CHAPTER 5

38 13 3
                                    

"Sessha.....

Hindi agad namukaan ni Sessha ang babaeng nasa harap nya.

"Bakla ka ako to si Yurie yung kaibigan mo sa tokyo. Anong ginagawa mo rito?"

"Yurie."

Agad na niyakap ni Sessha ang kaibigan nya. Hindi nya agad nakilala si Yurie dahil lalo itong gumanda at nagpagupit rin.

"Bakla ka kamusta kana? Nabalitaan mo na ba ang nangyare sa nanay mo?" tanong nito.

"Anong nangyare sa nanay ko?"

"Nakulong ang nanay mo pero nakalaya na sya, yun nga lang nagkaroon sya ng malalang sakit mula ng umalis ka. Ayoko na sanang sabihin sayo to kasi alam kong hindi naman sya naging mabuting magulang sayo pero kasi sa tingin ko kailangan ka nya ngayon."

Naiiyak na naupo si Sessha at naawa naman ang kaibigan nyang si Yurie.

"Tama ka hindi sya naging mabuting magulang mula ng mamatay si tatay. Umalis ako dahil hindi ko na kayang sikmurain pa ang mga ginagawa nya. Ayokong magpakasal dahil may pangarap ako Yurie pero wala ng ibang bukang bibig si nanay kundi pera. Ilang taon akong nagtiis sa kanya, pinilit kong intindihin sya, kaya kahit hindi ko gusto ginagawa ko para sa kanya." naiiyak na kwento ni Sessha

Narinig naman ng team lalo na ni Minoru ang pag uusap ng dalawa.

"Babalik na kaya sya ng tokyo? Wag naman sana." bulong ni Eiji.

"Pero kailangan sya ng magulang nya. Ang magulang ay magulang parin kahit bali-baligtarin mo." sabe ni Fukatsu.

"Alam ko naman yun pero hindi naman naging mabuti yung nanay nya sa kanya. Paano kung ibenta nanaman sya, sinong magtatanggol sa kanya dun? buti sana kung nandun si Minoru." natatawang tumingin si Eiji kay Matsumoto.

"Tama nga naman." sang ayon ni Mikio.

"Hindi ko naman hahayaan na mangyare ulet yun dahil ayoko na syang makitang nasasaktan." seryosong sabe ni Minoru at natuwa naman sila Eiji at Fukatsu maging si Mikio.

"So anong balak mo? Babalik kana ba ng tokyo?" tanong ni Yurie.

"Oo babalik na sya ng tokyo na kasama ako." sagot ni Matsumoto.

Napangiti ng wala sa oras si Yurie at nabigla naman si Sessha sa sinabe nito.

"Boyfriend ka ba ni Sessha? Ako nga pala si Yurie friend nya." pakilala nito.

"Ako naman si Eiji."

"Hindi naman ikaw ang kinakausap. Umeepal ka nanaman." bulong ni Masashi.

"Hindi ko sya boyfriend Yurie. Ano ko sya....

Hindi na naituloy ni Sessha ang sasabihin ng biglang magsalita si Minoru.

"Tama sya hindi nya ako boyfriend dahil fiancee ko sya." sagot nito at nabigla silang lahat.

"Engaged kana? Kailan pa?" tanong ni Fukatsu.

"Totoo bang engaged kana? Naku siguradong matutuwa ang mama mo lalo na mukhang mayaman si, teka sino ka nga?" tanong ni Yurie.

"Minoru Matsumoto."

"Matsumoto ano bang sinasabe mo? Wag mo na dagdagan ang problema ko." pakiusap ni Sessha.

"Hindi ko dinadagdagan ang problema mo in fact sinusulosyunan ko nga. Ayokong bumalik ka ng tokyo ng hindi ako kasama. Kung gusto ng mama mo na magpakasal ka sa mayaman bakit di na lang ako di ba? Kaya kitang alagaan at protektahan at kung gusto mong mag aral, pag aaralin kita dahil pangarap mo makapag tapos di ba." seryosong sabe ni Matsumoto.

"Gagawin mo yun kahit wala kang nararamdaman para sakin? Paano ang feelings mo? Matsumoto madaling sabihin lahat yan pero hindi mo na kailangan gawin yun. Hindi mo na ako kailangan tulungan sa mga problema ko dahil kaya ko naman kahit ako lang mag isa. Mula pagkabata at hanggang sa lumaki ako wala akong naging kakampi kundi ang tatay ko pero maaga naman syang kinuha sakin." naiiyak na yumuko si Sessha.

"Kaya nga nandito na ako kasi pwede mo kong maging kakampi." sabe ni Matsumoto.

Hindi maiwasan ni Yurie at ng team na kiligin sa dalawa.

"Pumayag kana friend. Mukha naman mabait si Minoru at isa pa kung malalaman ng nanay mo na engaged kana baka di kana nya pilitin na ipakasal sa iba. Hindi ba yun naman ang dahilan kung bakit ka nag layas." sabat ni Yurie.

"Ayoko lang kasi magalit ang mga fans mo kapag nalaman na engaged kana. Isa pa paano kapa magkakaroon ng girlfriend kung engaged kana sakin." paliwanag ni Sessha.

"Hindi naman ako naghahanap ng girlfriend dahil kuntento na ako na ikaw ang kasama at hindi ko iniisip kung magalit ang mga fans ko kasi mas iniisip ko ang kapakanan mo." sagot ni Minoru at kinilig si Yurie.

Natouch naman si Sessha dahil napaka bait na tao ni Minoru.

"Pumayag kana Sessha." pangungulit ni Yurie.

"Sige kaya lang paano ang pag aaral mo?" tanong ni Sessha.

"Uuwe ako. Pero araw araw kitang pupuntahan ng tokyo." sagot ni Minoru.

"Siraulo ka ba? Hoy hindi malapit ang tokyo para mag uwian ka." singit ni Fukatsu sa usapan.

"Minoru tama si Fukatsu mahihirapan ka. Gusto mo pumunta kana lang ng tokyo once a week o kaya pumunta ka na lang pag di ka busy kasi ayoko rin mapabayaan ang pag aaral mo lalo na ang basketball." seryosong sabe ni Sessha.

"Pwede naman ako mag transfer sa tokyo." ngiting sabe ni Minoru at nabatukan sya ni Fukatsu.

"Baliw kana. Ayusin mo yang mga desisyon mo sa buhay." sabe ni Fukatsu at nagtawanan sila Eiji at Mikio ganun din si Yurie at Sessha.

"Ayaw mo lang syang mawala sa team hindi mo pa sabihin." bulong ni Masashi.

Pumayag si Minoru sa gusto ni Sessha na pupunta sya ng tokyo once a week para makita ito, pero kailangan nilang pumunta ng tokyo ngayon para ipaalam sa magulang ni Sessha na engaged na sya at ikakasal na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓Where stories live. Discover now