PROLOGUE

2 1 0
                                    


"Aray!" singhal ko. Kasalukuyan akong nasa library ng may nakabangga sa'kin, nahulog tuloy ang mga librong hawak ko. Nag lakad ng diretsyo yung lalaki ng hindi man lang ako nililingon. Kahit sorry wala.

"Grabe! Hindi man lang ako tinulungan na pulutin ang mga gamit ko, bastos!" sigaw ko.

Nakakahiya man pero hindi ko maiwasan na hindi sumigaw lalo na't madami dami ang mga libro na bitbit ko.Thanks kay Kuya dahil nahulog silang lahat.

"Hayst talaga naman." reklamo ko pa.

Nag simula akong pulutin ang ibang libro ng may lumapit sa'kin.

"Here let me help you." may isang lalaking lumapit saakin upang tulungan ako. Buti nalang.

Pinulot namin pareho ang mga nahulog na libro. Ang dami din nito 'no.

Kailangan ko 'to dahil malapit na ang exam namin.

"Thank y-" hindi pa man ako nakakatapos mag pasalamat ay umalis na siya.

Hindi ko man lang nakita ang mukha niya.

Kung sino man siya, maraming salamat sakaniya. Hulog siya ng langit.

•      •      •

"Please 'wag ang bag ko!" pakikiusap ko sa holdaper.

"Akin na sabi! Ang kulit mo!" sinikmuraan niya ako habang pilit na kinukuha ang bag ko.

Kanina pa ako humihingi ng tulong ngunit parang walang nakakarinig. Tanging iyak at pakiusap na lamang ang nagagawa ko.

"Please Kuya maawa kayo" umiiyak na pakiusap ko.

Nanghihina na ako. Wala na akong lakas para hawakan ang bag ko.

Lumalabo na ang paningin ko.

Bibitawan ko na sana ito ng biglang bumulagta ang holdaper.

May sumuntok sa kaniya.

Dugüan na ang mukha ng holdaper ngunit patuloy pa din itong sinusuntok ng lalaki.

Ilang segundo lamang ay tumigil na ang lalaki at tumakbo ng mabili ang holdaper.

"Viel are you okay? Viel? Wake up, please! Fck" paulit ulit na sambit ng lalaki bago pumikit ang mata ko.

Thank you Mr. Saviour.

The Unexpected Love Story Where stories live. Discover now