06

25 2 0
                                    

Not edited.

-------
                          CHAPTER 6
                           In denial
                ୨ৎ ────୨ৎ──── ୨ৎ

 
Yahoo, sabado na pakshet! buti naman. Pupunta ako ngayon sa elyu, gusto ko lang mag muni muni at mapag-isa. Feeling ko tuloy ang dami kong magagawa ngayong araw.

Mag-iistay ako rito ng isang araw, hindi naman ako niyan hahanapin nila dad.

Hindi ko nga alam kung hinahanap hanap nila ako o sadyang wala lang talaga silang pakialam. "Tangina, senti na naman ang aga aga."

Nagpapandalas na akong mag bihis dahil ayaw ko na muna rito sa bahay. Wala pa naman akong car kaya mamamasahe nalang ako.

Isasama ko nga sana si shannon pero gusto ko nga pala mapag isa muna, tsaka alam ko naman may pinagkakaabalahan iyon ngayon kaya hindi ko nalang siya isasama. Siguro next time nalang, lalo na buraot iyon gusto laging pa libre.

Pagtingin ko sa orasan, 9 am palang pala; maaga pa.

I don't have a car because, for Pete's sake, I'm still a minor. Even when I reach legal age, my parents still won't give me one. So what? I can buy one for myself when I'm already working.

For now, I just take a cab from Elyu—I still have my allowance anyway.

---------

When I arrived in Elyu, nag booked na agad ako ng room. Alangan namang hindi ako kumuha saan ako matutulog sa buhangin? No way! 

Tangina, ang ganda talaga rito ang sarap lalo na kapag nag-iisa ka. Kaya mahal na mahal ko itong elyu.

"How much is the room for one person?" I asked. Atat na atat na talaga akong mag swimming at  mag surfing.

"Sir, the rooms are already fully booked. The only available option is a room for two people. Is it okay with you to share the room?" Shet, ayoko pa naman na may kasama.

No choice naman na, malas ko today.  "Yes, of course. How much?"

She checked the folder and smiled at me. "Sir, for one night, it's 1,000 pesos po."

"Okay." tipid na saad ko, inabot ko na ang bayad; binigay niya na ang room number at key. Umalis na agad ako para malapag ko na ka agad ang mga bag at dala ko.

Mag surfing nga ako later, marunong naman ako kahit pa-paano.  Pagpasok ko sa room, napansin ko na may gamit na ang kabilang bed. Na una pala sya rito. Sana naman hindi ito pakilamero at maingay. I hate noisy people, ayaw ko may maka abala sa personal space ko.

Nag shower na muna ako bago ako pumunta ng dagat. Gusto ko fresh na ako bago lumusob doon. Ganyan talaga ako ka arte.

Mag to-topless nalang ako hindi na ako mag shirt. Pagkalabas ko bumungad sa harapan ko si gatas na si kairo wala ng iba pa. "Puta, anong ginagawa nito dito? tsaka siya ba iyong makakasama ko rito sa kwartong 'to? Kung sinuswerte nga naman." sarcastic na saad ko sa sarili ko.

''Ikaw pala? kaya pala ang kupad. Tagal mo, nag jakol ka ba?" gagong ito, kung ano anong pinagsasabi.

"Tangina mo, sinong kupad? kakarating ko lang dito tapos dumiretsiyo na ako rito. Tsaka pake mo, nagbayad naman ako." wala na siyang sinabi at pumasok nalang sa cr, ang lakas pa ng pag sarado na akala mo nagdadabog.

--------

Nandito ako ngayon sa dagat at hapon na pero hindi pa rin ako kumakain. Kanina pa ako nag su-surf dito, nagsisimula na akong ma bored. Pagtingin ko sa kabilang side nakita ko si kairo na may kasama ng babae at naka akbay pa.

"Ang gago, ang bilis naman nito. Kanina lang nagdadabog, ngayon may ka-akbay na," bulong ko sa sarili habang pinupunasan ang basang mukha gamit ang tuwalya.

Piniplit kong wag na lang silang pansinin at mag-focus ulit sa surfing. Pero kahit anong pilit, parang hindi ako makapag focus at may bumabagabag sa isip ko, tapos bakit may tumutusok sa dibdib ko? Para bang may something off akong nararamdaman nang makita ko siya lalo na nung may kasama siya iba.

Pagbalik ko sa shore, iniisip ko kung kakain ba muna ako o babalik sa kwarto para magpahinga. Bullshit kasi, bigla akong nawalan ng gana. 

Habang naglalakad, naririnig ko pa rin ang halakhak ni Kairo mula sa malayo. Tangina, ang ingay talaga, pa epsi pa. Eh ano naman kung may kasama siyang ebab, pake ko sa kanilang dalawa.

Pero bakit hindi ako mapakali? Bakit nga ba affected ako sa presence niya, bakit pa ulit ulit nag p-play sa utak ko iyong pag akbay niya? Wala naman kami pero bakit parang may epekto? I mean wala naman akong pake sa kaniya. Siguro talaga gutom ko lang ito. Panget naman nung gatas na iyon. Akala mo kung sino.

Pagpasok ko sa room, tahimik lang ako. Wala pa siya, kaya sinasamantala ko na ang pagkakataon para magpahinga. Dumapa ako sa kama, hinagis sa gilid ang basang tuwalya, at nag-scroll sa phone. Ang daming notifications, pero ang tumawag nang pansin ko ay galing kay Mom.

Mom:
Where the heck are you? You didn't even say where you were going. Talk to your dad. He was about to tell you something earlier. Haynako, bakit ba ganyan ka?

Ngayon naman galit sila, ang hirap nilang basahin. Minsan litong lito na ako kung nag-aalala sila o sadyang takot silang umalis ako dahil baka hindi na ako bumalik at makagawa nang hindi nila magugustuhan at makakasira sa imahe nila. Ganyan naman sila mom, wala nang pinagkaiba.

Dad:
You're gone again. You're spending too much of the money we give you. Be like your brother, who just focuses on studying. When you get back, we need to talk right away!

Hindi na ako nag abala na mag reply pa, alam ko naman patay ako nito bukas. Nagsisimula na naman sila, iyan na naman sila sa mga linyahan nila. Kasawa na.

Napairap ako at nilapag ang phone sa side table. Wala na talagang bago sa kanila. Lagi na lang ganito. Hindi ko na nararamdaman na concern sila—parang routine na lang ang lahat. Napapagod na ako, tangina parang gusto kong uminom.

Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Kairo. Kasunod niya ang babaeng kasama niya kanina. Napatingin sila sa akin.

"Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan? Naiinggit ka ba?" asar na sabi ni Kairo sabay ngisi.

"Engot," sagot ko, sabay talikod sa kanila. Ang lakas ng pintig ng puso ko, pero hindi ko alam kung dahil sa inis o sa iba pang bagay. Ayoko na munang mag-isip.

"Huwag kang mag-alala, jax. Hindi kita guguluhin. Kami lang ni mika ang magbabonding dito sa room. Ayos lang, 'di ba?" dagdag niya habang tinatawanan ako.

Hindi ko na siya sinagot. Tumayo ako, kinuha ang phone ko, at lumabas ng kwarto. Diretso ako sa beach ulit. Gusto kong makalimot. Ayoko nang maramdaman 'yung kahit anong bigat na pumipigil sa akin.

Habang naglalakad ako, binabagtas ko ang daan papunta sa dagat. Madilim na ang paligid, at tanging alon lang ang maririnig. Napahinto ako sa harap ng dagat at tumingin sa malayo.

"Tangina naman, bakit ba ako naapektuhan sa kanya?!" bulong ko habang pilit hinahanap ang sagot sa sariling tanong.

Inisip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Nakakainis na ang daming gumugulo sa isip ko—si Kairo, sina Mom, Dad, at ang sarili kong pakiramdam. Saan ba ako nagkamali? Tangina ni kairo at sumabay pa sa isipin ko.

Umupo ako sa buhangin at hinayaan ang malamig na hangin na haplusin ang mukha ko. Gusto ko sanang makahanap ng sagot dito sa Elyu, pero parang mas nadagdagan pa ang gulo sa utak ko.

Tsaka siguro wala na ito bukas, wala lang ito, sadyang na iinis lang ako kay kairo kasi kupal sya at parang nawalan ako ng personal space kasi may sinama siya roon sa loob. Oo nga iyon nga, wala lang 'tong gumugulo sa isip ko.

Ngayon  isa lang ang sigurado ako: gusto ko na maging malaya. Pero paano ko magagawa kung stock na ako sa kanila. Sana maging kasing tatag ako ni kuya para may lakas ako ng loob gumaya sa kanya.





Midnight Rain (Moon Struck Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon