Not edited.
---
CHAPTER 8
The Bet
୨ৎ ────୨ৎ──── ୨ৎMatapos ang program back to acads na naman. Ang nanalo syempre kami sino pa ba? Baka STEM 'to.
Malapit na ang examination, wala pa rin akong nasusumulan o hindi pa ako nakakagawa ng reviewer.
Hindi ko alam bakit tamad na tamad ako ngayon. 'Yung tungkol sa project namin ni kairo napag usapan na namin nung nakaraan at ginagawa na niya iyong part niya.
Hindi ko pa siya nakakausap ngayon dahil busy at hectic ng schedule namin, maraming mga peta and activities.
Pero alam ko namang tinatapos na niya. Siguro kakausapin ko nalang siya mamaya about doon.
I'm bored but I need to wait for my prof. Last na class namin sa kaniya at hindi ko alam kung pupuntahan pa ba niya kami or hindi na.
Maya maya may kumatok akala naming lahat si sir pero hindi pala estudyante pala. Lumapit si beau at kinausap iyong babae, hindi namin rinig dahil ang hina ng mga boses nila.
Pagka alis nung babae nagtanong agad ako. "Beau, ano iyan may gagawin ba sa Philo?" Pagtatanong ko siyempre kung meron baka bukas ko nalang gawin hindi rin naman magpapasa iyang mga iyan kasi tinatamad.
"Oo, magsusulat lang naman. Bukas nalang daw natin ipasa 'yung mga notebooks natin." Inayos na niya ang laptop at sinasaksak ang hdmi.
Yes, shet tinatamad pa naman ako. Mamaya nalang talaga ako gagawa, chance ko na ito para kausapin si gatas.
Lumapit ako at pinapanood siyang magsulat. "Ano pang tinitingin mo riyan? Hindi kaba magsusulat?" Seryosong saad niya. Ano ba iyan pati ba naman iyon napapansin pa niya.
Nilapit ko pa sarili ko sa kaniya, inadjust ko ang upuan sa kaniya iyong walang space. "Mamaya nalang, kakausapin sana kita." Napakagat ako ng labi sabay tingin sa kaniya.
Bakit parang nakaka bakla? "Oh, ano ba iyon? Bilis sinasayang mo oras ko." Ngayon naman ang sungit sungit niya, 'di mo talaga malaman dito eh.
Napahawak ako sa batok ko bago siya liningon. Nagtapo ang mga mata namin. "Ah.. ano about sa project natin. Natapos mo na ba? Malapit na kasi exam natin kaya dapat matapos na natin iyon para wala nang problema."
Tinitigan niya ako ng matagal bago magsalita. "Yap, i-send ko nalang sa iyo sa messenger and sa email mo. Pwede kanang umalis at bumalik sa upuan mo." Walang kabuhay buhay na saad niya.
Hays na uubusan na naman ba siya ng pasensya? Ano na naman bang ginawa ko? Wala naman ah.
Sumimangot ako hindi ko alam bakit pinapakita ko pa sa kaniya iyon. "Ayaw ko nga, tinatamad nga ako sa pwesto ko wala ako makausap."
"Na di-distract mo ako alam mo ba iyon? Kung gusto mo rito tumahimik ka nalang." Naiiritang saad niya.
"Ang arte mo, ano meron ka ba ngayon? Ang sungit mo."
"Tsk." Hindi na niya ako nililingon.
Ano kayang pwedeng sabihin? Sarap din makitang pikon siya. Para akong ginaganahan.
"Kai." Pagtawag ko.
Nakuha ko ulit ang atensyon niya at tumingin sa akin, naka kunot na ang noo niya. "What?"
"Pustahan tayo ano? Huwag mo sabihin naduduwag ka?" Natatawa kong ani.
"Ano ba iyan?" Nanghahamon niyang sabi.
"Pataasan sa exam, kung sino ang nakakuha ng mataas na scores sa lahat ng subjects siya ang manglilibre." Feeling ko ako na ito, ang malilibre.
"Okay, deal. Kahit ano ba or may specific kang gusto?" Pagtatanong niya.
"Ahm..," kunwaring nag iisip. "Gusto ko ang mananalo ililibre ng steak. Sa alam kong ako mananalo ihanda mo na ang pera mo."
"Oh come on, Jaxon. Wala pang resulta kaya kalma. Kumalma ka." Napangisi pa siya.
"Next week na ang exam, kaya pagkatapos ng exam natin pwede mo na akong ilibre." Saad ko.
"Ahm okay." Pero parang wala lang sa kaniya or inasar lang ako nito.
---
Awasan na, uuwi na sana ako kaso nakita ko si kairo na mag isa lang. May nag uudyok sa akin na sundan siya.
Kaya ngayon heto ako, sinusundan siya. Naglalakad pala siya. What if kaya siya naglalakad kasi wala na siyang pamasahe?
Parang nakaka guilty pa, ang sinuggest ko pang food na ililibre steak. What if magpatalo nalang ako?
Ngayon nandito siya sa isang kainan. Nung pumasok siya sa loob pumasok din ako pero hindi agad agad nag intay ako mga ilang minuto.
Pumasok siya sa loob 'yung para sa mga staff lang. Ano ginagawa niya rito? Kanila ba ito? O nagtatrabaho siya dito?
Daming pumapasok sa isip ko. Nagtatago ako ngayon dito, kinuha ko pa iyong libro sa bag ko para lang may pang taklob sa mukha ko.
Sana lang hindi nya ako makita kasi anong sasabihin ko? Pa'no ko i-explain kung bakit ako nandito diba. Sana lang huwag niya ako mahalata.
"Kairo, table 6 daw! Paki dala ito." Pag sigaw nung babae.
Pagkalabas ni kairo sa staff room nakita ko siyang naka pang work na suot. So it means, work student siya?
Tangina, pa'no niya napagsasasabay iyon? Parang na gu-guilty na ako sa mga ginawa ko sa kaniya.
Sobrang daming customer, kita ko ang tagaktak ng pawis niya.
Makalabas nga muna at parang gusto ko siyang bilhan sa 7/11.
Ewan ko trip ko siyang bilhan. Pagpasok ko hinanap ko na agad iyong pepero, chocolate drink, and yakult.
Kumuha ako ng limang pirasong pepero, dalawang chocolate drink, at isang balot ng yakult.
Nang ma punch iyon agad akong bumalik sa pinagtatrabahuhan ni kairo.
Hinahanap ng mata ko si gatas kaso wala siya. Pumunta ako sa counter at umorder ng rice, 2 kinds of ulam, and drinks kasi baka mauhaw siya.
"500 pesos po Sir." Nakangiting saad nung babae. Inabot ko 'yung 1k bill.
"Keep the change. Anyways, pwede mo bang ibigay ito kay kairo tapos iyong food sa kaniya rin. Makikisuyo lang. Thank you, Miss."
"Okay Sir, ano po bang pangalan nyo?" Pagtatanong niya.
"I'm Jax, pero pwede mo bang sabihin sa kaniya na may nagpapabigay. Don't tell my name to him. Baka lumaki ang ulo."
"Sige po Sir, makaka asa po kayo. Thank you po sa tip, have a nice day!"
Umalis na ako bago pa ako ma abutan ni Kairo. Hindi ko alam bakit ginawa ko iyon. Pati ako nagulat sa actions ko.
Parang hindi ko ma explain bakit ayaw ko nang nasa ganoon siyang situation. Maka uwi na nga.

BINABASA MO ANG
Midnight Rain (Moon Struck Series #1)
RomanceMoon Struck Series #1 - Jax & Kai I was the midnight rain when I chose myself, even though he was willing to lose everything - Jax Bl story (Stem x Stem)