Not edited.
---
CHAPTER 10
Steak Date?Last day na naman ng exam, hindi na ako nag try hard pang mag-review. Madadali nalang naman ang exam ngayon—Gen chem, Piling larang, Pe, Practical research 2, and Perdev.
Nag-a-advanced learning naman ako kaya familiar iyan sa akin. Mamaya na rin pala ’yung checking kaya mamaya rin namin malalaman sino ang mananalo sa aming dalawa.
Kung matalo ko siya, may extra money kaya siya? Hindi ko alam bakit kinakabahan ako, baka kasi mamaya magastos niya ’yung perang pinagpaguran niya.
If ever ako ’yung manalo, hindi ko nalang siya hahayaan na siya ang manglibre. Sabihin ko nalang na nagbibiro lang ako sa pustahan naming dalawa.
May allowance pa naman ako at 'yung savings ko. Pwede ko naman gastusin 'yon kung kailan ko gusto.
Hindi ko muna siya papansinin dahil halata sa kaniyang inis siya, bad mood siguro. Ano kayang nangyari sa kaniya?
Dumating na si Ma'am at ibinigay na ang test paper and answer sheet. As usual, I scanned the paper first before I read and put an answer in my paper.
Sometimes kasi iba 'yung nabibigay tsaka kulang kulang 'yong print sa test paper. Mas magandang sure na bago magsagot.
Nang matapos kaming lahat ay inutusan akong ibigay sa kabilang section ang test paper namin. Ganoon talaga, palitan kami kapag time na. Stem din naman 'yung kabilang section. Ganito talaga sa public hindi ko lang alam kung ganito rin ba ang kalakaran sa private.
Bago ako pumasok kumatok muna ako sa pintuan, baka kasi ang disrespectful ko kung basta basta nalang akong papasok.
May iba kasing mga prof na ayaw ang ganoong pag-uugali. Nagagalit sila at pinapahiya sa harapan ng estudyante ang ganoong klaseng behaviour.
Pagkakatok ko ay lumingon na ang prof kaya tumango sya at lumapit sa kaniya.
“Good morning po, tapos na po pala kami sa Gen Chem—piling larang na po kami, tapos na po ba kayo?" Polite kong pagtatanong, baka mamaya ang rude ko pala malalagot pa ako kay ma'am.
“Oo nak, wait lang ah." Kinuha niya ang test paper sa desk niya at inabot sa akin. Binigay ko rin ang Gen Chem.
"Ma una na po ako." Nag-paalam na ako kasi anong oras na magsisimula na ang exam in just 2 minutes.
"Sige, Jaxon. Good luck sa exam mo nak, I-perfect mo ah." Biro niya.
Tumawa nalang ako at umalis na pagpasok ko ibinigay ko na ito Kay ma'am at umupo na.
Pagkatapos ng Piling Larang ang next naman ay Pe.
Makalipas ang isang oras natapos na ang Pe, sunod na ibinigay sa amin ay Practical Research 2.
Madali lang naman ang mga tanong, tungkol lang naman sa pag-identify kung quasi experimental, descriptive, correlational, mga ganoong type ba. Then, sa mga parts ng research.
Basic lang naman, maning mani.Pag sulyap ko kay Kairo mukhang hindi pa siya tapos. Tinatamad pa akong tumayo at ibigay ang papel ko. Siguro intayin ko muna siyang magpasa bago ako.
Mga 15 minutes at sa wakas tapos na siya. Pinasa na niya ang test paper and answer sheet niya. Tumayo na ako at binigay ito kay ma'am.
Bago makabalik sa upuan si Kairo bumulong pa ako rito. "Ano kaya pa? Sabi sa iyo ako na mananalo."
"Alam mo ang yabang mo talaga, sa kayabangan mo baka mamaya ma jinx pa iyan. Sige ikaw din." Ngumisi pa siya at umalis na.

BINABASA MO ANG
Midnight Rain (Moon Struck Series #1)
RomanceMoon Struck Series #1 - Jax & Kai I was the midnight rain when I chose myself, even though he was willing to lose everything - Jax Bl story (Stem x Stem)