Nakakahiya, umiwas na ako ng tingin at umub-ob na.
Sinusubukan kong alisin ang hiya.
Padami na ng padami ang mga estudyanteng nag papasukan dito sa classroom.
Paingay na ng paingay.
Tumingin ako sa katabi ko na kanina pa tahimik.
Gusto ko sana siyang kausapin kaso baka maingayan sakin.
Lumipas ang kalahating oras ng dumating ang isang guro.
Lahat ng estudyante sa loob ng classroom ay nag si tahimikan at nag ayos ng upo."Good morning class. I'm Ms. Ava Devin, I'll be your advisor for one year so I need all of you to cooperate. I don't have many rules in my class so as long as you're listening to me we'll be fine, okay? Wag na natin patagalin pa. Introduce yourself in front." mahabang wika nito.
"Umpisahan natin sayo." turo niya sa babaeng nasa harap lamang niya.
Nag simula na silang mag pakilala.
Umabot ng ilang minuto at ako na ang susunod.
Hindi pa tapos yung babaeng tumabi sakin kanina.
Siya pala si Winona, mag ka-edad lang kaming dalawa.
Ng matapos siya ay tumayo na ako at pumunta sa harapan.
"Hi I'm Viel Eve San Diego, 15 years old. Nice to meet you all!" maikling pakilala ko.
Bumalik ako sa upuan ko at kampante ng umupo.
Hindi naman siguro nila kailangan malaman ang buong pagkatao ko.
Okay na siguro 'yan.
"Nice name huh? I'm Winona, nice to meet you Viel." pag papakilala ng katabi ko
"Nice to meet you too." maikling sagot ko.
Yan lamang ang sinagot ko dahil nahihiya pa ako.
Mga ilang minuto ang nakalipas, yung lalaking nag bigay sakin ng jacket na ang susunod.
Tumayo siya at pumunta sa harapan.
Napaka ganda talaga niyang pag masdan.
Inayos niya ang tayo at saka nag simulang mag salita.
"Keifer Yuro Wen, 16." pakilala niya.
Kung maikli na ang pag papakilala ko kanina ay may mas iikliin pa pala ang sakaniya.
Halatang halata sakaniya na masungit siya.
Pabalik na siya sa upuan niya.
Hindi ko maiwasan na sundan siya ng tingin hanggang upuan niya.
Napaka gandang nilalang niya.
Kahit sinong babae mai-inlove sa ganyang mukha.
"Pogi 'no?Crush mo?" saad ni Winona.
"Ha?Hindi ah!" pag protesta ko.
"Chill, nag tatanong lang naman ako, masyado kang defensive." pang-aasar niya.
"Kanina pa kita napapansin na pa sulyap sulyap sakaniya. Kung may gusto ka sakaniya, wag mo naman ipahalata." patuloy niya.
Halatang nang-aasar.
Hindi ko na siya pinansin at tinuon nalang sa harap ang atensyon.
Pero hindi ko pa din makalimutan ang mukha ng lalaking yon.
Kiefer Yuro Wen, napaka gandang pangalan. Bagay na bagay sakaniya. Hindi mawala sa isip ko ang mukha niya.
"Teka, iniisip? Hindi, hindi ko siya iniisip. Nahihibang na ata ako para isipin siya. Ngayon lang naman kami nag kita. Ngayon lang nga ba?Kakaiba ang wangis ng mukha niya pero parang pamilyar siya." saad ko sa isipan ko.
Napa buntong hininga na lamang ako sa mga pumapasok sa isip ko.
Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking iyon.
Parang hindi lang ito ang pinaka unang pag kikita namin.
Bahala na. Hindi naman importante kung ito ang una naming pagkikita o hindi.
• • •
Natapos ang araw na puro introduce yourself lang ang nangyari.
Nakakapagod din yon 'no.
Tatayo ka tapos uupo ulit.
Walang pinagawa samin ang mga guro kasi mag sisilbi daw ang araw na 'to para mag "getting to know each other" daw kami.
So far, may mga kilala na naman ako.
At si Winona?Ayon, close friend ko na.
Nag liligpit na ako ng gamit dahil ready na ako umuwi.
"Eve, san ka nakatira?" tanong sakin ni Winona.
"Sa subdivision ng Matipuno St., ikaw?" sagot ko.
"Malapit lang dito sa school, layo pala ng bahay niyo. Makiki-kain sana ako." pag bibiro nito.
"Bilisan mo, sabay na tayo lumabas." dagdag pa nito.
Nag madali akong mag ligpit dahil baka mag reklamo pa ang babaeng 'to.
Lumabas na kami ng classroom at dumiretsyo na sa gate.
"Hindi mo ba talaga gusto si Kiefer?Kahit sabihin natin na unang araw palang ito, grabe ka pa din makatitig sakaniya. Ganon din siya sa'yo. Baka mamaya secret love na pala kayo ah." hagikgik nito.
"Hindi ah, hindi ko siya gusto. Sadyang nakuha niya lang ang atensyon ko. Pinahiram niya nga ako ng jacket eh. Gentleman pero sayang kasi masungit." sagot ko dito.
"Jacket?Binalik mo na agad? 'di mo man lang inuwi para masulit mo pag hiram." ani niya.
"Ha?Hindi ko pa sinasauli ah." wika ko.
Tinignan ko ang balikat ko, wala nga akong suot na jacket.
Kahit sa bewang ko walang nakatali na jacket.
"Ay hala, naiwan ko ata. Mauna ka na umuwi, babalik lang ako ng room." pag mamadaling ani ko.
"Ha?Sige, ingat!" saad ni Winona habang nag lalakad papuntang gate.
Bumalik ako sa room para hanapin yung jacket.
Nakakahiya naman kung mawala ko 'yon.
Pinahiram na nga sakin, naiwala ko pa.
Binuksan ko ang classroom door, ang dilim na.
Nakapatay na ang mga ilaw.
Hindi ko na sinubukang buksan pa ang ilaw, baka makita pa ako ni Kuya Estong ng hindi pa nahahanap yung jacket.
Pumunta ako sa upuan ko, at tama nga. Nasa ilalim ng desk ko yung jacket.
"Whoo!Sawakas!" natutuwang ani ko.
Lalabas na sana ako, pero nagulat ako ng biglang mag sarado ang pinto.
Tumakbo ako papunta dito. Naka-lock!
"Teka lang po, may tao pa po dito!" sigaw ko
"Hello?Tao po!May tao pa po dito!" patuloy ko.
Nakakailang sigaw na ako pero parang walang nakakarinig.
"Ang malas naman!" naiiyak na ani ko."Shut up, woman." isang boses ang umalingawngaw sa loob ng kwarto.
Kinakabahan man ay tumingin ako dito.
Crap, I'm doomed.
YOU ARE READING
The Unexpected Love Story
RomanceWhat if yung inaakala mong sa panaginip na lang mangyayari ay biglang nag ka-totoo? Yung inaakala mong hanggang panaginip nalang ay bigla mong naramdan sa tunay na buhay. Viel Eve San Diego, isang simpleng babae. Maganda, maputi, matalino at madami...