CHAPTER EIGHT

195 22 1
                                    

Y/n's POV

*CLANG! CLANG! CLANG!*

•••

*CLANG! CLANG! CLANG!*

•••

"Y/N RICALDE, ANONG ORAS NA?!"

"Ha?!" Bigla akong napabalikwas sa kama.

Ang sakit sa tenga!

Pagmulat ng mata ko, nandun ang manager ko, hawak ang dalawang pot lid.

"WHAT THE-Kuya, ano ba?!" sigaw ko habang tinatakpan ng unan ang ulo ko.

"Anong ano ba? Y/n, may Orientation ka!"

Nagising na ako ng tuluyan. "Anong oras na?!"

"8:20 na, Jusmiyo!"

"Ano?! Nag alarm naman ako ah?!" I said, pointing over the digital alarm clock sa tabi ng kama ko.

"Tapon mo na yan," sagot niya. "Ito na ang alarm mo. Pot Lid Symphony No. 1 in Gulat Minor!"

I panicked.

I jumped out my bed at halos madapa pa dahil sa pagmamadali ko. "Wait, wait! Shower muna ako!"

"Wala ka nang oras!" hablot niya sa towel ko. "Maghilamos ka na lang at magspray ng perfume. Bahala ka kung gusto mo pa magsuklay!"

"Paano naman 'yung outfit ko?!"

"Nasa sofa sa living room!"

Tumakbo ako palabas ng kwarto, pero bumalik ulit. "Nasaan ang shoes ko?!"

"Sa shoe rack!"

"Ay oo nga pala." Tumakbo ulit ako, kinuha ang shoes, pero wala pang medyas. "Kuya! Asan na medyas ko?!"

"Y/n, Diyos ko, saan ginagamit ang mata? Doon sa drawer mo!"

Mabilis kong hinanap ang medyas ko, sinusuot habang tumatalon-talon.

After that, sinungkit ko ang bag ko sa dining chair habang pilit sinisiksik ang laptop sa loob.

"Nakakain na ba ako?!" tanong ko habang nagmamadali.

"Kung kaya mong kainin 'tong pandesal habang tumatakbo palabas, go!" Iniabot niya ang isang piraso ng pandesal.

I just grabbed it and ran toward the door. Pero bago pa man ako makalayo...

"Y/N! SUSI MO!" sigaw niya, hawak ang car keys ko na kinalimutan kong kunin.

Shet!

"Owmayghadd!"

Hinagis niya iyon at saktong nasalo ko naman. "Thanks, Kuya!" Tumakbo na ako papunta sa elevator.

Pagdating sa parking lot, halos mabangga ko pa ang side mirror ng katabing kotse habang nagmamadali akong sumakay sa loob.

Napasandal ako saglit, habol-habol ang hininga. "Hoo~"

8:40. Kaya pa. Start engine, press gas.

"Waaaah!, wag sana akong ma-late!"

-

Kahit pa muntik na akong ma-late, nagawa ko pang dumaan sa drive-thru at bumili ng kape.

Small wins.

Love and Fame | Mikha x Fem ReaderWhere stories live. Discover now