CHAPTER 1: FIRST MEET

1 1 0
                                    

Viel's Pov

*TRRRT TRRT TRRT*

Dali-dali kong pinatay ang alarm clock ko.

Lunes na naman, simula na naman ng unang araw para sa eskuwelahan.

Hi, I'm Viel Eve San Diego. 15 years old.

Maaga pa lang pero kailangan ko ng mag-ayos para pumasok kahit na 6:30 am pa ang start ng klase namin.

Syempre, hindi pwedeng ma-late sa unang araw ng pasukan.

4:30 am na ng matapos akong mag ayos ng sarili ko. Kailangan kong mag paganda kasi sabi nga nila "first impression last forever".

Sino bang babae ang gustong makitang hindi maayos sa unang araw ng pasukan?

"Nak, bumaba ka na dito. Kumain ka na" sigaw ni Mama sa baba.

"Opo Ma, pababa na po" wika ko.

Pababa na sana ako ng mag vibrate ang phone ko, hudyat na merong nag message sa'kin.

"I can't wait to see you, mi amor. I really miss you."

Pang ilan na 'to, 2nd year palang ako ay nakakatanggap na ako ng mga mensahe galing sa taong ito na tinatawag akong "Mi amor".

4th year high school na ako. At sa dalawang taon na pag mmessage sakin nito ay nasanay na ako.

Hindi ko ito kilala at hindi ko na balak kilalanin pa. Isinawalang bahala ko na lamang ito at bumaba na.

"Pinag handa na kita ng lunch mo, ubusin mo 'yon mamaya ah" bungad sa'kin ni Mama pag baba ko ng hagdan.

"Opo. By the way Ma, ihahatid po ba ako ni Manong?" tanong ko dito.

"Yes dear, pero mamaya pang alas-sais ang dating niya dito dahil may pinabili pa sakaniya ang Papa mo." sagot nito pabalik.

Tango na lamang ang naisagot ko.

Hindi na ako umimik pa dahil wala na naman akong sasabihin.

Pinag patuloy ko na ang pag kain at saka nag handang muli.

May bumusina sa labas ng aming bahay kaya lumabas na ako.

Panigurado namang si Manong Joseph iyon.

Nag paalam na ako kay Mama at dali-daling sumakay sa kotse.

Hindi naman kalayuan ang paaralan na pinapasukan ko.

Sa tingin ko'y aabot lamang kami ng 20 minutes na byahe.

Wala pa ako sa paaralan pero kinakabahan na agad ako.

5:05 na ng makarating kami sa paaralan, bumaba na ako ng kotse at nag paalam na kay Manong.

Pinag masdan ko ang paaralan, wala pang gaanong tao.

Yung guard palang at iilang estudyante palang ang nandito.

"Good morning po!" bati ko kay Kuya Estong. Guard ng school.

"Magandang umaga iha, ang aga mo naman ata" bati nito saakin.

Nginitian ko ito at dumiretsyo na sa building ng magiging classroom ko.

Hinanap ko ang classrom ko. Sabi kasi sa bulletin board doon sa gate, sa Room 503 Daffodil Building ang magiging klase ko.

Hindi naman nag tagal ang pag hahanap ko dito, nasa klasroom na agad ako.

At dahil maaga ako, ine-expect ko na ako palang ang nandito.

Pero mali ako.

May isang lalaking natutulog sa mesa ang naabutan ko.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil naka ub-ob siya sa mesa.

Hinayaan ko na lamang ito at umupo na sa tabi ng bintana.

Dahil maaga pa naman, naisip kong mag muni-muni muna.

Nag suot ako ng headphone at pinatugtog ang paborito kong kanta habang pinag mamasdan ang paligid.

May hardin kasi sa likod ng building na ito at kitang kita 'yon mula sa bintanang ito.

"Cause I'm in a field of dandelions

Wishing on every one that you'd be mine, mine

And I see forever in your eyes

I feel okay when I see you smile, smile

Wishing on dandelions all of the time

Praying to God that one day you'll be mine

Wishing on dandelions all of the time

All of the time"

-(Dandelions by Ruth B)

Pag kanta ko habang nakatingin sa labas.

Ang ganda ng hardin.

Punong puno ng bulaklak, bagay na bagay sa kanta.

Damang dama ko ang pag hampas ng hangin, napaka lamig.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Ang lamig." wika ko ng muling dumampi saakin ang hangin galing sa bintana.

Ilang segundo lamang ng makaramdam ako ng presensya ng tao sa aking likod.

Tumingin ako sa likod ko upang maabutan ang isang matangkad na lalaking nakatayo.

Sa palagay ko ay siya ang natutulog na lalaki kanina, nagising ko ata.

"Gamitin mo muna." inabot niya sakin ang jacket niya.

Ang lalim ng boses niya.

Natamaan ng ilaw galing sa labas ang kanyang mukha.

Hindi maikakaila ang ganda ng kaniyang mga mata, makapal na kilay, magandang pangangatawan, matangos na ilong, mahabang pilik-mata, maganda at mapupulang mga labi.

Mukha siyang isang anghel.

Sa tingin ko ay hanggang balikat niya lamang ako.

Napaka gandang anghel.

Nagulat man ay tinanggap ko ito dahil hindi ko na din matiis ang lamig ng hangin.

Hinubad ko ang aking headphone at nag pasalamat sakaniya.

"Thank you. Nagising ba kita?Pasensya na." pag papa-umanhin ko.

"Kinda." maikli at malamig na sagot nito.

Bumalik ito sa kanyang upuan at natulog muli
.
Napa buntong hininga na lamang ako sa sinagot niya.

Halatang masungit siya.

Isinuot kong muli ang aking headphone ngunit hindi na ako nag balak na kumanta pa.

At dahil walang tao, naisipan ko na umidlip na din muna sa upuan ko.

Hindi ko maiwasang tignan yung lalaki kanina.

Para bang kilala ko siya pero ito ang unang pag kikita namin.

Jsinawalang bahala ko na lamang ito at umidlip na.

•   •   •

Nagising ako sa isang marahas na pag galaw sa tabi ko.

5:40 am na. Napahaba ang idlip ko.

Napatingin ako sa gilid ko, nakita ko ang isang babaeng may lagpas balikat na buhok na ngumunguya ng bubble gum ang nag lapag ng bag niya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Nagising ba kita?Sensya na." wika niya.

Ngumiti lamang ako at pasimpleng nag unat.

Nilibot ko ng tingin ang buong classroom.

May iilan na ding mga makikitang estudyante dito.

Napako ang tingin ko sa isang lalaki na nag babasa ng libro sa likod.

Siya ulit.

Tumingin siya sa'kin at nag taas ng isang kilay dahilan ng pag-iwas ko ng tingin sakaniya.

Hindi ko namalayang napatagal ang pag titig ko sakaniya ang mas malala pa, nakangiti ako.

Isa lang ang masasabi ko. NAKAKAHIYA!

The Unexpected Love Story Where stories live. Discover now