01

90 3 0
                                    

╰┈➤

Warning: Cliche, maraming mura, loop holes, grammatically incorrect so if hindi niyo bet you can try another story na magugustuhan niyo. 🥹🩷

Not edited.

---

                                                                                                 CHAPTER 1

                          Quiz Bee
               ୨ৎ ────୨ৎ────୨ৎ

While we were eating in the cafeteria kanina pa ang daming chika nitong si shannon. Para bang hindi siya na-u-ubusan ng topic, walang pause sa pagsasalita. Ka uri ata niya 'yung mga parrot.

"Oh?, anong meron doon kay Alejandro?" bored na bored kong pagtatanong, basta't mag tigil lang ito sa pangungulit.

Lumapit siya at bumulong. "May natitipuhan daw, pero guess what? lalaki iyong nagugustuhan niya. Malayong malayo sa mga tipo niya noon. 'Yung cutie pie ng abm na president ng sslg, iyon ang gusto niya." gago talaga ito, baka mamaya mema lang ito.

Napakunot ang noo ko. "Baka mamaya fake news ka, gawa gawa ng storya."

"Gago ka, totoo nga pre. Usap usapan nga iyan ngayon sa buong ABM."

"STEM tayo kaya paano mo nasagap iyan?." kasi impossible naman na kumalat agad agad iyon ng ganun kabilis.

"Wala, may source lang ako." at umiwas ng tingin, tina-try ko pang habulin ang mga mata niya pero sadyang umiiwas siya.

"Tara na nga, malalate na tayo" pang-a-akay niya sa akin.

------

Pagkapasok pa lang namin tumambad na sa aking harapan si beau, ang president namin. "Jax, no choice kasi kami. Kanina kasi pumunta si ma'am basco para hingin iyong list ng ilalaban per section sa quiz bee. Tapos, napag desisyonan namin na ikaw iyong ilalaban; tsaka iyong transfery. Sana, hindi ka magalit sa amin." kumamot pa sa batok niya.

Ito iyong part na ayaw ko, lagi nalang akong ibinibida at pinanglalaban. Nakaka pressure rin kaya. "Sige ba, may plus points ba raw sabi ni ma'am?" syempre kung wala edi mag ba-backout ako, sayang naman ang effort ko.

"Oo plus 3 daw sa card, matik" shet, bigla akong ginanahan.

"Kailan ba raw?" para naman makapag review pa ako, hindi ako lalaban ng wala bala noh.

Biglang kinabahan si beau, pakiramdam ko alam ko na ito. "Ah..hehe.. mamaya raw 1 PM" tangina, may oras pa ba ako mag review nito?, halos 30 minutes nalang ang meron ako.

Aalis na sana ako nang ma alalang hindi ko alam ang subject ng quiz na sinalihan ko. "Wait, beau! Anong subject pala?"

"General knowledge raw pre, good luck! Ipanalo mo section natin! Mas boto ako sa iyo kaysa kay kairo. Sige una na ako." nag peace sign pa sa akin.

Ano ba iyan! general knowledge pa, huwag na mag review hindi ko naman alam kung anong lalabas. Huwag nalang at intayin ko nalang mag quiz bee.

--------

Habang tumitingin sa kalaban, wala pa akong gaanong nakikitang magiging threat sa akin. Pero doon pala ako nagkakamali, dahil may isang lalaking tipong hindi kinakabahan, chill lang sa gedli. Si transfery.

Midnight Rain (Moon Struck Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon