others. You stand out... and I don't like sharing what's mine."

Namula si Avery, hindi sigurado kung paano sasagutin iyon. Pero bago siya makapagsalita, naramdaman niya ang init ng kamay nito nang bahagyang hawakan ang kanyang braso.

BEHIND THE GLASS TOWERWhere stories live. Discover now