Not edited.
--------
CHAPTER 7
Jealousy Strikes
୨ৎ ────୨ৎ──── ୨ৎMay program ngayon sa school at isa ako sa nag o-organize dito. Sa sobrang people pleaser ko hindi ko na tanggihan si anggie sa alok niya. Paano ko ba naman ma re-resist sa kakausapin daw niya si maam for plus points. Sino ba naman ako para tumanggi diba?
Stress na nga ulit sa acads dinagdagan ko pa ang paghihirap ko. That's fine magkakaroon naman ako ng extra point, isipin ko nalang na magiging worth it lahat nang ito kapag natapos na.
Hindi ko pa pala nakakausap si kairo about sa project namin, pota ayaw ko nga mag first move, siya naman dapat. Tsaka last na pagkikita namin is doon sa La Union, iyong may kasama siyang babae.
Inuna niya pa iyong babae niya kaysa sa project namin, parang walang on-going na peta parang wala tuloy siyang pake sa grades namin. Kung siya walang balak tumaas grades, pwes ako gusto ko dahil malalagot ako kina mommy.
Hindi manlang niya ako ma approach approach, sarap niyang suntukin sa mukha. Makita ko lang siya mamaya madadagukan ko siya.
Anyways nag aayos kami dito sa booth, per section kasi may sariling booth from grade 7-10. Pa taasan din ng income, ang mananalo raw makakatanggap ng medal and ng plus points sa mismong gradfe sa buong subjects. Kaya naman lahat ay palong palo kumuha ng mga customers at magbenta.
Ang booth namin 'yung keychains, pins pwedeng naka customize, and also milktea. Mayaman kasi 'tong mga ulupong kong classmates. Ang dami na nga agad naming customers dahil iyung iba ginagamit fame nila. Mga mang gagamit, joke!
Ang nag ma-manage ng mga keychains sila Eva. Sa pins naman sila shannon and James kasi diyan sila mahilig. Kami naman ni beau and sila kairo, obviously na punta sa amin ang natira which means sa drinks.
Maalam naman ako kahit pa-paano gumawa ng drinks kaya dito na ako naka assigned. Ayaw ko rin ma stress sa pakikipagusap sa mga buyers, bahala sila.
Iyong iba naman dito hindi talaga balak bumili pero napapabili nandito ba naman mga crushiecakes nila, mga korny ang oat.
Nasusura ako dine kay kairo, nagpapansin na naman sa mga babae rito. Ang agenda namin dito magbenta para sa grades namin pero siya palong palong lumandi. Makati talaga itong gatas na ito kahit kailan talaga, parang nung nakaraang mga linggo iyong babae sa elyu na mukhang hagad ngayon iba na naman ang hinaharot.
Mga fuckboys talaga, kahit sino nalang talaga. May lumapit na babae papunta sa amin. "Hi, Jax! pa order ako one michatto and chocolate flavour of milktea." Ngumiti pa siya sa akin at biglang kindat. Gusto ko sanang patulan kaso wala ako sa mood kaya huwag na lang.
Pero patuloy pa rin sa pang lalandi iyong babae sa akin gusto ko na nga ingubngob pero hinahabaan ko nalang pasensya ko. Bigla siyang dumungaw sa akin at kamuntikan pa akong mahalikan hindi natuloy iyon dahil sa lakas ng pagbangga sa kaniya ni kairo.
Gago, halos tumalsik na iyong babae, hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano. Pero dahil sa ginagawa ni kairo umalis na siguro nahiya na sya. Bakit naman kasi siya ang nag fi-first move at insist. Ayaw ko pa naman sa ganoon.
''Alam mo hindi oras nang landian ngayon, pwede namang mamaya na iyon; ano hindi lang makapag antay?" Sacastic pa, gago ito hindi ko nga ine-entertain, sya nga itong landi nang landi sa iba.
"Baka ikaw, nung nasa elyu kapa ganoon tapos ngayon iba na naman. Ganyan mo ba itrato mga babae, fuckboy ka lang?" pang aasar ko rito.
Umirap siya at napa singhap. "Hindi ko babae si mika, actually pinsan ko siya. Ang dumi mo mag isip tsaka iyong kanina ano kanina mo pa rin ako tinitingnan ano? Nahulog ka na ba sa'kin?" tumigil bigla si Kairo, sabay ngisi na parang sinadya talaga na iritahin ako.
"Tanga! Walang ganun hindi ako bakla at kung oo hindi ako papatol sa iyo mataas kaya standards ko. Siguro ikaw, feeling mo siguro gwapo ka nakakasura nga iyang pagmumukha mo mas gugustuhin ko pang hindi ka makita," sagot ko habang inaayos ang mga cups sa tabi. Naiinis na talaga ako sa kanya pa epsi kasi, halong halong emosyon talaga nararamdaman ko pagkasama at magkalapit kami.
"Feeling ko? Eh kanina pa kitang nakikita na palihim ang tingin mo sa akin habang nagbebenta ka ng drinks. Aminin mo na nasa akin atensyon mo kahit iba nasa harapan mo." Ang hangin talaga nito kahit kailan.
Napahinto ako, nilagay ko 'yung milktea na hawak ko sa counter at tumingin sa kanya nang diretso. "Anong aaminin ko? Pucha, napaka assuming mo sa tingin mo papatol ako sa iyo? No way boy!"
Tumawa siya nang malakas at halos mabilaukan pa sa kakatawa. "Grabe ka naman magsalita, Jax. Sige na, sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin. Tanggap naman kita kahit gusto mo ako, pramis," sabay wink sa akin.
"Shut up, Kairo," inirapan ko siya, pero na-realize kong ang lakas ng tibok ng puso ko. Ayoko, ayokong bigyan ng meaning 'tong trip niya.
Biglang may sumigaw sa side namin. "Uy, drinks! Pa-order naman dito!" Siguro mga tatlong girls 'yon, lahat halos sabik na sabik. Napansin kong ang isa sa kanila, panay ang titig kay Kairo. Napansin niya rin kaya agad siyang lumapit.
"O, anong order niyo? Ako na bahala, ladies," sabi niya, sabay ngiti. Mabilis na nagkagulo sa order pero ang totoo, parang wala silang pakialam sa drinks-si Kairo lang ang gusto nila.
Napapailing na lang ako sa gilid, pero hindi ko rin naiwasang sumimangot. Ewan ko ba, pero bakit parang nakakairita?
Habang busy siya sa pag-aasikaso sa mga girls, bigla siyang lumingon sa akin. Nagtagpo 'yung mga mata namin. Sa gitna ng gulo at kalokohan, may kung anong bigat sa tingin niya na parang gusto niyang may sabihin.
"Jax," tawag niya nang mahinahon.
"Ano?" sagot ko, pilit na kinukontrol ang tono ng boses ko para hindi mahalata na naguguluhan ako.
"Hindi ako fuckboy."
Nagulat ako sa sinabi niya. Sa lahat ng banat niya kanina, bakit bigla 'to? Ang seryoso ng mukha niya na parang gusto niyang maniwala ako sa kanya. Tsaka tangina ang random naman kasi kanina ko pa sinabi iyon tapos ngayon niya lilinawin. Pero bago pa ako makasagot, dumating si Beau.
"Jax, may bagong order! Ikaw na rito. Si Kairo na lang bahala sa mga kalandian niya." Tumawa si Beau, sabay akbay sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya.
"Oo na, sige," sagot ko, sabay iwas ng tingin kay Kairo. Pero nararamdaman ko pa rin ang tingin niya, parang naghihintay ng sagot ko pero bayaan ko siyang mag overthink. Alangan namang ako lang diba? gulong gulo ako sa pinapakita niya ngayon kaya iwasan ko na nga muna siya kasi hindi na normal itong nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
Midnight Rain (Moon Struck Series #1)
RomanceMoon Struck Series #1 - Jax & Kai I was the midnight rain when I chose myself, even though he was willing to lose everything - Jax Bl story (Stem x Stem)