𝗚𝗔𝗩𝗜𝗡'𝗦 𝗣𝗢𝗩
𝖭𝖺𝗄𝖺𝗇𝗀𝗂𝗌𝗂 𝖺𝗄𝗈 𝗁𝖺𝖻𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗀𝗅𝖺𝗅𝖺𝗄𝖺𝖽 𝗉𝖺𝗅𝖺𝖻𝖺𝗌 𝗌𝖺 𝗀𝗒𝗆. 𝖴𝗇𝖺 𝗉𝖺𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗉𝗅𝗂𝗇𝖺𝗇𝗈 𝗄𝗈 𝗍𝖺𝗅𝖺𝗀𝖺 𝗇𝖺 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗅𝖺𝗌𝗊𝗎𝖾𝗓 𝖺𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗀𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺𝗂𝗇 𝗄𝗈 𝖽oo𝗇 𝗌𝖺 𝗌𝗍𝖺𝗀𝖾.𝖡𝖺𝗀𝖺𝗒 𝗅𝖺𝗇𝗀 𝖽𝗂𝗇 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗇 𝗌𝖺 𝗄𝖺𝗇𝗒𝖺 yun 𝗄𝖺𝗌𝗂 𝗐𝖺𝗅𝖺 𝗌𝗂𝗒𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗌𝗒𝖺𝖽𝗈𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗍𝗎𝗅𝗈𝗇𝗀, 𝖺𝗇𝗀 𝗍𝖺𝗇𝗀𝖺 𝗄𝖺𝗌𝗂 𝗍𝗌𝗌.
Gusto ko lang din bumawi sa kanya kasi naiinis ako sa nakita ko kanina habang hinahanap siya.
FLASHBACK
Tumakbo ako papasok sa gubat at hindi na hinintay ang sagot nila sa sinabi ko. Nagpaiwan ako para hanapin si Velasquez dahil pag gising namin ay hindi namin siya nakita. Gusto pa akong samahan ni Klye pero hindi na ako pumayag.
Hindi ko alam pero hindi ako mapakali simula noong nalaman ko na nawawala siya, ang sabi niya kagabi susunod siya sa pag pasok sa van pero hindi naman pala. Ang tigas kasi ng ulo ng babaeng iyon, hindi ko alam kung pinaglihi ba siya sa bato.
"Tangina naman, bakit ba ang daming matitinik na halaman dito." irita kong sabi.
Ang hapdi ng binti ko at ramdam kong may mga maliit na sugat yun dahil sa mga halaman na matitinik na nandito sa gubat, samahan pa ng napaka lamig na hangin tapos wala pa akong dalang jacket. Speaking of jacket, may dala pala ako pero binigay ko sa babaeng matigas ang ulo, si Velasquez.
Hindi totoong pinapabigay ni Klye yun sa kanya, ako talaga nag kusang nag bigay dahil may puso rin naman ako, malamig rin kasi kaya binigay ko na lang, palusot lang yung kay Klye para naman hindi siya mag isip ng kung ano ano at baka lagyan niya pa ng malisya.
"POTANGINA!" malakas kung mura ng may biglang dumaan sa harap ko na hayop na hindi ko alam kung anong tawag.
Lakad takbo ang ginawa ko at palinga linga sa paligid dahil nagbabakasakaling makita ko siya, naiinis ako dahil sa tigas ng ulo niya pero hindi mawala ang pag alala ko baka may nangyari ng masama sa kanya. Wag niyong bigyan ng malisya, nag alala lang ako dahil kargo ko siya pag napahamak siya.
Tss tunog defensive ako doon ah
Paatuloy lang ako sa ginagawa ko at hindi ko alam kung ilang oras na akong naghahanap sa kanya, parang naliligaw na nga ako pero hindi ko yun binigyan ng pansin dahil naka focus ako sa paghahanap sa babaeng yun. Napangiwi ako ng maramdaman ang pagod sa katawan ko, dagdag mo pa ang pagkalam ng sikmura ko dahil wala akong maayos na kain kagabi at hindi ko alam kung anong oras na ngayon. May dala nga akong phone pero lowbat naman, malas.
Nang makaramdam na ako na parang matutumba na ako sa sobrang hilo dahil mukhang umiikot lang ako sa gubat na ito, umupo muna ako sa malaking puno para magpahinga sandali, sinandal ko ang ulo ko sa puno at pumikit muna.
Napaigtad ako ng may marinig akong sumigaw sa taas, at parang nag slow motion ang nangyari ng may nakita akong nahuhulog na tao, napatayo ako ng wala sa oras ng makitang si Velasquez iyon dahil suot niya pa rin ang jacket ko na binigay ko sa kanya kaya agad ko siyang nakilala. Parang na paralyzed bigla ang katawan ko dahil hindi ako nakakilos, nakita kong bumagsak siya sa lupa at nawalan ng malay.
Tangina!
Tatakbo na sana ako para puntahan siya pero napatigil din ako ng may biglang sumulpot na lalaki, nakasuot ng red na jacket at may mask din siya sa mukha.
YOU ARE READING
CAMPUS CHRONICLES : THE STUDENT COUNCILS
Misteri / ThrillerBOOK 1 : CAMPUS CHRONICLES