6:05 am na, papunta na ako ng school.
Hindi na ako nag paaga pa ng todo dahil makukulangan ako ng tulog.
Pag pasok ko palang ng classroom ay nakita ko agad si Kiefer sa likod habang nag babasa ng libro.
Simula kaninang umaga, hindi na siya mawala sa isip ko.
Nang makita niya ako ay dali-dali siyang tumayo at lumapit sa'kin.
"Ahm Hi Viel, can we talk?" ani niya.
Halata sakaniya ang kaba. Ano kayang meron?
"Sure, ilalapag ko muna ang gamit ko." pumunta ako sa upuan ko at nilapag ang bag ko.
"Let's go at the cafeteria? Hindi pa din kasi ako nakakapag breakfast eh." saad ko dito.
Hindi na ako nag agahan kanina sa bahay dahil baka ma late lang ako.
"Umupo ka na muna dyan, ako na ang mag o-order." alok ni Kiefer.
Sumang-ayon naman ako dito.
Pinag masdan ko siya habang papunta sa counter.
Napaka gwapo niya talaga.
Pero kahit na anong gwapo niya, hindi pa din niya mapapantayan ang Mr. Saviour ko.
Bumalik siya dala-dala ang dalawang order ng waffles at hot chocolate coffee.
"Here, let's eat first." wika niya.
Umabot din ng ilang minuto bago kami matapos kumain.
"Ahm Viel, I want to tell you something." saad niya habang kinukuha ang box na kanina pa niya bitbit.
"Here." saad niya hanang inaabot sa'kin ang box.
Binuksan ko ito at nakita ang napaka daming sulat.
Binuksan ko ang isa dito.
Nag lalaman iyon ng mga liham na sulat kamay.
"Dear Viel,
Mi Amor, paano ko ba sasabihin na mahal kita?Saaking mga mata ikaw ay nag iisa. Walang kahit anong salita ang tutumbas sa taglay mong ganda. Nakaka pagod din pala na sulyapan ka lang sa malayo. Tulungan ka at bigyan ka ng mensahe ng pasikreto. Unang pag kikita natin noong 2nd year palang tayo. Inaabot mo pa ang pusa noon sa kanal. Pusa ang inaabot mo pero puso ko ata ang nabingwit mo. Simula nung araw na 'yon hindi ka na mawala sa isip ko. Kelan kaya ako makakaamin sa'yo? Kelan kaya ako makakakuha ng lakas ng loob upang masabi sayo ang nararamdaman ko? Pagod na akong mag tago. Siguro panahon na para sabihin sa'yo ito. MAHAL KITA Mi Amor.
- Kiefer"pag basa ko sa liham na kaniyang isinulat.
"Anong ibig sabihin nito?" naguguluhan kong tanong sakaniya.
"Viel, i like you ah no, I love you. 2nd year palang tayo gusto na kita. Patagal ng patagal, palalim ng palalim ang nararamdaman ko sayo. Sa bawat umaga, nag bibigay ako ng mensahe sa'yo. Creepy man ako sa paningin mo pero yun lang ang tanging paraan para maiparamdam ko sayo ang nararamdaman ko. Nung araw na na holdap ka, nung araw na nabunggo ka ng isang lalaki sa library, ako ang tumulong sayo. Sinasadya kong hindi mo makita ang mukha ko dahil wala pa akong lakas ng loob para umamin sayo. Oo bata pa tayo pero totoo at malinaw ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita Viel. Mahal kita mi amor!" mahabang lintana nito.
Wala akong masabi.
So all this time ang Mr. Saviour ko ay si Kiefer?
Ang taong tumatawag sakin ng "Mi Amor" at nag bibigay sakin ng mga mensahe ay si Kiefer?
Hindi ako maka-paniwala.
Nag hahalong kaba, saya, excitement ang nararamdaman ko.
Matagal ko ng hinihintay ang panahon na makilala ang Saviour ko.
Eto na pala, eto na pala ang araw na makikilala ko siya.
Hindi na ako nag sayang ng oras pa, lumapit ako sakaniya at niyakap siya.
"Thank you, thank you so much Kiefer! My Saviour. Ang tagal kong hinihintay ito." naiiyak na saad ko sakaniya.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makilala ka!" natutuwang dagdag ko.
Kaya pala. Kaya pala magaan ang loob ko sakaniya kahit unang beses ko palang siyang makita.
Kaya pala kahit ngayon ko palang siya nakilala ay may parte na sa puso ko na parang matagal ko na siyang kilala.
Kaya pala. Lahat ng bumabagabag sa isip ko ay nawala.
Binaba niya ang braso ko at hinawakan ang kamay ko.
"Viel, matagal kon hinihintay ang araw na ito. Matagal na akong nag tiis na pag masdan ka lang sa malayo. Kaya Viel, may I court you?" tanong nito
"Yes, of course yes!" hindi na ako nag dalawang isip pa.
Ang inaakala kong sa panaginip ko lamang makakamtan ay nag katotoo na.
Para akong nakalutang sa ulap, manliligaw ko na ang Mr. Saviour ko.
He hugged me tightly na para bang wala ng bukas.
"Hindi ko sasayangin ang chance na binigay mo Mi Amor. I love you ngayon, bukas at mag pakailanman" huling saad niya tsaka ako hinalikan sa noo.
This is what I call "A DREAM COME TRUE.
YOU ARE READING
The Unexpected Love Story
RomanceWhat if yung inaakala mong sa panaginip na lang mangyayari ay biglang nag ka-totoo? Yung inaakala mong hanggang panaginip nalang ay bigla mong naramdan sa tunay na buhay. Viel Eve San Diego, isang simpleng babae. Maganda, maputi, matalino at madami...