CHAPTER SEVEN - Back in the Metro

226 25 0
                                    

Y/n's POV

Thursday. Naisipan kong umalis ng mas maaga para hindi ko na kailangan pang bumayahe ng malayo pabalik ng Manila, and of course the traffic. As usual.

While putting my bags in the car, nakatayo lang si lola sa may porch, hawak ang tasa ng kape niya.

"Maaga ka talagang aalis, apo. Hindi ka man lang mag-aalmusal muna?" tanong niya.

"Lola, baka abutin ako ng traffic sa byahe. May oras pa akong hahabulin. Don na lang po ako kakain sa daan," sagot ko habang sinisiguro kong maayos ang lahat ng gamit.

Narinig kong bumukas ang pinto, lumabas sina Miki at Nissin, may dalang plastic bag.

"Linyahan mo, Ate Y/n, bulok na." sabi ni Miki habang inaabot sa akin ang hawak niya. "Magbaon ka kasi alam naming hindi ka kakain hanggat hindi ka nakakarating sa condo mo."

Napangiti ako. "Kailan ka pa naging thoughtfull, Miki? Salamat!"

"Gutom ka na nga mamaya, pasasalamatan mo pa ako ulit," biro niya.

Tumawa ako. "Hintayin mo lang."

Lumapit si Lola at hinawakan ang braso ko. "Ingat ka, apo. Huwag masyadong magpapagod, ha? Alagaan mo ang sarili mo."

I kissed lola on her cheeks. "Magpapahinga rin po ako, Lola. Promise." I turned to my two cousins. " At kayong dalawa, huwag masyadong pasaway kay lola, sumbong ko kayo kay tito sige kayo."

"Wag naman ganon, Ate, behave kami dito no. Ingat ka! Labyu!" Nissin said bago nila ako yakapin ng mahigpit.

Parang ayoko na tuloy umalis.

Napailing na lang ako at sumakay na sa kotse.

Driving away... i watch them sa rearview mirror, kumakaway sina Lola, Miki, at Nissin. Napabuntong-hininga ako.

Sana naman walang mangyari kababalaghan.

Mikha's POV

I was just chilling in the coffee shop, playing with my cup of coffee when someone entered.

Saglit lang akong napatingin pero natigilan ako nang makita ko si Y/n.

She's back?

Napababa ako ng phone, nagkunwaring busy pero pasimple akong tumingin ulit. She walked toward the counter, wearing that oversized hoodie and a cap. Simple lang pero may dating. Parehas sila ni Tricho.

Bestfriends indeed.

She's just waiting for her coffee. Bigla nalang akong napatayo, hindi sigurado kung dapat ko ba siyang lapitan o hindi. Pero bago pa ako makapag-isip nang maayos, napalingon siya sa gawi ko.

Our eyes met that's how her smile slowly grew. "Mikha?"

"H-hey..." pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

What was that?!

Lumapit siya sa table ko dala ang kape niya. "Ikaw ha, iniisip ko tuloy sinusundan mo na ako."

"Huh? Y/n, spot ko to, baka ikaw sumusunod sakin?" i joked and she just laughed at me.

"So, you're back na?" I asked.

She nodded. "Yeah, may biglaang work eh, i guess wala ring kwenta yung 1 month break ko."

"So, what's keeping you busy?" tanong ko.

"I'll be hosting sa ASAP this Sunday."

"Wow, congrats!"

Ngumiti siya. "Thanks. Kinakabahan din, pero okay lang. Kailangan lang gawin, di ba?"

Tumango ako. "You'll do great, for sure."

Tumingin siya sa relo niya. "Anyway, kailangan ko nang umalis. Magpapahinga pa ako. Ang aga ko ring bumyahe kanina."

"Sige, ingat ka. See you?" sabi ko.

Ngumiti siya ulit bago naglakad papunta sa pinto. "See you, Mikhs."

I can't help but to smile. Y/n has this way of making everything feel so casual yet special at the same time.

Napalingon ako sa gawi ng restroom, kalalabas lang ni Patrcio, halatang inis na inis. Pinapahid niya ang mga kamay niya sa damit niya na may basang marka.

"Ano ba yan, Mikhs! Walang tissue, tapos sira pa 'yung hand dryer. Paano na 'to? Mukha na akong batang nagtampisaw sa tubig!" reklamo niya, sinisilip pa ang basang parte ng shirt niya.

Modelong dugyot.

Natatawa akong umiling. "Alam mo, 'di ka talaga pwedeng wala sa eksena kahit saglit."

"Ano raw?" tanong niya, bakas pa rin ang inis habang umupo sa tapat ko.

"Wala. Anyway, i just met Y/n and kaaalis lang niya."

"Si Y/n? Dito?" Agad siyang luminga-linga, parang hinahanap pa rin kahit sinabi ko nang wala na.

"Bro, Umalis na nga."

"Eh bakit hindi mo man lang ako tinawag?!" reklamo niya sabay upo pwesto niya.

"Nasa restroom ka, alangan namang puntahan kita don no?"

Napa-ubob siya sa mesa, parang bata. "Ang malas ko talaga sa buhay."

"Oa mo beh. I'm sure magpapakita rin sayo yon." i said, sipping on my coffee.

"Better be," bulong niya, kunwaring nagtatampo pa rin habang sinisilip ulit ang basang parte ng shirt niya.

Napailing na lang ako. Patricio talaga, laging may sariling drama.

Y/n's POV

As soon i got home, i quickly place down my bags at napaupo nalang sa couch. I looked around. Malinis, tahimik, and obviously walang tao.

Malamang.

Tumayo ako papunta sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Habang umiinom, napatitig ako sa view ng city mula sa bintana. Manila traffic, as usual. Pero masarap din palang bumalik kahit paano.

Tsh, akala mo naman talaga nagtagal sa probinsya eh.

Binuksan ko ang phone ko, nag-check ng mga notifications. Ang daming messages, work updates, friends, pati mga group chats na hindi ko pa nabubuksan.

Maya-maya, napaisip ako. Bukas na pala ang orientation ko for hosting. So, this is it. Back to work.

Umupo ako sa bar stool ng kitchen at napatingin sa mga bagahe ko.

"I'll unpack later," i whispered to myself, i want to relax muna kahit sandali.

Binuksan ko ang IG ko at nag-scroll ng konti. May mga bagong comments sa huling post ko, karamihan tanong kung nasa Manila na ako. "Masyado naman kayong updated."

I posted a quick story of the city view, captioned,

Back in the metro. 🌁

Napabuntong-hininga ako.

"Ready or not, here we go again."

Love and Fame | Mikha x Fem ReaderWhere stories live. Discover now